Chapter 17

217 23 0
                                    

Nakatanggap ng hindi magandang balita si Azam. Naaalarma na siya sa nangyayari. May nagbabanta sa buhay ng mahal na prinsesa. Nababahala siya para sa kasintahan kahit alam niyang hindi niya hahayaan na may masama mangyari rito.

Natigilan siya ng makarating sa kinaroroonan ng isa sa nagtatrabaho sa kanila.

"Pasensya na sa abala,"agad na pagbungad nito sa kanya.

Agad na natuon ang mga mata niya sa kasama nito na walang buhay na nakasandal sa katawan ng puno.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Huli na ng makita ko siya at hindi ko na siya natulungan. Masyado mabilis ang lalaki na pumatay sa kanya,"pagtugon nito.

Nilingon niya ito.

"Bampira?"

"Hindi ako sigurado pero...may palagay ako na hindi lang siya basta normal na bampira na nabiktima lang din ng mga tulad natin,"may himig na pagkabahala sa tono nito.

Mariin niyang tinitigan ang lalaki at isang saglit lamang ay impit ito napaigik ng sukulin niya ito sa katawan ng isang puno.

Gulat at takot ang makikita sa mga mata nito.

"Hindi kita kilala at...hindi pamilyar ang mukha mo sa aming pangkat,"mariin at puno ng panganib na sabi niya.

Halos mapugto na ang hininga nito ng mas lalo niya diinan ito sa katawan ng puno. Napahawak na ito sa braso niya kung saan nakadiin sa leegan nito. Umangat na ang mga paa nito sa lupa.

"H-hindi...p-parang awa mo na,"nahihirapan nitong sabi.

"Anong kailangan mo,pangahas?"mabangis na saad niya kasabay ng paglitaw ng mga pangil niya.

Ang nahihirapan nitong anyo ay napalitan ng isang nababaliw na nilalang. Tumawa ito ng malakas. Sa diin ng pagdadaiti ng braso niya sa leegan nito lumilitaw na ang mga ugat nito at unti-unti nangingitin.

Pamilyar sa kanya ang nangyayari sa lalaking bampira.

"I-iisa-i-iisahin niya kayo! S-susunod na s-siya!"saad nito sa pagitan ng pagtawa at tumuon ang mga mata nito sa likuran niya kung saan nararamdaman niya na may ibang presensya roon na tahimik lang nakamasid sa kanila.

Bago pa man siya makareak unti-unti na nagiging abo ang lalaki.

Malakas na bumagsak ang katawan nito sa lupa habang nagiging abo.

Ang itim na nitong mga mata ay tumingala sa kanya.

"Ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang ina.. "huling salita nito bago ito tuluyan naging abo.

Umihip ang hangin at nilipas sa kawalan ang abo nito.

Naikuyom niya ang isang palad.

"Naging abo din siya,"bigla pagsulpot sa gilid niya ang may-ari ng presensya  na iyun.

Hindi na siya nabigla pa na naroroon ito dahil kanina pa niya ito nararamdaman habang kausap niya ang lalaking bampira na naging abo na ngayon.

"Iisa lang ang may gawa nito sa kanya.."dugtong nito.

Muli niya inalala ang unang engkwentro niya noon na naging abo din at may sinabi din ito na tumutukoy din sa paghihiganti.

"Kailangan malaman ng mahal na prinsipe ang tungkol sa bagay na ito,"aniya.

"Masyado ng nag-aalala si Ama ngayon. Hindi maganda ideya pa na dagdagan natin,"anito.

Tinitigan niya ang prinsesa.

"Isa kang mandirigma. Ang ganitong tagpo ay malinaw na iisa lamang ang may kinalaman. May paghihiganti na dapat na ikabahala ng lahat at ng kahit sino man sa atin,"seryoso nitong sabi.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon