Chapter 26

176 21 1
                                    

Hindi na alam ni Vena kung kaya pa niya bang pigilan ang lalaking tinatangi ng puso niya sa maitim nitong plano na magsimula na nitong isakatuparan.

"Hindi ko inaasahan na matatagalan ang pagkamatay niya,"nakangisi usal sa kanya nito.

Nasa loob sila ng silid nito. Ang pula ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa loob ng silid ay siya din nagbibigay ng bigat at kilabot ng may-ari ng silid iyun.

"May dugong bughaw ang bampira iyun,"komento niya sa blankong ekspresyon.

Tumango-tango ito. Kitang-kita sa gwapo nitong mukha ang pagkainip.

"Pwede ko naman na siguro isunod sa kanya ang isa miyembro ng pamilya niya na pumatay kay ina,"saad nito sa madilim na anyo.

Naikuyom niya ang mga palad na nasa magkabilang gilid niya.

"May nais lang ako ipaalam sayo,"saad niya na agad naman natuon ang atensyon nito sa kanya mula sa hawak nitong wineglass na may laman pulang likido na kani-kanina lang ay pinaglalaruan nito.

Nakaupo ito sa leather sofa nito na nasa may paanan ng malapad na kama nito.

Pinatili niya ang malamig at blanko ang emosyon sa kanyang mukha.

"Siguradong maaalarma na ngayon ang pamilyang Aquilles sakaling makitang may pagbabago sa Prinsipe,"saad niya.

Mariin na nakatitig sa kanya ang mga mata nito.

"Alam mong malawak  ang kaalaman ng Prinsesa. Siguradong magka--"naputol ang sasabihin niya ng bigla na lamang nasa harapan niya ito.

Napakaintimidate ng tingin nito sa kanya at tila ba pilit nito binabasa ang nasa likod ng isip niya at nagpapasalamat siya na iyun ang kakayahan niyang gawin mula ng maging kauri siya nito ang itago ang laman ng isip niya.

"Sinasabi mo bang posible na mapatay ko ang Prinsipe dahil matalino ang Prinsesa?"mariin nitong usal.

"Hindi mo naman kailangan itanong pa yan dahil alam mo ang sagot riyan,"deretsahan niyang tugon rito.

Dumilim ang anyo ng mukha nito na siyang nagbigay ng kilabot sa kanya. Kinakatakutan niya ang makita niya ito sa ganoon anyo dahil kahit anuman oras handa siya nito tapusin kahit tinuring na siya nito isang kaibigan.

Napukaw siya ng tumawa ito na may halong pait.

Saka lang siya nakahinga pagkatalikod nito sa kanya habang tumatawa pa rin ito.

Nakakatakot. Ito ang ayaw niya maramdaman ang matakot siya rito.

Binaba nito ang hawak na wineglass sa isang patungan.

"Kung ganun pwede ko na nga isunod ang matandang bampira iyun,"patuya nitong saad.

Hindi niya kilala sino ang tinutukoy nito.

Nakangisi na pumihit paharap sa kanya ito.

"Tama..siya na muna siguro mauuna kaysa sa Prinsipe, "anito sabay halakhak.

"Hindi ko kilala ang tinutukoy mo,"kuryuso niyang sabi.

Ngumisi ito sa sinabi niya.

"Malalaman mo rin naman kapag nauna siya namatay kaysa sa Prinsipe,"nakangisi nitong tugon sa kanya.

Hindi na siya umimik pa.

Tama ba itong ginagawa niya?

Kasulukuyan,nasa harapan siya ngayon ng bahay ng pamilyang Aquilles.

Gusto niya ipaalam sa Prinsesa ang sunod na plano ng kaibigan.

Pero...may silbi ba ito?

Tama ba na kinakalaban niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay?

Ngunit nasimulan na niya. Nagawa na niya itong kalabanin.

Pero...mas pipiliin ba niya na ipahamak ito?

Naikuyom niya ang mga palad at sa huli nagpasya na lamang lisanin ang lugar na iyun pero bago pa man siya makailang hakbang. Malakas na singhap ang kumawala sa mga labi niya ng malakas siya masadlak sa katawan ng isang malaking puno.

Gulat na tiningala niya ang gumawa niyun sa kanya at tanging liwanag lang ng buwan ang pumapanglaw sa buong kapaligiran.

Maitim at galit na mga mata ang sumalubong sa kanya.

"Anuman sandali kaya kitang patayin lalo na hindi ako mapipigilan ng Prinsesa,"puno ng panganib nitong sabi na nagbigay sa kanya ng kilabot at takot.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya at sa klase ng tingin nito sigurado siyang totohanin nito ang sinabi.

"M-may nais akong iparating na babala,"nauutal niyang usal.

Nanatili ang mapanganib na anyo nito.

"M-may isang malapit sa inyo ang gusto niyang unahin.."usal niya.

Napasinghap siya ng dumiin ang braso nito sa leegan niya.

"Alam ko kung sino ang nasa likod ng lahat na ito,bampira!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

Binalot na siya ng takot sa sinabi nito.

"A-ano?"

"Ang anak ng dating Prinsesa,"angil nito sa kanya.

Nahigit niya ang hininga. Wala na siya maisip na sasabihin dahil nilukob na siya ng takot at pangamba para sa kaibigan.

"A-alam niyo na k-kung sino siya?"

Naningkit ang mga mata nito. "Malalaman ko kung sasabihin mo kung saan ko siya makikita,"mariin nitong sagot.

Bigla siya nakaramdam ng tuwa na malaman na hindi pala talaga tukoy ng mga ito kung sino ang kaibigan niya. Sa pangalan nito. Ngunit nakakangamba pa rin alam na ng mga ito kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Hindi ba mas exciting kung kayo na mismo ang makakaalam kung sino siya? Ang tanging maibibigay ko lamang ay ang mga plano niya hanggan doon lang kaya kong gawin para sa inyo,"matapang niyang sabi.

Umangil ito sa kanya at nangilabot siya ng makita ang nakakamatay nitong anyo. Nagkamali siya ng sinabi. Hinamon niya ito!

"K-kung..kung papatayin mo ako..s-siguradong mawawalan kayo ng ideya upang mailigtas niyo ang isa't-isa.  M-malaki ang maitutulong ko sa inyo,"buong tapang niyang sabi.

Nagbabakasakali na mabuhay pa siya sa sinabi niyang iyun.

Naramdaman niya ang pagluwag nito sa pagkakasukol sa kanya.

"Anong ginawa niya sa Prinsipe?"tanong nito na may kaakibat na babala na kailangan niyang sagutin ito.

Napalunok muna siya.

Vena..taksil ka na sa kanya!

"Sumagot ka! Anong ginawa niya sa Prinsipe?!"mariin nitong singhal sa kanya na kinapitlag niya.

Mariin niya naipikit ang mga mata.

Patawarin mo ako...

"Nilalason ang Prinsipe,"saad niya.

Natigilan ito sa sinabi niya. Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito.

"Isang klase ng lason na...na tanging.."

"Ano?!"naiinip nitong putol sa kanya.

Muli niya naipikit ang mga mata.

Patawarin mo ako...

"..tanging dugo lamang niya ang makakagamot sa Prinsipe,"sagot niya.

Napaatras ito sa sinabi niya. Bago pa man ito makabawi sa sinabi niya mabilis na tumakas siya mula rito. Kailangan niyang iligtas ang sarili sa mga kamay nito na tiyak na hindi na siya nito pagbibigyan pa ng pagkakataon na hindi makapagsalita pa muli at ayaw pa niya mamatay gusto pa niya makasama ang kaibigan. Gusto niya magkaroon ng pag-asa pa na mabago ang lahat kahit hindi na mangyari pa ang pangarap niya na mahalin siya nito.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon