Naging abala si Azzam ng mga nakaraan araw kaya ilang araw din hindi sila nagkita ng dalaga. Gusto niya gumawa ng isang bagay na ikatutuwa nito.
Agad na pumihit siya paharap kung saan palabas ng bahay ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha nito.
He miss her. He wants to hug her pero kailangan niya magkontrol. Hindi ito ang tamang lugar para gawin yun.
"Kamusta,mahal kong prinsesa?"untag niya rito pagkalapit nito sa kanya.
Agad na bumaling ang maiitim nitong mga mata sa likuran niya.
"Pambawi ko sa ilang araw na hindi tayo nagkasama,"aniya.
May kislap ng tuwa ang mga mata nito na nilapitan ang kinatatayuan ng dalawang bisekleta.
"Paslit ka pa lang noong huling sumakay ka dyan,hindi ba?"saad niya habang pinagmamasdan ang tuwa sa mukha ng dalaga.
Nilingon siya nito at ngumiti ang mga labi nito na miminsan lang gumuhit roon.
"Tama ka..salamat at naisip mo ito,"anito.
Napangisi siya. "May magandang lugar kung saan tayo pwede magbisekleta,"tugon niya rito at saka tinungo ang isang bisekleta.
Agad naman sumakay ang dalaga sa bisekleta na para rito at nauna siyang nagpedal at sumunod ito sa kanya.
Pumantay ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang katuwaan sa maganda nitong mukha habang sakay niyun. Tinatangay ng hangin ang nakalugay nitong buhok.
She look so enchanting with her beautiful smile on her lips.
Hindi naman nagtagal narating na nila ang lugar na sinasabi niya. Matatanaw ang walang hangganan na lawak ng mga talahib. Nagtataasan ang mga iyun.
Inihimpil niya ang bisekleta niya sa tabi at pinanuod na lamang ang dalaga sa pagbibisekleta nito.
She look a young girl. Masaya ito habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada. Pabalik-balik ito at sa tuwina sinasamahan pa nito ng mahinhin na tawa kapag napapadaan sa kanya.
Hindi rin nagtagal huminto na ito sa pagbibisekleta. Agad na inabutan niya ito ng tubig pagkababa nito roon.
"May inihanda ako sa bandang gitna ng talahiban,"turan niya rito saka hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha nito at iniipit sa likod ng tainga nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya pagkaraan uminom ng tubig sa binigay niya.
Nginisihan niya ito.
"Talaga? Pero pagod na ko,"sabi nito.
Umalpas ang tawa sa mga labi niya.
"Pagod na pala ang mahal kong prinsesa,"panunudyo niya rito.
Bago pa man ito makareak sa sinabi niya tumalikod siya rito at pasquat na umupo at nilingon ito.
Nagtataka naman ito nakadungaw sa kanya ang mga mata nito.
"Kakargahin kita hanggang sa makarating tayo doon,"saad niya.
"Kakargahin mo ko?"tila hindi nito inaasahan turan.
"Oo,mahal na prinsesa,"nakangisi niyang sabi.
Tinitigan muna siya nito saka ito nagdesisyon na sumampa sa likuran niya. Agad na humigpit ang pagkakayakap ng mga braso nito sa leegan niya.
Ipinaling niya ang mukha rito. "Komportable ka ba?"
Agad na tumango ito at ipinatong ang kabilang mukha nito sa balikat niya.
Mabilis na pinatakan niya ng halik ang tungki ng ilong nito saka siya humakbang patungo sa mga talahiban.
Sinuyod nila ang nagkukumpulan mga talahib. Maya-maya ay dinipa ng dalaga ang isa nitong braso at hinayaan na sumago ang palad nito sa nadadaanan nilang talahib. Masugatan man ito agad din iyun nabubura.
Ramdam na ramdam niya ang katuwaan ng dalaga kahit hindi nito iyun ilabas. He feel it. He feel everything about her. She is his life.
"Kapit ka ng mahigpit sakin,mahal kong prinsesa, "untag niya ng matanaw papalapit na sila sa pagdadalhan niya sa dalaga.
Agad naman ito kumapit sa kanya at isamg iglap mabilis pa sa hangin na sinuong nila ang talahiban.
Isang masayang tawa mula sa dalaga habang karga niya ito sa likuran at mabilis na tinatakbo niya ang talahiban hanggan sa marating nila ang tinutukoy niya.
Maingat na binaba niya ang dalaga pagkatuntong nila sa maliit na burol na lupa. Ang gitna bahagi ng napakalawak na talahibang ay iyun lamang ang parte na maaaring pwestuhan.
Namamanghang nilingon siya ng dalaga.
"Hindi pa tayo nakakapagpiknik,"turan niya rito.
Natawa siya ng alerto niyang sinalo ang katawan ng dalaga ng bigla siya nitong yakapin.
"Salamat! Pinasaya mo ako ngayon araw,"usal nito habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.
"Kahit ano para sa mahal na mahal kong prinsesa, "usal niya sabay halik sa gilid ng ulo nito.
Bumitaw ito at mabilis na inabot ang mga labi niya para sa mabilis na halik saka umupo kung saan naroroon ang inihanda niyang pagkain at ang espesyal na inumin na ito mismo ang gumawa.
May ngiti sa mga labi niya na pumuwesto siya ng upo sa likuran nito. Kumikislap ang maiitim nitong mga mata na nilingon siya nito.
"Ang romantic mo pala,"usal nito na kinatawa niya.
"Sabi ko nga gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang pagkukulang ko sayo sa loob ng dalawang dekada,"matapat niyang sagot.
"So,kailangan ko umasa na marami pang kasunod na romantic date?"anito.
Napangisi siya saka tumango.
"Oo naman,mahal kong Sanya,"masuyo niyang pagtugon sa dalaga.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
Umangat ang isa niyang kamay na nababalutan na itim na benda.
"Napakaganda mo habang nakangiti ka,"saad niya ng puno ng pagkamangha habang marahan na humahaplos sa pisngi niyo ang likod ng mga daliri niya.
"Maganda naman talaga ako kahit hindi ako nakangiti,"tugon nito na kinangisi niya.
"Tama ka..saka mas mababaliw ako sa ganda mo kung nakangiti ka,"aniya.
Isang mahinhin na tawa ang kumawala sa mapupula nitong mga labi.
"Gusto ko nga yun pero hindi ako palagi ngingiti baka magsawa ka,"anito na kinaangat ng isa niyang kilay saka umiling.
"Hindi mangyayari.."
Tumaas ang isa nitong kilay na tila duda pa.
Natawa siya saka pinisil ang tungki ng ilong nito.
"Kung hindi tunay ang pag-ibig ko para sayo hindi ko ilalagay sa alanganin ang buhay ko lalo pa at anak ka ng prinsipe na malaki ang tiwala sakin at hindi ako mangangamba ng ganito sa kaalaman na walang kasiguruduhan na sang-ayon ang magulang mo satin dalawa,"wika niya.
"Kaya kita ipaglaban,mahal kong Sanya.. kahit buhay ko pa ang kapalit,"dugtong niya sa sinabi.
"Mahal kita,"usal nito.
"Mahal na mahal din kita,Sanya,"pagtugon niya sa dalaga.
Masuyong sinakop niya ang mga labi ng dalaga na agad naman tumugon sa halik niya.
Sana hindi lamang mga labi nito ang nararamdaman niya. Sana pati ang mga kamay nito na walang kahit anong balot sa kanyang mga kamay.
He want to touch her with his bare hands but he know that will never happen.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampireIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...