Sa ngayon kailangan nila ilihim ni Azam ang tungkol sa kanila dalawa sa kanyang ama at ina kaya heto siya ngayon sa harapan ng condo unit na pag-aari ng lalaki na hindi alam ng mga ito. Pinagpaalam niya na mamasyal lang siya at hinayaan naman siya ng mga ito dahil alam ng mga ito dalawang dekada siya nanatili sa Womanland at nangako ang mga ito na mamasyal sila magkakasama sa oras na matapos ang mga kailangan ng mga ito tapusin.
Pinindot niya ang doorbell na nasa gilid ng pintuan at agad naman iyun bumukas.
Isang nakangising bampira ang bumungad sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya na humakbang siya papasok sa loob ng unit nito.
"Feel at home,Mahal na Prinsesa!"untag nito pagkapasok niya.
Inirapan niya ito saka niya sinuyod ang kabuuan ng unit nito. Minimalism ang tema. Mabibilang lang ang kagamitan pero sa isang banda ng silid na iyun naagaw ang atensyon niya. Nilingon niya ang lalaki na mataman na nakatitig lang sa kanya.
"Musikero ka na ngayon?"
Ngumisi ito at may pagmamalaki na tumango-tango ito. "I can sing,too!"anito sabay kindat sa kanya.
Napatitig siya sa gwapong mukha ng bampira. May kung ano siya nararamdaman sa nakikita niyang kasiyahan nito.
"Anong iniisip mo?"pukaw nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at muli ibinaling ang mga mata kung saan naroroon ang mga instrumento. Isang drumset,guitar at isa pang klase ng gitara na nakasandal sa pader. Nagmukha iyun studio dahil sa ayos ng mga iyun sa gitna ay may microphone stand.
"Kaya hindi ka nagpapakita sakin dahil marami ka na pala pinagkakaabalahan,"saad niya sa mahinang tono. Nasa dibdib pa rin niya ang hinanaing sa hindi nito pagpapakita sa kanya ng matagal.
Nahigit niya ang hininga ng yakapin siya nito mula sa likuran niya.
"Patawad,Mahal kong Sanya..hinintay ko lang ang tamang panahon at pati na rin sa pagtuntong ng tamang edad mo bago ako gumawa ng isang hakbang para satin dalawa,"saad nito habang nakayakap sa kanya.
"Kung ganun hindi ngayon ang tamang panahon na yun dahil ako na mismo ang nagpunta sayo?"lingon niya rito.
"Pwede naman mapaaga. Sa tingin mo ba mag-aaksaya pa ko ng panahon ngayon makakasama na kita?"agad nito tugon sa kanya.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kung hindi pa ko nagpasya na tumawid mula sa Womanland para makita ka sa tingin ko hindi mo maiisip yan?"duda niya rito.
Nagkunot ito ng noo.
"Nauunawaan ko kung masama ang loob mo sakin at maliit ang tiwala mo sa mga sinasabi ko pero bigyan mo ako ng pagkakataon na makabawi sa pagkukulang ko sayo,"sinsero nitong saad.
Unti-unti natunaw ng kasinseridad nito ang lamig ng pakikitungo niya rito.
"Dapat lang...isa akong prinsesa. Isang insulto sa akin na ako ang maghabol sa isang ordinaryong bampira lang,"tahasan niya sabi ngunit imbes na mainsulto ang lalaki tumawa ito at mas hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
"Ganoon kamahal ng mahal na prinsesa ang ordinaryong bampirang ito,"nakangising may pagmamalaki nitong saad.
Inirapan niya ito saka hinayaan ang sarili na matunaw sa pagitan ng mga bisig nito. Isinandal niya ang sarili rito.
She feel comfortable and...content.
"I miss you so much...hindi ko lubos na maisip na nayayakap na kita ngayon,Mahal kong Sanya.."usal nito.
Oo...dahil bata pa siya hindi siya nito nahahawakan maliban sa paghaplos nito sa pisngi niya.
Natahimik sila dalawa at kapwang ninanamnam ang pagkakalapit ng mga katawan nila sa isa't-isa. Suminghap ito sa pagitan ng leeg at balikat niya. May kung anong namumuong nakakakilabot na tensyon ang namagitan sa kanila. Isang sensasyon na sila lang nakakaramdam.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampiriIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...