Chapter 28

152 23 1
                                    

Makikita ang poot at galit sa mga mata ni Ismail habang mataman na nakatitig sa nanghihina prinsipe. Nakagapos ito gamit ang nakakamatay na lubid na sa bawat galaw at mapadikit sa balat nito ay ang pag-usok niyun.

Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Ismail at niyukod ang mahal na prinsipe.

"Kamusta, boss?"nakangisi niyang turan rito.

Nanghihina man pero naghuhumiyaw pa rin ang panganib na dala ng presensya nito pero hindi nito maiisahan ang nakagapos sa katawan nito.

Nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanila mga mata. Ang mga mata na pinangingilagan ng lahat dahil sa dilim at dala ng panganib niyun pero iba ang gusto niya makita sa maiitim nito mga mata.

Ngunit tanging pagkadismaya at lungkot ang nakikita niya sa mga mata nito na hindi niya gusto makita mula rito.

Napatiim-bagang siya pero hindi niya ipapakita rito ang nainsulto siya sa nakikita niya sa mga mata nito.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ko ito ginagawa?"nakangisi niyang tanong rito.

Matiim na nakatitig sa kanya ang mga mata nito na buo tapang naman niya sinasalubong.

"Hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito,"anang ni Anastasia na siya asawa ng prinsipe.

Nilingon niya ito at saka ito naman ang nilapitan niya gaya ng prinsipe ay nakagapos rin ito.

"Bakit ko nga ba ginagawa ito?"mapaglaro niya tanong rito.

Ang matatalim nito mga mata ay mariin na tumitig sa kanya. Napangisi siya ng makita sa mga mata nito ang gusto niya makita at maramdaman nito.

"Ismail.."sambit nito sa pangalan niya. Unti-unti nabura ang ngisi sa mga labi niya. Hindi niya gusto ang marinig ngayon ang pagtawag nito sa pangalan niya. Sa tuwing nagkikita sila nito ang pagtawag nito sa pangalan niya ay tunog na tinuturing siya nito anak at hindi niya gusto iyun!

"Isma--"

"Tumahimik ka!"sigaw niya kasabay ng pagsampal niya rito na kinabigla nito.

"Ismail!"dumadagundong na boses na pagtawag sa kanya ng Prinsipe. Mabilis ang paghinga na nilingon niya ito. Napangisi siya ng makita ang galit sa mga mata nito na kanina pa niya gusto makita.

Kalmante na nilingon niya si Anastasia na gulat pa rin ang makikita sa anyo nito. May kung anong guilt na gusto umusbong sa dibdib niya na makita ang dugo sa gilid ng mga labi nito at hindi niya gusto maramdaman iyun. Pinangibabaw niya ang galit. Ang galit na dapat siya lamang manaig ngayon dahil gusto niya ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ina.

"Hindi namin kagustuhan mamatay ang iyong ina,Ismail,"saad ng prinsipe na nagpabalik sa kanya ng atensyon rito.

Nanliit ang mga mata niya rito. Kalmante at blanko na ang makikita emosyon sa mukha nito. Mariin na naikuyom niya ang mga palad.

"Naging sakim siya..nais niya mamatay ang kaniyang kapatid,ang iyong Lola..at kami lahat,"mariin nito sabi pero mahihimigan roon ang panghihinayang at lungkot na hindi niya gusto marinig.

Mas lalo dumiin ang pagkakakuyom ng kanyang mga palad. Mas lalo naging mabalasik ang kanya galit na mga mata na mariin na nakatitig sa mga mata nito.

"Pumatay siya dahil sa inggit..gusto niya kumitil ng buhay dahil sa kasakiman,"patuloy nito.

Hindi niya gusto marinig ang mga panget na salita na iyun na pinaparatang sa kanyang mahal na ina. Hindi man siya nabigyan ng pagkakataon na maging malapit sila mag-ina alam niya isang mabuti ang kanyang ina dahil kung hindi sana wala siya sa mundo ito kaya hindi siya naniniwala na isang mamatay ang kanya ina!

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon