Takot at pangamba. Sabay na nararamdaman iyun ni Sanya. Pinagmasdan niya ang braso. Ang bahagi na kung saan bumaon ang patalim na may lason na siyang ginamit noon kay Prinsesa Roisa ang paligid niyun ay nagkulay itim ang ugat hanggan sa puno ng kanyang balikat kung hindi napilitan si Azzam na gawin nito ang pagpigil sa pagkalat ng lason ay malaman hindi iyun maagapan pero hindi siya nagsisisi na ang kanan braso niya ay halos wala ng buhay.
May lungkot sa mga mata ng kanyang ina na si Anastasia habang maingat nito binabalutan ng benda ang kanya buong braso.
"Ina,"untag niya sa kanyang ina. Pilit ang ngiti nito sa mga labi na nag-angat ng mukha sa kanya.
"Sasama ako sa pagbalik mo sa WOMANLAND,anak. Gusto kita alagaan,"saad ng ina na mahihimigan ang pag-aalala nito para sa kanya.
"Ayos lang naman po ako,ina..baka kailanganin kayo ni ama rito, "tugon niya.
Umiling ito at puno ng pagmamahal na hinaplos ang kanya pisngi. "Gusto ng iyong ama na samahan kita. Naisin man ng iyong ama sumama pero kailangan siya rito,"saad ng kanyang ina.
Masaya siya na bumalik na sa dati ang kanyang ama. Ang lason na kumakalat sa katawan ng ama ay tuluyan ng napigilan dahil sa dugo ni Ismail na siya tangi lamang makakapaglunas roon. Ang paghatol rito ay sa Womanland ipagpapasya.
Nginitian na lang niya ang ina sa desisyon nito.
"Abala din po ba siya?"untag niya pagkaraan.
Napabuga ng hininga ang kanyang ina. "Hindi ko siya masisisi kung bakit..."saad ng ina at hindi na nito tinapos ang sasabihin at dinaan na lamang sa pagbuntong-hininga. Batid naman niya kung ano nangyayari ngayon sa kasintahan.
Alam niyang hindi pa siya nito kayang harapin. Galit. Galit ito sa nangyari sa kanya at galit ito sa kanya dahil sa pag-utos niya gawin ang isang bagay na alam niya hindi nito kayang gawin. Guilt. Guilty ito sa nangyayari dahil pakiramdam nito hindi siya nito naprotektahan.
"Nauunawaan ko naman siya pero...naiinis ako sa kanya dahil parang wala siya tiwala sakin,"may hinanakit niyang usal.
Napabuga ng hangin ang kanyang ina.
"Ganun talaga ang mga lalaki,hija...mas babae pa sila minsan satin lalo na kung masyadong emosyunal,"masuyo saad ng kanyang ina.
Tumango siya at inunawa ang sinabi ng kanyang ina pero naiinis lang siya dahil hindi siya pinagkatiwalaan ng kasintahan.
Ngayon kinailangan niya bumalik sa WOMANLAND,aalis siya na hindi sila magkikita.
Titiisin siya nito?
Wala siya kwenta!
Pilit na kinukubli niya ang nararamdaman bigat ng kalooban at lungkot ng dumating na ang oras sa pagbabalik niya sa WOMANLAND kasama ang kanyang ina. Si lupe at si Ismail na hindi na muli nagsalita pa pagkatapos ng nangyari labanan nila.
"Hihintayin ko ang pagbabalik niyo,"saad ng kanyang ama at hinalikan ang kanyang ina sa labi at noo at saka ang kanyang noo at isang mahigpit na yakap.
"I will miss you,my princess,"usal nito na puno ng pagmamahal.
Mahigpit na yakap ang ginanti niya gamit ang isang braso. May malungkot na ngiti sa mga labi ng ama ng pagmasdan siya nito at bumaling sa kanyang braso na balot ng benda.
"Mahal na mahal kita,"saad ng kanyang ama na nagpainit sa kanyang puso.
"Mahal na mahal ko din po kayo,ama,"emosyunal niyang tugon.
Wala siya naramdaman presensya ng kasintahan. Tiniis siya na hindi makita nito at hindi niya alam kung kailan sila makakabalik ng kanyang ina mula sa Womanland.
"That's bastard,let me take care of him,"mariin na saad ng kanyang ama saka muli pinatakan nito ng halik ang kanyang noo. Kahit papaano gumaan ang kanyang kalooban sa sinabi ng ama.
Alam niya na hindi pa tuluyan tanggap ng kanyang ama ang relasyon nila ni Azzam. Ano man ang dahilan ng ama sigurado siya na tanging siya lamang ang iniisip ng ama lalo pa nag-iisa lamang siya anak nito kaya sigurado hindi magiging madali sa kanyang ama ang lahat ng ito.
Hinarap ng kanyang ama si Ismail na blanko ang emosyon na makikita sa mukha nito. Gusto niya maawa sa kalagayan nito ngayon dahil tinatanggihan nito ang binibigay nila upang mapunan ang pagkauhaw nito sa dugo ay mabilis ito namayat. Hindi man ito magsalita alam niyang naapektuhan ito sa pagkamatay ni Vena.
Sigurado siya higit pa sa isang kaibigan ang turing nito sa huli at natabunan lamang iyun ng galit at paghihiganti sa kanila kaya hindi na iyun nabigyan pa ng atensyon para sa babae.
Napabuntong-hininga siya. Tunay naman nakakapanghina ang naging katapusan ng paghihiganti nito. May nagbuwis buhay para sa kaligtasan ng isa.
Sinuyod niya ang buo paligid at tinalasan ang pakiramdam sakali man maramdaman niya ang presensya ng kasintahan pero kabiguan lang ang napala niya. Kalungkutan sa puso niya ang dinulot niyun.
Babalik na naman ba sa dati. Sa panaginip na lang ba ulit sila magkikita? Aasa na naman ba siya na kahit isang beses ay bisitahin siya nito sa palasyo?
Siguro nga pagsubok lamang ito sa kanila ng kasintahan.
WOMANLAND
Hindi kaya ni Sanya na makita ang pagtatagpo ng Reyna at ng apo nito si Ismail. Malamig at blanko ang pinapakitang emosyon ni Ismail sa Reyna na hindi matigil-tigil sa pag-iyak na inalalayan ni Lupe .
Inihatid siya ng kanyang ina sa kanyang kwarto. Hinawi ng kanyang ina ang manipis na puting kurtina na tumatakip sa balkonahe ng silid niya.
"Namiss ko ng sobra ang lugar na ito. Napakapayapa at hindi mo iisipin na minsan ay sinakop ito ng kasakiman ng dating prinsesa,"bulalas ng kanyang ina habang nakatanaw sa mga tahanan ng kanilang kalahi.
Tumabi siya sa kanyang ina at nilanghap ang sariwang hangin na tumatama sa kanila.
Agad na napangiti at nasabik siya ng makita ang mga alagang uwak na siya naging kadamay niya ng maraming taon.
Napapalibutan sila mag-ina ng mga uwak na kinatuwa niya dahil sigurado siyang masaya ang mga ito na makita siyang muli ng mga ito.
"Hindi ba sila nanunuka,anak?"kitang-kita na hindi ito komportable sa mga alaga niya.
Nakangiti na nilingon niya ang ina. Alam niyang takot ang kanyang ina sa mga ito o hindi lamang ito sanay sa mga alaga niya.
"Hindi po,ina...sila po ang mga kaibigan ko mula ng manatili ako rito, "saad niya.
Lumambong ang mga mata ng ina sa sinabi niya.
"Dapat ko sila pasalamatan pala,"nakangiti sabi ng ina.
"Pero ang weird lang..sa mundo ng mga tao isang masama pangitain ang dala nila pero...alam ko sila ang naging karamay mo habang nandirito ka na wala kami sa tabi mo,"dagdag nito.
"Opo...at..malapit din po sila sa kanya,"saad niya.
Masuyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng ina at agad nito natukoy kung sino ang tinutukoy niya.
"Sana naging uwak na lang siya,"patawa nito sabi at natawa naman siya roon.
Tumatawa na niyakap siya ng ina. "Nagmamahal na talaga ang aming prinsesa,"usal ng ina na kinangiti niya.
Pinagmasdan niya ang mga alagang uwak na nakapalibot sa kanila mag-ina.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
UpířiIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...