Chapter 35

191 25 2
                                    

Ipinarada ni Azzam ang bigbike sa harapan ng Agency ni Prinsipe Aquilles. Pinapunta siya ng huli upang ipaalam sa kanya na papalitan siya ng baguhan agent sa pagbabantay kay Amir. Pinaiikot-ikot niya ang susi sa daliri niya habang naghihintay ng pagbukas ng elevator. Mula sa salamin na nasa gilid ng elevator nagrireflect ang kabuoan niya. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok na kasingkulay ng bulak. Noon pa man mahaba na talaga ang buhok niya pinagupitan lamang niya iyun ng maisipan lang niya.

Tumunog ang elevator at bumukas iyun saka siya sumakay paakyat sa palapag na kinaroroonan ng pribadong opisina ng Prinsipe pero bago iyun tuluyan sumara may humabol na sasakay rin roon.

Hinintay niya ito makasakay. Sinulyapan niya ito pero hindi niya ganun makita ang mukha dahil natatabunan ng suot nitong baseball cap na kulay itim ang kalahati ng mukha nito. Maiksi ang tuwid na tuwid nitong buhok na kasingtingkad ng gabi. Binalik niya ang mga mata sa unahan dahil metal ang elevator nakikita niya kabuoan nito. Matangkad na babae. Nakasuot ito ng jersey tshirt at fitted na kulay itim na pants na pinaresan ng combat shoes.

Malakas ang dating ng babae pero sa iisang babae lang ang kilala niya na malakas ang dating sa kanya.

Ipinikit na lamang niya ang mga mata. Nararamdaman niya ang presensya nito. Kauri niya ang babae at hindi pamilyar sa kanya ang presensya nito.

Ipinilig niya ang ulo habang nakapikit. Bakit ba niya inaabala ang sarili na sinuhin ito? Baka bagong empleyado lang din ito.

Hindi nagtagal tumunog ang elevator at bumukas yun. Nasa palapag na siya ng kinaroroonan ng Prinsipe. Nauna siya humakbang at sumunod sa kanya ang babae.

Mukhang may bisita ang prinsipe. Hindi na niya ito pinansin pa at nauna ng pumasok sa loob ng opisina ng prinsipe at naiwan sa labas ang babae. Baka empleyado lamang siguro iyun.

Agad naman natuon ang mga mata niya sa isang lalaki na nakaupo sa harapan ng Prinsipe.

"Nandito ka na pala,"bungad sa kanya ng prinsipe.

Pinakilala kaagad ng prinsipe ang lalaki. Reji ang pangalan nito at ito nga ang papalit sa kanya. Bata pa ito at mukha naman may kakayahan ito kahit na isa lang ito tao.

"Siya na ang magdadala sayo sa kanya,Goodluck,"anang ng Prinsipe rito.

Tinanguan niya ito. May kinailangan pang pag-usapan ang dalawa kaya naupo muna siya sa receiving area,isa sa mga sofa roon at agad na napuna niya na wala roon ang puting gitara na sa tuwing naroroon siya ay lagi nandun .

Tahimik na nag-uusap ang dalawa ng maulinigan niya na may naggigitara at nanggagaling iyun sa labas ng opisina ng Prinsipe at mukha naman hindi niyun naaabala ang huli.

Pinakinggan niya ang naggigitara iyun. Mabagal ang dating ng pagtugtog ng gitara.

Napapikit siya ng mga mata. Ang ingay mula sa gitara ay tila ba may nagpapaalala niyun sa kanya. Isang awitin na paboritong pakinggan ng kasintahan. Napamulat siya ng mga mata at may kung ano nabuhay muli sa kalooban niya.

Pamilyar sa kanya ang tunog na iyun. Mabilis na gumitaw sa alaala niya ang eksena kung saan magkatabi sila ng kasintahan habang tahimik na pinagmamasdan ang napakalawak na siyudad na nababalutan ng mga iba't-ibang kulay na mga ilaw at ng naglalakihan mga gusali. Nasa itaas sila ng isang tower.

Pinapakinggan nila ang paborito nitong kanya gamit ang earphone nito na nakapasak sa magkabila nila tainga.

Wala sa sarili na tumayo siya at sinundan ang pinagmumulan ng ingay. Hindi niya alam kung napansin ba siya ng Prinsipe sa paglabas niya ng opisina nito pero ang buo atensyon niya ay nasa naggigitara iyun.

Nang tuluyan makalabas ng opisina ng Prinsipe ang nakatalikod na babae,na siyang nakasabay niya sa elevator ang nagpapatugtog ng gitara.

Imposible ang kasintahan niya ito dahil magkaiba ang presensya ng mga ito. Malalaman niya kaagad kung kasintahan niya ito dahil sa mahalimuyak nitong amoy.

Nagpatuloy ang babae sa paggigitara nito. Ano kaya ginagawa nito sa opisina ng Prinsipe?

Bumukas ang pintuan at makasunod na lumabas ang prinsipe at si Reji.

"Sanya!"bulalas ng Reji sa pangalan iyun. Masaya itong nilapitan ang babae.

Siya naman para siya nabingi sa narinig niyang iyun.

Tumigil sa paggigitara ang babae na tinawag na Sanya ng lalaki. Ibinaba nito ang gitara at ang puting gitara iyun na hinahanap-hanap niya.

"Buti naabutan mo ko! Paalis na nga kami para makilala ko yung assignment ko!"magiliw na sabi ng Reji sa babae na nakatalikod pa rin sa kanya.

Sanya?

Imposible yun?

Makikilala niya ito lalo na sa amoy!

Saka paano ito makakapaggitara kung...kung gamit nito ang braso nito na pinansala niya!

"Hindi ba nagkasabay kayo?"untag sa kanya ng prinsipe na kinabaling niya rito.

Nalilito siya.

Madidilim ang mga mata ng prinsipe na nakatitig sa kanya.

"Nakabalik na siya,"saad nito saka marahas siyang napalingon sa kinaroroonan ng babae.

Nakatayo na ito at nakaharap na sa kanila ng Prinsipe.

Tila huminto ang pag-ikot ng mundo niya ng masilayan niya muli ang maganda nitong mukha at ang maiitim nitong mga mata na natatabunan ng makurba at makapal na pilik-mata.

Paanong hindi niya ito nakilala maliban na naamoy niya na kauri niya ito!

Blanko at malamig ang titig na pinukol sa kanya ng dalaga.

Sobra siya nangulila sa dalaga. Pinapatay siya ng kalungkutan at pangungulila niya sa dalaga pero pilit niya iyun nilalabanan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa nagawa niyang pinsala sa dalaga.

Dumako ang mga mata niya sa braso nito kung saan alam niyang kasumpa-sumpa para sa kanya na makita iyun ngunit mahirap paniwalaan na makita na normal na ulit iyun na tila ba hindi iyun napinsala dahil sa kanya.

"S-Sanya..."usal niya. Gulantang pa rin na makita muli ang kasintahan...o kasintahan pa nga ba niya?

Base sa nakikita niya sa mga mata nito tila hindi na iyun kapareho noon. Malamig at blanko man alam niyang siya lang ang nakakaalam kung ano ang nasa likod ng mga mata iyun pero.. iba na ngayon. Wala siya makita. Blanko. Madilim. Wala siya makita na kahit anong katiting na minsan ay pinapasok siya nito sa mundo na meron ito at minsan na...minahal siya nito.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon