Unti-unti nagbukas ang isang kulay pulang pintuan sa isang silid na tangi siya lamang ang pinayagan na makapasok.
Agad na sumalubong sa pang-amoy niya ang amoy ng usok ng mga kandila na nagkalat sa buong silid. Iyun lamang ang tanging panglaw ng silid na iyun. Sa tuwing nasa loob na iyun ang lalaking siya nagmamay-ari ng puso niya pero siya lamang ang nakakaalam niyun dahil sa pagmamahal niya para rito ay gagawin niya ang lahat para rito pero..may hangganan ang lahat.
Tahimik na pinagmasdan niya ang lalaking nakatalikod sa kanya habang nakaluhod sa harap ng isang kulay pulang paso kung saan nasa loob niyun ang pinakamamahal nitong ina.
Isa sa katangian na minahal niya sa lalaki ang pagiging mapagmahal nito sa ina kahit na nasabi nito na minsan ay hindi man lang ito nabigyan ng kaunting pagmamahal mula sa ina.
Uhaw sa pagmamahal sa ina pero sa huli pinahalagahan at iniingatan nito ang tanging abo na lamang ang iniwan sa anak na ni minsan ay hindi nagtanim ng galit para sa ina.
Labis ang paghanga niya sa lalaki. Hindi lamang sa angkin nitong kaguwapuhan kundi dahil sa taglay nitong pagmamahal para sa ina.
"Kamusta?"maya-maya tanong nito sa kanya.
Agad naman nagreak ang kanyang puso.
Kinalma niya muna ang sarili. Hindi niya gugustuhin na malaman nito kung ano ang tunay na damdamin niya para rito.
Wala ito ibang iibigin kundi ang pinakamamahal nitong ina. Iyun ang pagmamahal na bumubulag rito.
"Mabuti,"maiksi niyang sagot.
Nanatili itong nakatalikod sa kanya.
"Ganun ba. Kamusta naman ang paglalakbay?"muli nito pagtatanong.
"Masaya,"muli maiksi niyang pagsagot.
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaluhod nito at pumihit paharap sa kanya.
Muli niyang nasilayan ang kagwapuhan nito na siyang nagpapatibok sa puso niya.
Mariin at tila nanunuring mga mata na natitig ito sa kabuoan niya.
"Masaya ako para sayo,"saad nito sa mababang tono.
Pinilit niyang ngumiti sa paningin nito kahit sa kabila niyun ang kaba sa dibdib niya. Ang kaba na lihim na pagmamahal niya para rito.
Kalmante at deretso ang tingin sa unahan kahit na nasa mismong harapan na niya ang lalaki at humahaplos ang likod ng mga daliri nito sa pisngi niya.
Hindi niya hahayaan na makita nito ang nararamdaman niya para rito dahil parang pinatay na niya ang sarili. Ayaw niyang mawala ito sa kanya.
"Namiss kita,Mahal kong Vena,"masuyo nitong usal.
"Gayun din ako,"tugon niya.
Masuyo ito ngumiti sa kanya at napapikit siya ng mga mata ng patakan nito ng halik ang noo niya.
Isa din sa minahal niya sa lalaki ang pagiging malambing nito.
"Mukhang nag-enjoy ka nga..mas gumanda ka ngayon,"puri nito sa kanya na may ngisi na sa mga labi nito.
Sumilay na ang isang ngiti sa mga labi.
"Baka dahil ilang buwan din hindi tayo nagkita,"aniya.
Tumawa ito ng mahina saka tumango-tango.
"Pero maganda ka naman talaga noon pa lang,"anito at hindi na naalis ang ngiti sa mga labi niya.
"May ikukwento ako sayo,"saad nito.
"Ako din,"aniya na kinatawa nila pareho.
Iginiya siya nito palabas ng silid na iyun.
"May pasalubong ka ba para sakin?"untag nito habang pababa sila ng hagdanan.
"Makakalimutan ko ba yun,"tugon niya.
Natawa ito at nilundag na ang hagdanan pababa. Hindi na nakahintay na makita ang bitbit niyang pasalubong rito.
Napabuga siya ng hininga. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat pero wala siya magagawa dahil dito lang niya napaparamdam rito na mahal niya ito.
Naikuyom niya ang mga palad ng matanaw ang lalaki na masayang kausap na ang bitbit niyang pasalubong.
Masakit makita ang lalaking lihim mong iniibig na may ibang kasama. Sa kaso niya martir siya dahil natatakot siya na mawala ito sa kanya. Ang lalaki na lamang ang meron siya sa buhay niya pagkatapos ng trahedya na pinagdaanan niya. Ito ang tumulong sa kanya upang mabuhay muli. Utang niya ang pangalawa buhay niya rito kaya nangako siya na kahit ano ibibigay niya rito kahit pati ang puso niya.
Iniiwas na niya kaagad ang mga mata ng dalhin na ng lalaki ang pasalubong niya sa isang silid kung saan madalas nitong gawin ang gusto nito.
His playroom.
Sa huli naaawa din siya dahil nadadamay ang mga inosenteng tao dahil sa pagmamahal niya sa lalaki.
Isang bagay lamang ang magagawa niya sa ngayon ay ang bantayan ang bawat kilos nito na hindi nito nababatid. Alam niyang kumikilos na ito para isakatuparan na nito ang matagal na nitong hinihintay na paghihiganti.
Hindi man na siya gaya ng dati pero nanatili pa rin sa puso niya at isip ang takot.
Natatakot siya para sa lalaki kung ano magiging kahihinatnan nito sa plano nito.
Hindi man niya lubusan na alam ang lahat na kwento sa pamilya na gusto nito paghigantihan sigurado siya na hindi madali makalaban ang mga ito.
Kaya ngayon pa lamang kumikilos na siya upang sa gayun ay alam na niya ang bawat ginagawa ng lalaki. Kung mapapahamak ito sisiguruduhin niyang nasa likod lamang siya nito.
Handa siya itaya ang buhay niya para rito pero...gusto pa rin niya ito dalhin sa tama.
Marami na siya pagkakamali sa buhay at naisip lamang niya iyun ng mamatay siya. Oo. Ito ang nagbigay sa kanya ng pangalawa buhay na dapat ibigay niya ang lahat para rito at suportahan pero nanatili ang pagiging tao niya sa kabila ng pagiging bampira niya ngayon.
Napukaw siya ng makarinig na siya ng mahihinang daing mula sa loob kaya naman mabigat ang hakbang na nilisan niya ang lugar na iyun.
Ito lamang ang magagawa niya sa pagiging martir niya ang umalis upang hindi na masaktan pa ng lubusan.
Mahal kita pero may hangganan din ang lahat..sana mapatawad mo ako sa huli.
Isang luha ang pumatak sa pisngi niya habang lumalayo sa bahay ng lalaki.
Umaasa pa rin siya na sana dumating ang oras na maihayag niya rito ang pag-ibig niya para rito.
Umaasa rin siya na sana kahit kaunti ay may maramdaman ito para sa kanya.
Kahibangan man at imposible pero ganun kapag nagmamahal ka.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)
VampirosIisa man ang kanilang pinagmulan lahi pero malaki ang pinag-iba nina Azam at Sanya Halpert hindi lamang sa edad kundi pati na rin sa pamilyang pinagmulan. Sanya Halpert ay anak ng isang Prinsipe ng Womanland. Dugong-bughaw samantalang si Azam,daan-d...