Chapter 32

174 22 1
                                    

Pumunit sa kalagitnaan ng katahimikan ng paligid ang pag-ingay ng mga tuyong dahon na siyang inaapakan ni Sanya habang tinatahak ang kagubatan patungo sa sagradong kweba. Nakasunod sa kanya ang mga uwak na tila ba tagamasid niya mula sa alapaap. Ang iba ay sumasabay sa paghakbang niya. Ang isa ay dumapo sa kaliwa balikat niya.

Hindi nagtagal narating niya ang sagrado kweba.

"Ang tyaga mo naman para puntahan ako dito?"

Agad na nilingon niya ang pinagmulan ng boses na iyun. Nalingunan niya ang nakangisi si Ismail habang nakasandal ito sa isang puno.

"Hindi ka ba nauumay na palagi mo ako nakikita?"patuya nito sabi.

Sinulyapan niya ang uwak na nasa balikat niya. Dahan-dahan ay iniangat niya ang kanyang kanan braso na ngayon ay wala ng balot na benda.

Hinaplos ng hintuturo niya ang ulo ng uwak.

"Naisip ko lang baka naiinip ka na dito kaya pinuntahan kita,"saad niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa uwak.

"Sino mag-aakala na manunumbalik sa dati ang braso mo na mismong boyfriend mo ang may gawa kung bakit matagal din hindi mo nagamit,"saad nito na kinabaling niya ng tingin rito.

Nakangisi ito sa kanya.

"Ganun ba kahina ang tingin mo sakin,Tito?"sagot niya na hinaluan ng sarkasmo sa ulit salita.

Agad na sumama ang mukha nito. Hindi nagustuhan ang pagtawag niya rito ng Tito.

Lumipat ang uwak sa paghapo nito sa daliri niya mula sa balikat niya at inilahad niya paitaas upang paliparin ito. Nang nasa himpapawid na ito ibinalik niya ang atensyon kay Ismail.

Nakatingala ito at pinagmamasdan ang mga uwak na nasa kalangitan.

"Bakit hindi ka niya binibisita?"tanong nito saka binaba ang mga mata sa kanya.

Blanko ang emosyon na pinakita niya rito.

Nang hindi siya umimik umiling ito na may ngisi sa mga labi nito.

"Takot siya na makita niya ang ginawa niya sayo,"saad nito sabay sulyap sa braso niya.

"Duwag naman pala ang matandang bampira na yun. Ano ang nagustuhan mo dun?"saad nito na kinakunot ng noo niya.

"Mahal ko siya kailangan bang may iba pang dahilan?"pagsagot niya rito.

Tumawa ito na may mahihimigan pait saka muli tumingala upang panuorin ang mga uwak na nasa ere na paikot na lumilipad. Tila ba ito mga ipo-ipo sa himpapawid.

"Mahal...masakit at nakakamatay,"usal nito.

Mariin ang pagkakatitig niya rito. Mababanaag ang lungkot sa mukha nito.

"Hindi pagtataksil ang ginawa niya. Ginawa niya iyun dahil mahal ka niya,"saad niya. Bumaba ang paningin nito sa kanya.

"Baliw siya. Utang niya sakin ang pangalawa buhay niya tapos sinayang lang niya dahil lang dun,"saad nito saka nag-angat ulit ng paningin sa kalangitan.

Hindi man nito sabihin. Alam niya ang tunay na nararamdaman nito sa likod ng mga sinabi nito iyun.

"Ikaw? Tatanggapin mo pa rin siya sa kabila ng pag-iwan niya sayo?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito.

Ngumisi ito saka humakbang palapit sa kanya. "Hindi siya nagpakita sayo mula ng mangyari yun,"saad nito sabay sulyap sa braso niya.

"Kung mahal ka niya dapat inalagaan ka niya. Sumama siya sayo sa pagbalik mo rito para maalagaan ka niya,"patuloy nito.

Naikuyom niya ang mga palad.

Inabot nito ang balikat niya saka tinapik-tapik siya. "Kapag nagkita ulit kayo pahirapan mo ng makaganti ka naman,tsk! Weakling,sabagay matanda na kasi yun,"anito sabay talikod sa kanya at pumasok na sa loob ng kweba kung saan ito namamalagi.

Ang lugar na ito ang siya naging piitan nito. Namumuhay mag-isa sa gitna ng kagubatan at hindi ito makakalabas dahil sa tulong ni Lupe ay may ginawa ito ritwal upang hindi nito magawa makalabas ng kagubatan.

Tahimik at malumbay na bumalik siya ng palasyo.

Pinagmasdan niya ang kanyang kanan braso. Akala niya mabibigo siya na hindi eepekto ang ginawa niyang panglunas sa pagkawalan ng buhay niyun. Natagalan man pero sobrang saya niya dahil hindi siya nabigo. Hindi siya binigo ng pagpupuyat at pag-ubos niya ng oras sa pag-eksperemento ng lunas para panlaban sa kakayahan ng kasintahan.

Napabuntong-hininga siya. Bumalik ang sinabi ni Ismail. Inaamin niya masama ang loob niya dahil...hindi na ito nagpakita sa kanya matapos ang eksena iyun. Hindi man lang ito nagparamdam sa kanya. Oo. Naiintindihan niya na guilty ito sa nangyari sa kanya pero...wala ba ito tiwala sa kanya?

Naikuyom niya ang palad. Tama nga siguro na sundin niya ang sinabi ni Ismail.

Muli niya binisita si Ismail. Nadatnan niya ito naliligo sa may talon.

"Gusto mo maligo?"untag nito sa kanya.

"Ito na ang huli pagbisita ko sayo,"tugon niya imbes na sagutin niya ang tanong nito.

Napatigil ito. "Bakit?"

"Babalik na kami ni ina sa mundo ng mga tao,"tuwiran niyang tugon rito.

Sumeryoso ang anyo nito saka umahon mula sa tubig.

Nanatili sa mukha nito ang mga mata niya.

"Iiwang mo ang pagiging prinsesa mo dito?"

"Payapa at tahimik naman na dito kahit nandito man ako o wala,"tugon niya.

Ngumisi ito saka sinuklay ang basa nito buhok na may kahabaan na gamit ang mga daliri nito.

"Paano kung bigla na lang magkagulo?"

Tumiim ang mga mata niya rito.

"Hanggan ngayon ba pinaninindigan mo pa rin maging masama?"tanong niya rito.

Humalakhak ito sa tanong niya.

"Ang sakit mo naman magsalita! Binibiro lang kita, "tumatawa nitong sabi.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Ngumisi ito saka humakbang palapit sa kanya at hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito.

Nanigas siya ng yakapin siya nito.

"Ayoko man aminin pero...mamimiss kita,"usal nito.

Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Agad naman siya nito pinakawalan sa pagkakayakap nito sa kanya.

"Gawin mo ang sinabi ko. Pahirapan mo muna siya para makaganti ka sa kanya,"nakangisi nito sabi.

Napabuntong-hininga siya.

"Bibisitahin ka ni Lupe dito at ng Reyna,"tugon niya kaysa pansinin ang sinabi nito.

Naipilig nito ang leeg. "Ayoko sa Lupe yun,"mariin nito sabi.

"Kailangan dahil siya ang nagbabantay sayo dito,"sagot niya.

Nalukot ang ilong nito. "Hindi ko gusto ang Lupe yun..kapareho ng matandang bampira yun,"sabi nito sabay lundag muli sa tubig.

Napabuga siya ng hininga.

"Ayaw mo sa matatanda,"usal niya habang pinapanuod ito nagpapalutang sa tubig.

Sumulyap ang mga mata nito sa kanya habang nakalutang pa rin sa tubig. "Matanda na ba ang Lupe yun?"

Ngumisi siya.

Bigla ito napalubog sa tubig saka muli umahon.

"Kaya naman pala ayaw ko sa kanya pareho sa boyfriend mo,"anito at saka lumubog na muli sa ilalim ng tubig.

Napabuga na lamang siya ng hangin saka pinanuod ang pagbagsak ng tubig mula sa ituktok ng talon.

Nasasabik na siya muli masilayan ang mundo ng mga tao. Ang kanyang ama na naghihintay sa pagbabalik nila ng kanyang ina.

Ang makita muli ang kasintahan kahit na pinasama nito ang loob niya sabik na sabik na siya makita ito.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon