Chapter 9

329 36 1
                                    

Ismail is very persistent. Palagi itong sumusulpot sa harapan niya. Maaari naman niya ito pagsabihan pero gaya ng sinabi nito at ng gusto niya mangyari ay ang maging normal na tao kagaya ng ginagawa ng mga ito. Isa na nga dun ang pakikipagkaibigan.

"Sinabihan ko na sila. Pasensya na kasi hindi ko naman aakalain na kahit sino kaibiganin ko pinagsiselosan nila,"napapahiya nitong turan habang magkaharap sila nito nakaupo. Parehong wala pa ang kasunod na klase nila kaya naisipan niyang maupo muna para hintayin ang sunod na klase niya hanggan sa sumulpot ito sa harapan niya.

Nilipat niya ang mga mata na nakatutok sa binabasa niyang libro. Nakangisi ang binata sa kanya.

"Responsibilidad mo yun dahil alam mo kung sino ang nasa harapan mo,"seryoso niyang sabi.

Napapahiyang napakamot ito sa ulo. "Opo,mahal na prinsesa,"saad nito sa mahinang tono.

Hindi na siya umimik pa at muli tinuon ang atensyon sa libro.

"Magsisimula na ko sa makalawa,every weekend nasa field ako tapos tatawagan ako kapag may emergency,"untag nito sa kanya.

Nag-angat siya muli ng tingin rito. "Good for you..congratulation,"komento niya.

Natawa ito ng mahina. "Salamat,mahal na prinsesa,"anito.

Tumango siya rito sa pormal na pakikitungo.

Nakangiti na nangalumbaba ang binata sa kanya.

"May kondisyon na hiningi sakin si Boss Aquilles,"untag nito sa kanya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito.

"Sabi niya makipagkaibigan ako sayo para daw mabantayan kita lalo na raw sa mga lalaki,"saad nito.

"Kaya ko sila pagtabuyan,"agad na sabi niya rito.

Nginisihan siya nito. "Pero iba pa rin kung may makikita silang na dapat nila katakutan!"anito sabay kindat sa kanya.

"Hindi mo obligasyon yun,"saad niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Bakit hindi? Pareho tayo ng pinapasukan araw-araw tayo nagkikita kaya..masanay na tayo sa isa't-isa. Yung bang normal gaya ng ginagawa ng mga tao sa paligid,mahal na prinsesa, "sabi nito.

Kung tutuusin wala naman mali sa gusto nito gawin. Hindi lamang siya sanay na may umaaligid sa kanya na katulad nito tanging si Azzam lamang ang hinahayaan niyang makapasok sa mundo niya.

"May nauna na ba sakin?"turan nito sa kanya. May bahid ng kaseryosohan ang tono nito.

"Kaya kong protektahan ang sarili ko,"mariin niyang sabi.

Tumango na lamang sa huli ang binata ng makita nito na ayaw na niyang pahabain pa ang huli nitong tanong.

"Pasensya na sa kakulitan ko. Prinsesa ka namin. Responsibilidad ko man o hindi isa ka pa rin prinsesa na dapat bantayan at protektahan,"nakangiti na nitong turan sa kanya.

Pumainlanlang ang bell sa buong paligid hudyat iyun ng tapos na ang nagklaklase at magsisimula na ang sunod na klase.

Agad na sininop niya ang kanyang libro na binabasa.

"Hatid kita sa room mo,"saad nito na nagpangunot sa noo niya.

"I'm not grade 1 para ihatid pa sa classroom ,"tugon niya rito na kinatawa nito.

"Hey! We're friends! Iyun ang ginagawa ng magkakaibigan!"natatawa nitong sabi.

Mariin niya itong tinitigan. He's very friendly at wala naman siya kakaibang nararamdaman sa kakulitan nito.

"Sige na!"pilit nito.

Hindi na siya umimik pa at nagpatuloy na sa paghakbang at agad naman ito umagapay sa kanya sa paglalakad.

Nang makarating siya sa sunod niya klase agad na nakaagaw sila ng atensyon mula sa mga istudyante.

Agad naman pagtaas ng kilay sa kanya ang grupo ni Beverly.

"Sige,punta na rin ako sa klase ko!"paalam nito saka binati ang bumabati rito. Dumeretso naman siya sa upuan na nasa likuran lamang ng mga ito.

"Confirm. Nililigawan siya ni Ismail,"pabulong na sabi ng isa sa grupo ni Beverly.

"Pero di ba sabi mo may boyfriend na yan yung gwapo mong dating bodyguard? Ano? Wala na sila o nagchi-cheater siya gaya ng sabi mo?"bulong naman ng isa pa.

"Well,no wonder. Ginagamit niya ang ganda niya tahimik kuno pero malupit pala,"malisosyang pagtugon ni Beverly sa mga ito.

Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya hinahayaan na may mga salita siya naŕirinig na hindi angkop sa kanya. Pinapaiksi niyun ang pasensya niya at pagiging wala pake niya sa paligid lalo na sa mga tulad ng mga ito.

"Baka nga hindi lang si Ismail ang inaakit niya bukod sa boyfriend niya.."dagdag pa nito.

Tumayo siya at agad naman napalingon sa kanya ang mga ito at kalmante naman si Beverly na tila wala itong sinasabi na hindi maganda sa kanya.

Huminto siya sa harapan ng mga ito. Tinaasan siya nito ng kilay.

"What?"pataray nitong turan.

Pasimple pang nagsikuhan ang mga katabi nito.

Yumukod siya upang maitapat niya sa kabilang gilid ng tainga nito ang mukha niya saka bumulong din. Nanigas ang dalaga sa ginawa niyang iyun.

"Palalampasin ko ngayon ang mga sinabi mo pero sa susunod..hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Hindi kita tinatakot..gusto ko lang matanto mo na hindi maganda na nagsasalita ka ng hindi maganda sa isang tao na hindi mo naman kilala ng lubusan...baka pagsisihan mo yan sa huli,"usal niya.

Mariin na tinitigan niya ito pagkaraan saka siya bumalik sa upuan niya.

Namutla ito pero tumalim ang mga mata nito sa kanya.

Bago pa makareak ang mga kaibigan nito dumating na ang guro nila.

Gaya ng mga nakaraan tumatahimik ang lahat kapag dumadaan siya. Weird ang tingin nila sa kanya pero hindi maikakaila sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa kanya lalo na ang mga kalalakihan na agad naman umaatras bago pa man siya lapitan.

She went to her locker at natigilan ng may makitang may nakaipit na card roon.

Nilingon niya ang paligid at abala naman ang naroroon sa kanya-kanya mga locker ng mga ito.

Mabango ang card kaya hindi niya matutukoy kung sino ang may-ari niyun.

She open it at binasa kung ano ang nakasulat roon.

Huwag kang makikipaglapit sa kanya. Mapanganib siya.

Iyun ang nakasulat roon. Isang babala iyun na hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng sumulat.

Nonsense. She threw it in the trash can. May ideya siya marahil isa ito sa nagkakagusto kay Ismail.

Si Ismail lang naman ang lumalapit sa kanya marahil iyun ang tinutukoy nito.

She don't mind it. Alam niyang gawain ng mga mahihina iyun.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon