Who's vs Whose
Harapin natin ang dalawang ito na kadalasan ay kinalilituhan din ng karamihan, kasama na po dito ang inyong abang lingkod.
Ang sabi sa English grammar, ang Who's daw ay contraction o pinaiksing salita na nanggaling sa dalawang salitang who is at who has na ginamitan apostrophe o kudlit. Maraming mga salita an ginagamitna nito pero hindi lahat ng sentence ay tumutugmang gamit ng pinaiksing mga salita.
Una, alamin muna natin kung ano ang Who. Karamihan sa mga manunulat ay hindi maiwasan ang makapagsulat ng English kahit na Tagalog ang kabuuan ng kwento.
Parang sinasabi na destined to be with each other ang mga who + is at who + has.
Ex:
Who's hungry?
Who's next?
Sa Whose naman tayo. Ito ay possessive pronoun o panghalip na panao. Maaring makatunog sila pero magkaiba din. Ang spelling ay minsan nakakapanloko at nakakalito. Ang kaibahan ng dalawa, ang whose ay ginagamit kung ikaw ay nagtatanong kung kaninong pag-aari ang isang bagay.
Ex:
Whose sandwich is this?
Whose turn is it?
Did you know that they are both pronouns? Kaloka di ba? Ako rin medyo nawindang. Akala ko, all this time, ay hindi. Mahina lang ako dati sa English lesson nung elementary pa ako. At least pagdating ng high school ay naitawid ko ang grado ko. Hahaha. Inilaglag ang sarili.
Pero nung pakatututukan natin ang mga bagay na ito dahil sa Tricks and Tips na ito ay mas maraming tayong bagay na matutunan na akala natin ay tama dati dahil tunog tama naman, hindi pala. Kaya ngayon, sabay-sabay tayong matuto ng tamang paggamit para maitama natin ang ating grammar at makabuo ng maayos pangungusap.
Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. See yah!
-----------------------
End of Chicklit Trick 17: Who's vs Whose
Admin Joni
01.19.21Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...