Chicklit Tricks #2

34 4 8
                                    




"Your harshest critic is always going to be yourself." 

                                                                               ~Michael Ian Black



Sa pagbuo ko ng kauna-unang kabanata ng aking kwento ay napulaan po ito o na-critisize. Ang pinaka masaklap pa dun ay ang sarili ko ang nag-critisized sa aking sariling gawa. Ka-imbyerna di ba?

Dahil baguhan lang ako, hindi ko pa alam gamitin ang Wattpad, nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Itinigil sa chapter six ang kwento ko. Para que pa, di ba? Wala akong readers, wala akong followers. Sino ang magbabasa? Eh di ako rin. Hahaha

Pero nung itinigil ko ang pamimintas sa sarili kong gawa, binalikan ko at inayos ko ng bahagya, nagulat na lang ako, naka-labing-tatlong kabanata na ako. Akalain n'yo yun? Hindi masamang mag-isip na mapaganda ang gawa natin. Sino bang ayaw, di ba?

May isang bagay akong natutunan habang sinusulat ko ang kauna-unahang gawa ko, ang God Gave Me You, isinulat ko nung birthday ko ng 2015. Wala akong alam sa paggawa ng kwento, basta type lang ng type, bahala na kung saan mapunta ang kwento basta ang nasa isip ko lang noon ay meron din ako nun.

Hindi ko alam ang tamang paggamit ng mga salitang Tagalog, pagbaybay at natatakot din akong isulat ito sa English dahil mamali ako sa grammar at spelling. Bakit 'ika n'yo? Simple lang. Wala akong tiwala sa sariling ko. Susmaryosep, tinakot ko ang sarili ko.

Nung makuha ko na uli ang tiwala ko sa sarili ko ay patapos na ang unang libro o first book, in short, book 1. Hanggang sa naituloy ko sa book 2. Nung mga panahon na yun, iniisip ko lang na kung natapos ko yung una, magagawa ko ring matapos ang pangalawa nang walang problema... mali.

Ngayong may iilan na rin akong nagawa, masasabi kong lahat ng nagawa ko nung una ay makikitaan ko pa rin ng maraming pagkakamali ganun din ang mga huli kong gawa, pero huli na si Critic self, kasi buo na tiwala ko sa aking sarili.

Criticising yourself or trusting in yourself may be two different things. For me, it is one and the same. It helped me build my self-esteem. It will help you, too. Tiwala lang.

Kaya mga kapwa ko manunulat, wag panghinaan ng loob, wag matakot maging kritiko sa sarili, ayos din lang kung kritikal ka at kakalabanin mo ang iyong sarili, ang importante ay wag matakot magsulat. Wala kang hindi kakayanin basta buo ang tiwala mo sa iyong kakayanan.

Hanggang sa susunod nating pagkitita dito sa Chicklit Tips & Tricks, ito po ang inyong Chicklit Admin, Ms. J. See yah!









_______________
End of Chicklit Tricks #2
💖 ~ Ms. J ~ 💖
09.20.20

Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now