Chicklit Tricks #8

7 2 0
                                    



Paggamit ng Dito at Rito, Doon at Roon


Ang trick po para matandaan kung kelan gagamitin ang dalawang ito ay parang katulad din po ng Rin. Atin lang pong tandaan, ang Rito at Roon ay inilalagay o ginagamit kung ang salitang sinusundan at nagtatapos sa patinig katulad ng A, E, I, O, U at salitang nagtatapos sa W at Y, maliban sa mga salitang nagtatapos sa Ra, Re, Ri, Ro, Ru, Raw at Ray.

Halimbawa:

Pumunta ka rito.
Patungo roon si Mayor.

Magagamit natin ang Dito at Doon kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig, maliban sa W at Y.

Halimbawa:

Ang pari dito sa parokyang ito ang nagkasal sa kanila.
Pupunta raw dito ang mga artista.

Ang Dito at Doon daw ay pwede ring gamitin sa simulang pangungusap.

Halimbawa:

Dito na tayo matulog sa bahay.
Doon ba ang punta natin ngayon?

Iilan lang po yan sa mga nakalap ko. Salamat kay Mr. Google dahil madali na tayong matulungan nito ngayon. Wag mahiyang mag-research ng tamang gamit ng mga salita para makabuo ng maayos na pangungusap.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. See yah!















-----------------------
End of Chicklit Trick 8: Paggamit ng Dito at Rito, Doon at Roon
Admin Joni
10.22.20


Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now