Add a new point-of-view character
Ano ang kailangan nating gawin kung ang ating kwento ay kapos sa bilang o yung tinatawag na word count?
Ang isang novela daw kasi dapat ay may 80,000 - 89,999 words on average. Minsan naman ay kahit 70,000 words lang ay okay na.
Ang chiklit naman daw po ay lumalampas pa diyan kasi kadalasan ay hindi alam ng writer kung ano ang aalisin o ititira kaya mas gusto pa nilang hayaan na lang. Sayang naman kasi, dagdag word count din yun.
Bago tayo lumayo sa topic natin, nabasa n'yo ba yang title na yan? Magdagdag daw ng isa pang POV character o tauhan. Hmmn... esep-esep. Ano ba ang magandang gawin at sino ang magandang gawan ng POV?
Ang POV ng bagong tauhan ay nakapagbibigay ng bagong lasa sa ating kwento. Makikita o maririnig natin ang tinatakbo ng kwento sa punto de vista ng ating ibang tauhan, kung ano ang naiisip, nakikita o nararamdaman nito, lalo pa at hindi nila kasama ang Bidang Babae. Pero syempre kailangang relevant o konektado din sa kwneto mo. Wag nga lang natin ulitin ang eksenang naisalaysay na natin sa punto de vista ng ating Bidang Babae o ng ibang tauhan. Pero pwede namang gawin flashback. (Sa susunod na tips na yung flashback chapter.)
Biro n'yo yun? Bilang mambabasa, malalaman natin kung ano ang iniisip o ginagawa ng iba pang tauhan sa ating kwento. Mantakin n'yo, yun pala ang isa pang tricks para mapahaba ang ating kwento? Ang galing.
Yun pala ang purpose ng POV. Eh diyan palang semplang na ako. Kaya nga mas maganda talaga ang nagbabasa tayo ng mga writing tricks or tips para mas maging effective tayong writers.
Kayo, ano ang mas gusto n'yo? Mas gusto n'yo ba ang multi-points-of-view? Kasi ako po gusto ko yung ganun, kasi nalalaman ko ang itinatakbo ng isip ng ating ibang tauhan lalo pa't ito ang ka-loveteam ng ating Bidang Babae o mga BFFs ng ating bida. Maririnig, in this case, mababasa natin ang iniisip at nararamdmaan nito. Nakakakilig yun o pwede ring mainis tayo, di ba?
Ang punto ng point-of-view ay makadadagdag, hindi lang bilang ng mga salitapara humaba ang kwento natin, kundi para mabigyan ng saysay at lalim ang bawat kabanata.
Ayan may bago na naman tayong natutunan. Sana, katulad ko, may natutunan din kayo.
Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.
_______________
End of Chicklit Tips #5
Admin Joni
10.13.20Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020Reference:
Word Count
morganhazelwood.com
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
Romanzi rosa / ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...