Get Used to Insecurity and Instability!
Sabi nga ni Ms. Laurie ng Writing Blossoms na ayon daw kay Putney, "as a writer, you're dooming yourself to insecurities. Bakit 'ika n'yo? Kasi ganito po yan. Sa tuwing mag-a -update tayo ng ating chapter, aminin man natin o hindi, hinihintay natin ang mga comments o sasabihin ng ating mga readers. Meron pang inaabangan natin ang pagtaas ng bilang ng mambabasa o reads sa ating chapter.
Sabi nga nila, kapag bumaba ang bilang, nag-aalala tayo at kapag pantay lang nag bilang nag-aalala din tayo. Meron pa ngang iniisip natin na yung mga regular readers natin ay hindi na na rin bumuboto. At yan ang pinagmumulan ng ating insecurities kaya dapat nating sanayin ang ating sarili sa mga insecurities na yan. After all, we can not please everyone, di ba?
May isa pa, instability. Yan ang isa pang nakakawiwindang sa isang writer ng kahit na anong genre, mapa-chicklit man o fanfic o genfic. Hindi natin ito mapipigilan. Magkakaroon talaga ng slip up minsan. Hindi naman lahat ng chapter updates natin ay mas maganda kesa sa nauna.
Ang inyo pong abang lingkod ay hindi sikat na manunulat o writer ng wattpad. Hindi rin po ako immune sa insecurities na yan at hindi ko rin po maiwasan na maging unstable ang emosyon ko palagi. May kwento po akong inaabangan ng mga mambabasa ko, may kwento rin ako na kung ano pa yung tinutukan ko ng buo kong atensyon ay hindi patok sa kanila.
Nag-research pa ako, nagtanong-tanong ako sa mga kakilalang propesyunal sa topic ng kwento ko, pero hindi ito napansin ng mga mababasa ko... ayos lang po yun. Ang bawat reader ay may kani-kanilang "taste", may kani-kanyang panlasa, 'ika nga.
Matapos ko ang tatlo kong kwento, nakabuo ako ng desisyon na hindi ko na papansinin ang pagtaas at pagbaba ng bilang ng nagbabasa, pagtaas at pagbaba ng comments at boto ng mga chapter updates.
Tandaan po natin, ihanda ang ating sarili sa mga insecurities, sama ng loob at instability. Mararanasan natin ito sa lahat ng ating kwento, professionally published man o Wattpad publish.
Oh, paano ba yan? Sa susunod na naman. Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.
_______________
End of Chicklit Tip 12: Get Used To Insecurities and Instabilities
Admin Joni
11.15.20
Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...