Chicklit Tips #8

17 2 2
                                    




Include A Plot Twist


"When you write a chick lit novel, ensure that your plot is not too easy to decipher. Include a twist in your plot. Introduce something that makes the heroine's life worse and she must then work her way out. Make your heroine lose her job; or perhaps she breaks up with her boyfriend or she loses her prized apartment. A twist in the plot is a great way to hook your readers." sabi ng writingtipsoasis.

Simple lang naman po ang sinasabi diyan. Di ba nakagawa na kayo ng mga kwento? Doon po ito sa writers na nakagawa na ng kwento. Alam natin ang ibig sabihin ng plot twist di ba? Doon sa mga baguhan sa pagsusulat, alam din natin yan dahil nababasa natin sa mga sinusubaybayan natin.

Ang hinihingi lang naman dito para mas maging effective ang ating kwento ay lagyan natin ng plot twist na hindi mahuhulaan ng ating mambabasa. Yun bang mapapahula sila kung ano talaga ang mangyayari. At the end of your story, mapapanganga sila dahil wala doon o malayo sa mga hinulaan nila ang naganap.

Tandaan lang natin na maging totoo tayo sa ating sarili kapag nagsusulat tayo. "Do not be someone you are not." Yan po ang palagi kong tinatandaan. Nagiging mas madali sa akin kung paano ko maisusulat ang kwento. And Do Not let any of your readers affect the flow or persuade you to change the flow of your story. You started it with your idea, you should end it with yours kahit na magalit pa ang mga readers mo sa iyo. Isa lang ang ibig sabihin nun, apektado sila.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.















_______________
End of Chicklit Tips 8: Include A Plot Twist
Admin Joni
11.14.20


Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now