"Almost all good writing begins with terrible first efforts. You need to start somewhere."
~ Anne Lamott
A simple trick I learned. Kung hindi pa ito nai-share sa amin sa isang GC, baka hindi ko na ito naalala.
Ganito po ako nagsimula sa pagsusulat. Bago ko pa po nai-publish ang kauna-unahan kong kwento ay ilang buwan din bago ko nabuo ang unang chapter.
Magsusulat ako ng mga siguro 500 o 700 words sa gabi bago ako matulog, sa paggising ko sa umaga, nabubura ko na siya kasi hindi ko gusto ang panimulang kwentong.
Nung masalubong ko ang quote na ito, tsaka ko lang naintindihan, hindi ko pala kailangan maging isang Stephen King o isang Dean Koontz o isang Debbie Macomber. Ang kailangan ko lang pala ay tiwala sa sarili at handang magkamali. Dahil sa bawat pagkakamali natin ay doon lang natututo tayo at naiwawasto natin ang mga pagkakamaling yun.
Minsan nga nakakahiyang tawagin ang sarili nating author o writer. Ang totoo po niyan, noong mabuo na natin ang unang pangungusap ng ating unang kabanata, author na po tayo, kasi gawa natin yun, at galing sa isip natin ang kwentong yun.
We start off as a beginner who makes a lot of mistakes; punctuation, grammars, spelling, lahat na. We are just amateur writers but we have dreams. Dreams that we can achieve in a short or long amount of time. What we all need is to start off with a sentence then everything will follow.
Kaya atin pong tandaan, halos lahat po ng magagandang kwento ay nagsimula sa kahila-hilakbot na unang pagsisikap.
From the words of Ms. Anne Lamott; "Almost all good writing begins with terrible first efforts. You need to start somewhere." This statement from her is so true. And its the trick I live by every time I start a chapter of my story.
Hanggang sa susunod nating pagkitita dito sa Chicklit Tips & Tricks, ito po ang inyong Chicklit Admin, Ms. J. See yah!
_______________
End of Chicklit Tricks #1💖 ~ Ms. J ~ 💖
09.14.20Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...