Chicklit Tips #11

8 2 0
                                    





Trabaho, Postura at Negosyo ng Pagsusulat


Sabi ni Mary Jo Putney, isang bestselling romance novelist; "Lots of writers have talent, but to keep writing, trying to get published and sell your books takes a particular personality type. It's not necessarily smarts or talent." Totoo po yan.

Ang pagsusulat at pagpa-publish ay isang napakalaking negosyo, at karamihan sa mga tanyag na manunulat, hindi lang sila basta nagsusulat, inaari nilang trabaho ito. Katulad ng ibang trabaho, ang pagsusulat din ay pwede ring pagkakitaan. Lahat sila ay hinaharap nila ito nang may propesyunal na pag-uugali at diskarte.

Hindi pwedeng papasok tayo sa isang publishing office na dala-dala ang ating manuscript na naka-pajama lang ay tama na yun, lalo pa't sinabi ng ating mga kakilala at reabers Wattpad na ang ganda ng ating kwento, na pwede na nating gawin yun. Kailangan pong umakto tayong kagalang-galang sa tindig, pananalita at porma para seryosohin nila tayo.

Kung ako man ang publisher, kahit siguro anong ganda ng kwento na ipapasa sa akin, mababalewala ang lahat ng yun kasi parang hindi naman propesyunal ang tingin ko sa iyo, di ba? At ang masakit pa ay hindi ko na yun babasahin, para ano pa? Hindi naman kapani-paniwalang may kakayahan ka, because we don't ourselves seriously kaya they won't take us seriously, too.

Kahit na nagsusulat ka man ng chick lit novels o textbooks pang-eskwela, kailangan daw isipin na ang pagsusulat ay trabaho. Kailangan natin itong seryosohin. Kailangang maipakita natin na hindi lang tayo talented sa larangang ito, kundi karespe-respeto din tayo.

Sabi nga ng isa kong kakilala, ang mga editors at publisher ng isang publishing company ay may pagka-judgmental. Kahit na sabihin pang "do not judge the book by it's writer's look", ang siste ay madya-judge pa rin ito. They will look at your professionalism first before they waste time on reading your manuscript. Kaya importante pa rin ang postura, pananamit at ang attitude natin. After all, the first impression lasts.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.














_______________
End of Chicklit Tip 11: Trabaho, Postura at Negosyo ng Pagsusulat
Admin Joni
11.15.20


Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now