Chicklit Tricks #3

22 3 4
                                    


Editing your chapter before posting.


Sabi, mas magiging madali raw ang pag-e-edit kung susundan daw natin ang munting hakdang na ito: 

Write the entire text.

Ibig sabihin, sulat lang ng sulat, kahit gaano pa ito kahaba. Kahit pa umabot ito sa dulo ng Edsa total pwede namang mag-U turn. Wag lang kalilimutan ang mga punctuations natin, mahalaga po ito.

Set your text aside for a few hours or days.

Magpahinga. Iwan muna sandali dahil hindi naman po ito tatakbo. Kung sakali man pong tumakbo, lagyan n'yo ng tali o leash. Hehehe Joke lang po. Pwede ring harapin ang inyong plantitas, magluto, maggantsilyo ala_Lola Basyang o di naman kaya ay magsungka kasama ng mga kapatid, pinsan o pamangkin. Malay n'yo, makakuha kayo ng idea sa susunod n'yong kabanata. 

Return to your text fresh and edit.

Ang sabi, kapag nakapagpahinga na ang utak natin, tsaka natin balikan ang ating ginawa. Basahin, dagdagan, bawasan, baguhin, at kahit na ano pa ang gawin mo, basta gawing pahingain ang ating utak.

Hindi lahat ay madadaan sa mabilis, madalian at paramihan ng chapter o chapters dahil magsa-suffer ang kalidad ng ating gawa. Tandaan po, mas maganda pa rin ang quality over quantity.

Wala naman kasing perpekto sa atin at walang perpektong manunulat, baguhan man o batikan na.

Sa pag-uulit na basahin ang ating nagawa na at pag-e-edit, doon pa lang natin mahahanap ang ating sariling estilo sa pagsusulat at syempre kasama na rin doon ang maituwid ang mga mali natin.

Sabi nga si Mr. Dean Rieck; "None of us can ever be a perfect writers, and no one expects us to be."

Naniniwala ako sa sinasabi niya dahil ako man, magpahanggang ngayon ay nag-aaral pa rin na maging mabuti at epektibong manunulat. Makakaya n'yo rin po ito.

Hanggang sa susunod nating pagkitita dito sa Chicklit Tips & Tricks, ito po ang inyong Chicklit Admin, Ms. J. See yah!









_______________
End of Chicklit Tricks #3
💖 ~ Ms. J ~ 💖
10.04.20


Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020




Reference:

Dean Rieck
Author
Copyblogger.com

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now