Chicklit Tips #2

64 6 4
                                    




Make your readers see and feel your imagination.


Ang sabi, make your readers feel something. Ang ibig po bang sabihin nito ay kahit ano pa po ng eksena o scenario ng kwentong ginagawa natin ay magandang maramdaman ng ating mambabasa ang nararamdaman ng karakter natin?

Paano natin maipaparamdam ang simoy ng hangin, ang bawat dampi ng halik?

Paano natin maiparirinig ang huni ng mga ibon, ang tunog ng mga sasakyan, ang bawat hampas ng alom sa batuhan?

Paano natin maipaaamoy ang halimuyak ng mga bulaklak, ang pabangong gamit ng ating mga bida, ang amoy ng pusali?

Paano natin maipapakita ang paroo't paritong ng mga tao, sa palengke, ang paglipad ng eroplano at ng mga ibon sa himapapawid?

Dapat lahat yun ang maipaabot natin sa limang pandama or five senses ng ating mga readers.

In short, we need to use words to describe the surroundings that we see, feel, smell, taste and hear in our imagination, hindi naman nakikita at nararamdaman ng ating mga readers ang kaganapan sa imagination natin. In short, from our head to our hands straight to the pages.

Maraming paraan para magawa natin ito, kailangan lang nating gamitin ang tamang mga salitang alam na natin para i-descride ang mga nasa isip natin.

Mas maganda din po na maramdaman natin, bilang manunulat, ang saya at lungkot ng bawat karakter na ating isinusulat kasi mararamdaman din po yan ng ating mga readers.

Kapag kayo ay naiyak habang nagsusulat ng malungkot na eksena, yung emosyon na gusto n'yong ilagay sa kwento ay naipararating n'yo sa kanila ng maayos. Kung naiinis tayo o natatawa, o nakukulitan sa bawat karakter natin habang tayo ay nagsusulat, ganyan din po ang mararamdaman ng ating mambabasa.

Parang mahirap di po ba? Ang totoo po ay hindi naman ganun kahirap. Sabi ko nga po kanina, isulat natin ang laman ng ating isip nang naayon sa nakikita natin sa ating imagination.

Kaya nga po mas maganda pa rin pong magbasa din tayo ng mga chicklit stories o kahit anong kwento para makakuha tayo ng idea sa ibang manunulat kung paano nila naisusulat ang iba't ibang emosyon at kung paano nila maipapakita sa kanilang mga readers ang nakikita nilang eksena sa kanilang isip.

When we read a story, let's say... Harry Potter, before they had it on screen, di po ba nakikita natin yung mga nakikita ni J. K. Rowling sa kanyang imahinasyon. Naide-deliver niya ang bawat eksena sa mga chapters ng libro niya. Simple lang di ba?

Sabi nga ni Brandon A Trean, "A writer is simply a photographer of thoughts." kaya isulat natin ang laman ng kung ano ang nakikita at nararamdaman natin sa ating isipan. Magsimula po tayo sa isang pangungusap, tapos gawin na po natin isang talata. Then, before you know it, you have already written a whole chapter.

Paalala lang po, mag-ingat po tayo sa ating pagbabasa dahil maaari nating makopya ang kanilang mga naisulat na. Tandaan lang po natin, copying or plagiarizing is a crime kaya mag-iingat po tayo pero hindi naman tayo pinagbabawalan na magamit ang mga salitang nagamit na nila. A word is a word, after all, pero maging creative po tayo.

Bilang writer o manunulat, maingat ko pong ginagamit ang aking mga salita. Hindi po maiiwasang makagamit ng magkakapareho sa mga salitang nagagamit ng ibang manunulat, wag lang po ang buong paragraph o talata o makopya ang buong chapter. Yun po ang bawal.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.






_______________
End of Chicklit Tip #2
Admin Joni
09.06.20


Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now