Chicklit Tips #1

147 7 0
                                    


Introduce a glamorous profession.


Ano po ang mga trabaho o jobs na masasabing glamoroso? Ito po yung trabahong elegante o chic na chic, napaka-smart ng dating. Yun bang mga trabaho na masasabi ng mga readers natin na, sana ganyan din ang trabaho ko.

Kasama sa mga ehemplo ng glamorosong trabaho ang advertising, desinging, maging graphics ba ito o interior/exterior designing, o di naman kaya ay sa events and planning katulad ng weddings, big city events, mall events, yun bang palaging nakaporma at ang ganda-ganda ng ating bidang babae. Minsan nga pati ang pagiging enhinyero at pasok na rin sa glamorosong trabaho. Ang tibay ng dating, naka-slack pants ito at blazers tapos ang astig ng trabaho, di ba?

Sa bawat kwento, ito ang kadalasang hinahangad ng ating mga readers, ang makahanap ng glamorosong trabaho. They want to be like our Bidang babae. Mga trabahong makikita natin na busy siya sa hectic shedule niya pero nakukuha pa rin niyang ma=maintain ang kanyang poise at may panahon makihalubilo sa mga kaibigan at pamila.

Habang sa mga ganitong scenario, makikilala din natin ang boss niya na kulang na lang pigain ang pinakahuling lakas na meron siya, but our Bidang Babae will rise up to challenge victoriously. Then maybe the boss will be the antagonist or kontrabida?

On a serious note, we always need to find a suitable job for our Bidang Babae at kailangang naaayon din ito sa lugar na mapipili natin bilang tirahan ng ating bida.

Pagkatapos natin itong ma-establish pwede na natin isunod ang mga pangalan nila. Kailangang may dating kanilang mga pangalan. Yun bang gugustuhin ng ating mga mambabasa na ipangalan din yan sa kanilang mga anak.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.









_______________
End of Chicklit Tip #1
Admin Joni
09.06.20

Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now