Panatiliing Maiksi ang Bawat Talata
Nasabi ko na ito sa isa sa mga tips natin dati. Tingnan natin ang mga diyaryo o newspapers, di ba maikli lang?
Ginawa iyon upang gawing mas madali ang pagbabasa ng kahit na sino. Ang utak daw natin ay tumanggap lang ng impormasyon nang mas mahusay kapag ito ay hiniwa-hiwa sa maliliit na mga piraso. In short, breaking down the paragraph in small chunks will be more entertaining for our readers.
In academic writing, ang bawat talata ay kailangang makabuo ng isang ediya at kadalasan ay may kasamang maraming mga pangungusap. Pero sa kaswal at pang-araw-araw na pagsusulat, ang istilo ay hindi gaanong pormal at ang mga talata ay maaaring kasing liit lang ng isang pangungusap at maaaring isang salita lang.
Ibig palang sabihin, kinatatamaran nang basahin ng mga mambabasa ang buong talata ng kwento kung mahaba ito? Ang sagot ay oo. Dahil kahit ako ay kinatatamaran ko ring basahin kung mahaba ang talata ng kwentong binabasa ko. Nakakalimutan ko kung ano ang sinasabi ng talta. Resulta, binabalikan kong basahin ad later on, ayaw ko nang ituloy.
Kaya nga minsan sa pag-e-edit ko ng mga kabanata ng story ko, kinatatamaran ko na ring balikan, kaya kadalasan natatagalan ang pag-update ko sa aking mga kwento.
Mahirap naman kasing gawing maiksi minsan ang talata lalo na kung mahaba maglitanya ng karakter. Kailangan i-breakdown ito into chunks para mas ma-enjoy at madaling maalala ng mga readers ang kanilang binabasa.
Kita n'yo na di ba? Tandaan, short paragraph lang palagi.
Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.
_______________
End of Chicklit Tip 14: Panatiliing Maiksi ang Bawat Talata
Admin Joni
12.25.20
Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...