Choosing A Heroine's Bestfriend
Ang traditional na chick lit novels, ang Heroine o Bidang Babae dati ay may kaibigang bakla o gay na mataray, palaban at palaging naka-backup sa ating Bida. Dahil sa dami ng gumagamit nito ay naging cliche na nga mga ganitong tema, overused at gasgas na, karamihan sa mga writers ng chicklit ay umiiwas na bigyan ng ganitong klaseng kaibigan si Bidang Babae.
Aminin man natin o hindi minsan ay mas effective silang friend dahil kwela at riot sila. Gumagaan ang dinala ng ating Bidang Babae. Minsan nga sila pa ang nagbibigay buhay sa ating kwento, sila ang nagpapasigla sa malungkot na buhay ni Bidang Babae. And they are sometimes more trustworthy than other female friends. Babae po ako, kaya alam ko 'to, because I was once stabbed in the back by a kabaro and a gay friend of mine stood up for me. Eeeneweys...
Ngayon, ang mga kaibigang bakla ay sadyang iniiwasan na ng karamihang writers, katulad nga ng nabanggit ko kanina, para na kasing overused ang gay friend. Pero may ibang rason ang ibang writers. Una, natatakot silang ma-criticize ng ibang mambabasa na may ibang opinyon kesa sa writer. Pangalawa, ayaw nilang ma-portray ng hindi tama ang ating gay friend. Pangatlo, cliche na nga dahil marami nang kwento ang ganito.
Marami tayong pwedeng gawin, it's either ang ating Bidang Babae ay magiging lonesome at makakakilala lang siya ng taong magiging kaibigan niya sa isang unexpected na character. Yung iba nga, ginagawa nilang new friend ng ating Bida ang dati nitong nakahidwaan sa trabaho, lalo pa't napatunayan ni Bidang Babae na she's worth all that she had before she lost everything, including the man she thought she's not in love with but it turned out na in love pala siya.. Oh di ba?
Meron din namang yung high school bestfriend nito na nawalan siya ng contact over the years dahil life gets in the way, at ngayon nga ay biglang nagkasalubong sila somewhere, like the mall, church, wedding or birthday. At dahil umuwi si Bida sa probinsya nila at nagpaka-ermitanyo doon for a few days or weeks, nakakasalamuha uli niya si high school bestie and the story unravels, di ba? Then his high school besti will go beast mode at ito ang tutulong for her to get up again.
Maraming pwedeng gawin, your imagination is limitless. All you gotta do is watch the people around you, take notes if you must. Put all the things you see around to your story kahit na sampung tao ang pinanggalingan nun, basta ang importante ay makabuo ka ng chapter.
Isa pang importante na kailangan nating tandaan, ugaliing balikan ang mga nakaraang chapter bago mo tapusin ang chapter para hindi ka magkaroon ng loopholes o butas sa iyong kwento. Kailangan may mga dahilan kung bakit mo naisulat yun. Kailangan ang isang detalye. kahit maliit lang ito, ay dapat makakatulong sa mga future chapters mo.
Ayna, isang tip na mana ang natapos natin. Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. Hanggang sa muli.
_______________
End of Chicklit Tip 10: Choosing A Heroine's Bestfriend
Admin Joni
11.14.20
Chicklit Tricks & Tips for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...