YOUR kontra YOU'RE
Minsan na ba kayong nalito o naguluhan sa tamang paggamit ng salitaang Your at You're? Well, sana pagkatapos ng trick na ito ay hindi na tayo malilito.
Madali lang naman kasing makita ang kaibahan ng dalawang salitang ito, kaya lang ito nakakalito dahil magkasing-tunog sila. Pero okay lang yun. Malalaman na natin ngayon kung ano ang pwedeng gawin.
Ang YOUR ay ang secondary person na nagmamay-ari ng pang-uri, ginamit ito para ilarawan ang isang bagay bilang pagmamay-ari mo. Ang YOUR ay laging sinusundan ng isang pangngalan o noun.
Example:
Is this your backpack?
I like your hair.
I am your friend.
I can not find your book.
I wish your headache is gone.
Punta naman tayo sa YOU'RE. Ito ang pina-ikling "you are" at madalas na sinusundan ng present participle, o pandiwang nagtatapos sa -ing. Ang trick po sa salitang ito ay kung pwede n'yong palitan ng "you are" ang your, eh di gamitin n'yo ang "you're", kung hindi man ay hayaan n'yo ang salitang "your", malamang sa alamang, tama na yan.
Exmaple:
You're my destiny. (you are)
I know you're lying to me. (you are)
If you're not ready, then don't do it. (you are)
I can't believe you're this insane. (you are)
You're my headache. (you are)
Sana naman po ay nakatulong ako kahit papaano. Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. See yah!
-----------------------
End of Chicklit Trick 9: YOUR kontra YOU'RE
Admin Joni
10.23.20
Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020
Ref:
Kaplan Blog - Learning Languages
YOU ARE READING
Chick Lit Tips & Tricks
ChickLitWhat is a chick lit? It is not one of those minty chewable gum that you pop in your mouth to freshen up your breath para hindi ma-turn off ang kausap mo. Hahaha. I was just kidding. Anyway, on a serious note, Chicklit o yung tinatawag na chick lite...