Chicklit Tricks #11

6 2 0
                                    





Synonyms & Antonyms


Katulad ng mga kwentong tagalog, maraming salita din ang pwedeng pagpilian para magamit sa ating kwento. Mga salitang pareho lang ng ibig sabihin.

Halimbawang salita ay:

Sinabi

Said

binigkas

uttered

tinuran

cited

pagsasatinig  

vocalized/voiced

inihayag

announced

saad/sinaad

state/stated

Iilan lang po yan sa mga salitang pwede nating gamitin pagkatapos ng bawat dialogue o palitan ng salita ng mga karakter natin. Katulad ng nasabi ko na sa iba pa nating tricks, wag matakot gumamit ng dictionary o thesaurus. Hindi ko naman sinasabing mag-rely na lang tayo kay Pareng Google, but it is not a bad idea since you are already online, why not, right?

Mga salitang naglalarawan sa ating bida at pasaway ng pag-ibig nito, given na hindi pa niya alam na maiinlabo siya sa masungit, arogante, mapagmataas at makasariling gwapo na, makisig pang lalaki.

Halimbawa:

Bidang Babae


Maganda

beautiful, pretty

kaakit-akit

attractive, alluring, charming

nakakamanghang ganda          

stunning beauty,

kaibig-ibig

lovely

mayumi

elegant

bewitching

nakakabighani

engaging

nakakaenganyo

Maiba naman tayo sa pasaway na lalaki. Ilarawan natin sila sa iba't ibang salita sa tagalog na halos iisa lang ang ibig sabihin.

Pasaway na Lalaki


smug

mayabang, hambog, mapagmalaki, palalo

conceited

makaako, , mapagmataas sa sarili, burot

swaggering

mayabang kung maglakad o mailas

scornful

nakakainis, mapang-uyam, nakakasuklam

bigheaded

malaki ang ulo

supercilious

mapangmata, mapangmataas

Iilan lamang po yan sa mga salitang tinatawag na synonyms. Ayon kay Pareng google kasama ang kaibigan niyang si Wikipedia, "a synonym is a word, morpheme, or phrase that means exactly or nearly the same as another word." Meron din po yang ka-loveteam, si antonyms na ang ibig sabihin naman ayon sa dictionary.com, are words that have contrasting, or opposite meanings.

So, wag matakot gumamit ng dictionary, alamin ang synonyms at antonyms, ilista ang mga nagamit na mga salita at hasain ang sarili sa bokabularyo... isama na ang spelling.

Maraming salamat po sa pagsubaybay ng aking Chick Lit Tricks and Tips. Ito po si Ms. J, ang inyong ChickLit Admin. See yah!















-----------------------
End of Chicklit Trick 11: Synonyms & Antonyms
Admin Joni
11.15.20


Chicklit for WritersPh
ⒸAll Rights Reserved
September 3, 2020

Chick Lit Tips & TricksWhere stories live. Discover now