twenty-five.. " the acceptance"

192 15 3
                                    

the next day...

"aw? " napahawak sya sa ulo nya habang pabangon na sya sa kama.. iniisip nya ang nangyari kagabi, matapos nyang sabihin na sya at si charlie ay may kaugnayan di na nya naalala ang iba pa nyang sinabi.. hindi nya din alam kung anung naging reaksyon ni mike sa mga sinabi nya.. sobrang lasing sya at masama ang loob, kaya nailabas nya ang lahat, kahit di naman dapat pang malaman..

natulala nalang sya habang nakaupo sa kama,

" hayst ! hayaan na nga.. malalaman at malalaman din naman nya yun eh "

naalala nyang nakabihis nga pala sya kagabi-- kaya agad nyang kinapa ang katawan nya .. nung mapagtanto nya na yun parin ang bihis nya, nakahinga naman sya ng maayos..

" sino namang kausap mo jan ?" may nagsalita sa likod nya kaya bigla syang napabalikwas..

" ay tutoy ng kalabaw ! A-ANU BA !!! wag ka ngang nangugulat "

sigaw nya..

" haha.. oh' breakfast in bed.. pinagluto kita.." tinignan lang ni yushane ang dalang tray ni mike habang papalapit ito sakanya.. di naman nya maiwasang di matakam.. di kasi sya kumain kagabi..

''wow... thank you ahh !! akin na"

aabutin na sana ni yushane ang tray ng biglang itulak ni mike ang muka nya..

" hhhhhhoooooppppSsss.. wait"

natigilan naman si yushane..

" grabe sa muka talaga ipreno ah !"protesta nya..

"di kapa kasi nagtotoothbrush.." 

sinamaan ng tingin ni yushane si mike..

" wala akumpake kung mabahuan ka sa hininga ko.. pwede ba ipakain mu na sakin yan nagugutom nako kagabi pa! kasalanan mo kung bakit di ako nakakain kaya amina yan !!"

sabay hatak ng tray.. napayuko naman si mike.. alam nyang may kasalanan naman sya kagabi- kaya nga hinintay nya si yushane magising kasi gusto nyang humingi ng sorry..

" my loves.." napatingin naman si yushane habang nilalantakan nya yung hotdog na niluto ni mike..

" i-im sorry for last night.. may meeting kasi.. nagtetext ako sayo pero di ka naman sumagot- i guess umiinom ka na nun kaya hindi mo na napansin- pero im sorry talaga.. i wont do that again"

seryosong nakatingin sa mata ni yushane si mike.. napabuntong hininga nalang si yushane.. 

" anu kaba.. ok lang yun nakabawi kana pinagluto mu naman ako.. saka ako nga dapat yung magsorry sa mga ginawa ko saka sa mga sina---bi ko kagabi.."

napayuko din sya.. wala na sana syang balak banggitin yung mga sinabi nya kagabi kaya lang walang preno yung bibig nya at di na nya yun napigilan..

" hay !! you know my loves... walang makakatalo sa pagmamahal ko sayo- kahit na sabihin mo pa na naging kayo ng kapatid ko.."

nagulat si yushane sa sinabi ni mike..

" your'e not mad at me ?"

umiling lang si mike..

" no? why would i ? sa kapatid ko OO.. pero sayo never..-- so' is marie and  you ?"

napangisi si yushane..

" are the same person "

natawa si mike ng malakas kaya nagtaka naman si yushane..

My Nerdy SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon