yushane's Pov..
"i miss you and i love you"
sagot nya sakin habang yakap yakap ko sya.. ang sarap pakinggan, parang lullaby sa tenga na kahit anong oras makakatulog ka.. aaminin kong naging mapusok nga ako sa pagkakataong to.. oo aaminin kong mali to, dahil kahit bali-baliktarin parang kabit narin ako, pero may magagawa ba ako? mahal ko sya at alam ko ramdam kong mahal nya rin ako..
hinawakan nya yung pisngi ko at iniangat ang muka ko para magkatitigan kami, ang gwapo parin nya, at yung kabog ng puso ko ganun parin, walang ingay ang nangingibabaw kundi ang tibok ng puso naming dalawa..
ngumiti sya sakin, walang nagsasalita, siguro inaabangan nyang lumabas yung lalaking pumasok kanina.. ang awkward na ng itsura naming dalawa.. pero kahit nasa cubicle pa kami, naeenjoy ko tong mga sandali..nung marinig namin na lumabas na yung lalaki sa cr,
niluwagan ko na yung pagkakayakap ko sakanya..
" lalabas na ko.."
paalam ko sakanya,tumango lang naman sya bilang sagot, kailangan ko agad lumabas bago may pumasok ulit
palabas na sana ako ng cubicle nung bigla nya ulit hilahin ang kamay ko..
"gusto pa sana kitang makausap, pero ayoko dito.. pwede ba tayong magkita ?"
ngumiti lang ako sakanya,
at agad na hinalukay ang purse bag na hawak ko.."hihintayin kita.."
saka ko inipit sa kamay nya yung susi..kaagad at nagmadali akong lumabas ng cr ..
dumeretso ako ng parking lot .
baka kasi mamaya may nakakita pala sakin na lumabas ng cr ng lalaki.. nakakahiya..
kaagad akong pumasok ng kotse at sumandal ..
nanatili lang ako sa ganung pwesto, inaalala ko ang bawat letra at salitang lumabas sa bibig ni mike kanina.."imissyou and i love you.." napabigkas ako.. bakit wala manlang akong naramdaman na mali sa sinabi nya.. bakit di ko manlang naramdaman na nagdalawang isip sya sa binigkas nyang salita kanina..
dapat kahit papaano iniwasan nya ako, dahil alam naman nyang ikakasal na sya..siguro itatanong ko nalang sakanya mamaya...
Agad kong pinaandar yung kotse at dumeretso na sa bahay ..
------ MIKE's POV -----
nakasandal ako dito sa sink sa loob parin ng CR..di ko alam kung anong nangyari.., hindi naman sa nagpadala ako pero di ko na kasi kaya.. nasasaktan narin at nakakasakit narin ako..
mahal na mahal ko si yushane, at ayokong mawala sya sakin..
di nyo naman ako masisisi, matagal ko na syang mahal, tapos ng nagkaroon naman ako ng pag-kakataon saka naman kami nagka-problema ng ganito.
pinagmamasdan ko ang susi na binigay sakin ni yushane, napakuyom nalang ako at hinigptan ang pagkakahawak sa susi.. at nagpakawala ng hangin sa dibdib ko..
paglabas ko ng cr nakita ko agad si janine sa labas, nakangiti sya sakin-
" oh? antagal mo naman dyan!"
napalingon naman ako, baka kasi may nakakita kay yushane na pumasok dito at lumabas.
" ah, para kasing nasira yung tyan ko"
nagpalusot nalang ako,
" ok ka na ba ?"
ngumiti lang ako saka sya inayang lumabas ng bar..
BINABASA MO ANG
My Nerdy Superstar
Teen Fictionyushane valdez is a so famous actres, singer.. sabi nga nila she has it all.. kaya sikat na sikat sya at hinahangaan ng maraming tao, kaya't nagpanggap syang isang ordinaryo at panget na babae para matakasan ang mga media at paparazi na gustong pag...