Chapter 17 – Post ‘Breakup’
Julian’s POV
*tok tok*
(^Tunog yan ng kumakatok sa pintuan, duh.)
Alam ko kung sino yan. Ineexpect ko naman siya, kasi nga pinatawag ko siya.
Si Honey.
Walang choice eh, kailangang makipag-cooperate para sa trabaho. Walang personalan.
“Come in,” sabi ko, tapos pinagpatuloy ang pagbabasa ng documents.
Narinig ko yung tunog ng heels niya. Wow, naghiheels na siya ngayon?
“I need to talk to you a-“ naputol ang sinasabi ko nung lumingon ako sa kanya.
Akala ko ba si Honey ang pinatawag ko? Bakit ibang tao ‘tong nasa office?
Ay wait. Si Honey ‘to. Mas maganda nga lang.
Suuus, inamin din.
“Sit down,” sabi ko na lang para hindi halatang natigilan ako.
*After an hour*
“Okay, that’s it. That’s what I want you to do,” sabi ko.
Napasandal si Honey sa upuan. Tapos huminga ng malalim. “Okay, sir.” Tumayo siya.
Nung paalis na siya, tinawag ko siya ulit.
“Ah, Honey?” tawag ko.
Lumingon siya.
“Mas bagay sayo yan. Keep it up,” sabi ko.
Wala siyang sinagot. Umalis na lang.
Honey’s POV
“Ah, bwiset siya!!!” yan ang sinabi ko pagpasok ko ulit ng opisina.
Hindi ko alam kung magagalit ako, o kikiligin.
Pero kasi.
Bakit niya naman sasabihin yun? Simula nung nag-break kami, (kung breakup nga ba ang tawag sa relasyong simula pa lang ay planado na, na nasira) wala na siyang karapatan pang sabihan ako ng ganun. Kasi boss ko na lang siya. Yun lang. Kaya ako galit.
Pero kasi kinikilig ako. Na hindi naman dapat mangyari. Kaya mas lalo akong nagagalit.
AAAAAAHHHH!!!
*ring ring*
(Oh, hulaan niyo kung anong tunog yan. XD)
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya nung medyo naka-bwelo na 'ko. Walang tingin-tingin sa pangalan nung tumatawag.
"Honey. Pwede bang mag-date tayo sa Friday?" sabi nung nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Fiksi RemajaPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?