Chapter 18.3 - Second Time Around?

103 1 0
                                    

Chapter 18.3 – Second Time Around?

Honey’s POV

Eh. Kasi. Nung nalaman ko yung katotohanan, parang nalungkot ako na ewan. Kasi diba, kung di nangyari yun, edi sana kami pa hanggang ngayon. Malay mo asawa ko na pala siya and everything.

Hehehe! Joke! ^^

Nalungkot lang ako kasi anlaki ko palang tanga.

Pero ewan ko, parang  okay na rin kasi kung hindi nangyari yung, di siguro kami magkakakilala ni Julian. Pero sinaktan din ako ni Julian, kaya lalo akong nalungkot.

Hay Julian.

“Hey, why are you sad?” tanong ni Joshua. Siguro nabasa niya nanaman yugng mukha ko kaya ganyan.

“It’s just that..I miss you,” sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magsinungaling kay Joshua. Siguro kasi dati ko siyang bestfriend. Ay hindi, hanggang ngayon bestfriend ko pa rin siya.

Oo, tatlo kasi kaming magbbestfriend.  Kami ni Elise, Joshua, at Ako. Pero sabi nga nila, walang tatlong bestfriend ang nagtatagal. Kasi nga nainlove ako kay Joshua, kaya hindi na kami naging bestfriend. Tapos nagbreak din kami, kaya sayang din yung friendship.

Bestfriends kami simula nung high school. At halos lahat ng bagay ginagawa naming together. Hanggang sa ma-meet ni Elise yung fiancé niya ngayon na si James, kaya mas naging close kami. Hanggang sa naging history lahat. Chos.

Dumating yung pagkain. Ang inorder ko ay yung grilled tuna with steamed corn na may gulay sa gilid na echos. Tapos si Joshua naman, yung baby back-ribs na may kasamang cherry tomatoes.

Siguro nakasanayan ko na, pero tinanggal ko yung cherry tomatoes sa food ni Joshua. Ayaw niya kasi nun. Tinanggal din niya yung gulay dun sa food ko. Alam niya kasi na hindi ako kumakain ng gulay. Chosera. Exchange lang tayo?

Natawa lang kami pareho sa ginawa namin.

Naalala ko si Julian. Kumain na kaya siya?

“I think there’s another reason for that sad face,” biglang sabi ni Joshua. “Anong nangyari sa inyo ni Julian? Balita ko..break na daw kayo?”

Hay, pinaalala mo pa.

“Ah? I wouldn’t call it ‘break-up’ kais di ko nga alam kung talagang naging kami,” I said sadly.

Tumayo siya tapos nilipat niya yung upuan niya sa tabi ko.

Inakbayan niya ‘ko.

“You can tell me what happened. I’m your other bestfriend, remember?” sabi ni Joshua.

I gave him a sad smile.

“Planado lahat. Nasaktan ko daw yung ‘ego’ niya kaya ginantihan niya ‘ko. By breaking my heart. Funny, right?” tumawa ako ng pilit.

Cinomfort niya ‘ko. Sabi niya pa, “No it’s not. Di Gawain ng tunay na lalake yun. Kalimutan mo na siya, he doesn’t deserve your attention.”

“But he’s my boss,” sabi ko.

“Kahit na,” sabi niya. “You just have to work with him. Talking to him about your personal life is out of the picture. Just ignore him. You can do that, right?”

Nag-smile ako. Tapos binalik na niya yung upuan niya sa dati at nagpatuloy kami sa pagkain.

“Anyway, ikaw? Wala ka bang problema sa lovelife?” sabi ko.

“Haha! Funny how you asked that. Actually wala pa akong nagiging girlfriend..since..you,” medyo nahihiya pang sabi ni Joshua.

Nagulat ako. Yung mga mata ko nagtatanong ng, ‘Bakit?’

“Because you’re the only girl I’ll ever love,” sagot niya.

To be continued...

The Egoistic BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon