(Honey's POV)
Parang may kidlat sa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong problema nila, pero sa titigan nilang yan, meron talaga eh. Dama ko eh.
Grabe lang magtitigan si Julian at Harvey. Nakakaloka. Anyare ba? Masama na ba ma-late ang boss ngayon? Bading ba si Julian at ex niya si Harvey? O si Harvey ang bading?
Ay! Ano ba 'tong iniisip ko, nababaliw na yata ako. Hindi bading si Harvey. Hindi maaari!!!
Type ko kaya si Harvey.
HAHAHAHAH! Echosera lang. As if naman mapapansin ako niyan, eh ambongga kaya niyan sa office. Andaming followers niyan. Literal na followers. HAHAHAHA. Gwapo kase masyado eh. Kaya nga type ko eh, diba? Malamang gwapo, pasok sa standards ko.
At tsaka kahit pa mapansin ako niyan (na NEVER mangyayari), wala lang din. Lalake pa rin siya. At all boys are the same. Lolokohin ka lang. Kaya no thanks. I'd rather live with thirteen cats and die alone, thank you.
Huh. Anyway, eto na nga, may staring contest na nagaganap sa dalawang directors (at yung isa ay president ng company).
What's the big deal with being late ba? Eh late kame, anong magagawa niya? Nangyari na. Tapos na. Hindi na mauulit. Period.
Pero kasi...
"Ehem. Can we please proceed to the meeting now?" sabi ko na lang.
Natauhan naman sila.
And the meeting finally started.
(Harvey's POV)
Hi. I'm Harvey Dela Rosa, director of the production department in Disney Ph.
At halata bang gusto ko si Honey?
Hehehehe. Kita ba sa pagngiti ko sa kanya? Hihi. Yuck, ambading pakinggan.
Sino ba naman kase ang hindi magkakagusto sa kanya? Beauty and brains. Yun pa lang, nakakabaliw na trait sa isang babae. Pero maraming umiiwas sa kanya, kasi isa raw siyang manhater. Pwes, hindi uubra sakin ang pagiging manhater niya. Muahahaha!
Matagal ko na siyang gusto. Ever since na nagtrabaho siya dito, nagustuhan ko na siya. Pero hindi ko siya magawang lapitan, kasi natatakot ako. Baka kasi kainin niya 'ko. JOKE LANG! Baka kasi iwasan niya 'ko.
Kaya kailangan maging friends na kami. Hahahaha! Yehey! I have courage!
Pero gusto ko talagang patayin 'tong si Julian Nicolai Araneta eh.
Nagtataka kayo kung bakit ko alam ang full name niya? Kasi kilala ko siya. Pero hindi niya ako kilala.
Niloko niya kasi ang kapatid ko. Sobrang playboy ng gagung yun, hindi alam kung sino ang kinalaban. Simula nung nalaman ko na niloko niya ang kapatid ko, I started to loathe the guy.
Pero hindi naman ako isang murderer kaya hindi ko siya pwedeng patayin. Isa lamang akong hamak na employee.
At hindi ko siya hahayaang manloko pa ulit.
Nung nalaman kong na-stuck sila ni Honey sa elevator, kumulo ang dugo ko.
It seems like my boss has his hots for Honey, too. Pero alam kong lolokohin niya lang din ito. At hindi pwedeng mangyari yun. Lalo na kay Honey. Civil pa lang kami ngayon, hindi pa actually friends, pero malapit na rin kaming dumating sa point na yun.
At poprotektahan ko si Honey.
Sa posiyon namin ngayon, si Julian bilang director at si Honey bilang assistant director, mahirap gawin yun. Pero kailangan.
I have to try. Or else, may bagong biktima nanaman si Julian.
I make it sound like he's a rapist, but actually, he's not. He's just a numb heartbreaker. Wala siyang pake kung may masaktan siya, basta makuha niya ang gusto niya.
Nagtama nanaman ang tingin namin ni Julian. Kunwari na lang nakikinig ako.
-After 2 hours-
SA WAKAS! Natapos ang meeting ng hindi pa ako sunog. Sa bawat tingin kasi sakin ni Julian, parang nakukuryente ako. Parang gusto niya akong sakalin. Problema nito? Wala pa nga akong ginagawa, ang init na ng ulo.
I approached Honey. "Hey, sorry if I offended you kanina. I didn't mean it, honestly."
"Nah, it's fine. And besides, accidents do happen. And really, it's my fault we were both late. Late na kais talaga ako dumating eh." she smiled. Shit, ang ganda niya!
Ang ganda na ng moment eh, biglang may sumingit na asungot. Este, boss pala.
"Sorry to break your little conversation, but Honey and I need to start with our jobs." sabi ni Julian.
EPAL. PANIRA NG MOMENT. BWISET KA TALAGA, JULIAN ARANETA.
I just stared at him. But then I remembered Honey was there, and I smiled at her.
May gusto ba si Julian kay Honey? Pero hindi naman ganito ang type ni Julian. Mas gusto niya yung model-type na body. Hindi dahil sa hindi matangkad si Honey, matangkad siya, pero yung katawan niya ay average lang. Mga tipo kong katawan. Hahaha! Hindi payat, hindi mataba.
Ang gusto ni Julian, sa pagkakaalam ko, matangkad na puro buto.
Ayoko nun, walang mayayakap. Pft.
"Alright then, I'll see you around." sabi ko kay Honey, not looking at Julian.
At umalis na sa conference room, pakiramdam ko mabubutas ang suit ko sa titig ni Julian sa likod ko.
May pakiramdam akong hindi maganda 'tong napasok ko.
(Julian's POV)
MUAHAHAHA! I'm the king of the world!
Buti na lang magaling akong sumingit. Panira ng moment. *evil laugh*
Kala mo Harvey ha, akin ang moment na 'to! Akin lahat ng moments dito! Ako kaya ang bida dito, duh.
JOKE LANG. HAHAHAHAHA.
At ano yung linya niyang 'I'll see you around' ek-ek? Asa ka, dude! Hindi mo na makikita ulit si Honey! Bleh. Ay parang bata lang.
Ay posa. Bumalik si Harvey. May nakalimutan yata? Oo, nakalimutan niyang kunin yung suntok ko.
Tumingin siya kay Honey na parang wala ako dito. Sige lang, enjoy the moment.
"Uhh, Honey? Can I get your number?" he smiled.
WHAT.
"Sure." nagsmile nanaman si Honey. Ano ba 'to, pag kapag si Harvey, ngumingiti siya, pag sakin hindi? Unfair!
Binigay ni Harvey ang cellphone niya kay Honey, at nilagay ni Honey yung number niya don.
Which reminds me, wala pa rin akong number ni Honey hanggang ngayon.
"Thanks. I hope I can eat with you during lunch sometime, you know, to catch up." he smiled again.
DAMN! What is wrong with this guy? Sa harap ko pa? The nerve!
Ay wait, boyfriend ka ba niya? Hello? Yan ang utak ko. Epal.
Oo nga, wala akong karapatan.
Teka nga, nagseselos ba ako?
"Okay, just text me the details, I'll reply." sabi ni Honey. At nagsmile nanaman. Punyemas. Buti sana kung sakin directed yung smile na yun e.
"Let's go." I told her, and took her by the arm, and out of the room.
__________________________________________
A/N: Eto naaaaaaaaaaaaaaa! XD
Vote and comment please. Constructive critiscm is allowed! :D Be a fan na rin, para alam kong may nagbabasa nito at sumusubaybay kahit papano. XD
Sorry kung may errors or anything, hindi ko na-proofread. Next time na lang! Haha.
Picture ni Honey na nakangiti kay Harvey, sa gilid. :)
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Novela JuvenilPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?