Chapter 23
Julian’s POV
Hindi ko rin alam kung bakit ako nagsinungaling nung araw na nag-break kami ni Honey.
Tanda niyo yun? Nung gabi na pinapunta ko siya sa favorite naming Italian restaurant tapos nakita niya akong nakikipaghalikan kay Gelaine?
Hindi ko talaga alam kung bakit nagawa ko siyang lokohin.
Ay hindi, alam ko pala. Kasi player ako. Diba nga?
Ang totoo kasi, plano ko nang magbago. As in nag-eeffot talaga ako na magbago. Sa totoo lang, hindi ako nambabae habang kami pa ni Honey. Seryoso. Sinabi ko lang yung ‘nambababae statement’ para hindi ako mapahiya sa barkada ko. Antaas kasi ng pride ko, anlaki pati ng ego ko.
Siguro kaya nakipagbreak ako kay Honey kasi…natakot ako.
Natakot ako kasi habang tumatagal na karelasyon ko si Honey, may nararamdaman akong iba. Isang damdamin na sobrang foreign ay gusto kong layuan. Kaya ako nakipag-break kay Honey.
Kasi parang nainlove yata ako.
Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa isang babaeng katulad niya? Maganda, matalino, matapang, akala mo sa labas ay walang kinatatakutan, pero may soft spot din pala. Tapos ‘pag ngumiti siya, para bang nagliliwanag ang mundo. Pag magkasama kami, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Parang kaya kong gawin lahat ‘pag kasama ko siya, yung ganung feeling ba.
Kelan ko nalaman na nahuhulog na ako?
Nung dinala ko siya sa playground. Hindi ko alam, pero may nag-udyok lang sakin na dalhin siya dun. At dun ko narealize na sobrang special na niya sakin.
Antanga ko lang kasi niloko ko siya at pinairal ko ang pride at ego ko.
Kaya nung nakita kong pinopormhan siya ni Harvey at bumalik yung ex niyang kumag na si Joshua, eh para bang naumpog ako at nagising sa katotohanan na hindi ko siya dapat pinakawalan. Isa pa yan sa dahilan kung pano ko nalaman na mahal ko na siya. Nagseselos na kasi ako. Siguro matagal na ‘kong inlove sa kanya, hindi lang talaga ako pamilyar sa feeling kaya binalewala ko.
At eto ako ngayon, ang-eexplain sa harap niya.
Actually halos dalawang araw na kaming nakaupo dito pero hindi pa din ako nagsisimulang magsalita.
Joke lang. Mga 30 minutes na yata? Ah ewan, I lost track of time.
Nagtititigan lang kami. Ako okay lang tumitig sa kanya habambuhay, ang ganda niya kase. Pero sana ako rin titigan niya rin habambuhay.
Kumurap siya. Nako, natauhan na yata na wala naming nangyayari sa ‘explanation’ ko.
“So?” tumaas ang kilay niya.
Medyo napakamot ako ng ulo. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.
“I love you,” yun na lang ang sinabi ko.
Tapos parang napanganga siya na ewan, pero maganda pa rin siyempre. (Actually kung ordinaryong tao ka, mukha siyang tanga sa paningin mo, with her mouth open and all, pero dahil mahal ko siya maganda siya sa paningin ko.)
Yung tatlong salitang yun, first time kong sabihin yun, I swear. Kahit sa magulang ko di ko sinasabi yun eh. Oh kitams? Mahal ko talaga yan.
She blinked. And blinked. And blinked.
“Do you really expect me to believe that?” tanong niya.
“After what I did to you, I expect not. But I just wanted you to know that I love you. Gusto ko lang malaman mo. Oo alam ko naging gago ako, at alam ko na nasaktan kita ng sobra, pero gusto ko lang malaman mo na mahal kita,” ayan tinagalog ko na.
“Buti naman alam mo na hindi ako maniniwala,” sabi niya. “Siguro lahat ng babae mo sinabihan mo ng ganyan.” Dugtong niya pa.
“If it makes you feel better, first time kong sabihin ang mga katagang yan sa buong buhay ko,” sabi ko. God, kung hindi ko lang talaga mahal ‘tong katapat ko, kanina pa ‘ko umalis dito.
Medyo nagulat siya sa sinabi ko.
“Uhh, okay. Nasan na yung explanation?” sabi niya.
Kailangan pa ba talaga ng explanatjon? Hindi pa ba sapat yung ‘I love you’? Bakit hindi na lang niya tanggapin yun, no questions asked?
‘Dummy. Niloko mo eh, alangan naming kalimutan niya na lang lahat yung and move forward like nothing happened?’ sabi nung isip ko.
Oo nga ‘no. Tanga ko lang.
Pasensya na, first time ko kaya mainlove! Hehehe.
“First of all, I’m sorry. I’m sorry dahil nakipagbreak ako sayo by letting you see me kiss another girl. That was low of me. I was scared, scared that I might be falling in love with you. And the feeling was so foreign that I didn’t recognize it at first. Di ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay na makaramdam ng ganitong saya ‘pag kasama kita. Di ako sanay na nagseselos ako ‘pag may kasama kang iba. Di rin ako sanay na nabubuo ang araw ko kapag nakita kitang nakangiti. Hindi ako sanay. Kaya kinailangan kong lokohin ka at bumalik sa pagiging playboy para layuan mo ako. Natatakot kasi akong mainlove. Natatakot akong may gawin akong mali. Natatakot akong mawala ka ng tuluyan. Natatakot din ako sa sasabihin ng mga kaibigan ko kapag nalaman nilang in love ako. Hindi ko kasi nilunok ang pride ko. But the biggest mistake that I made was the fact that I chose to keep my ego intact rather than to keep you in my life.”
Wow. That was the longest speech that I have delivered in my entire life.
___________________________________________
A/N: Malapit na magwakaaaaas! Sa wakas. XD
Pic ni JUlian habang nag-eexplain, sa gilid. ;) Gwapoooo!
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?