Author's Note: Pahingi ng votes, please. :)
Happy Reading!
Chapter 15 – Awkward.
The next day. (Monday)
Pano ‘to? Magkikita kami ni Julian dahil may pasok. At hindi pwede umabsent, dahil talunan lang gumagawa nun. Kailangan kong ipakita sa kanya na matatag ako. Kailangan makita niya na hindi ako magpapatalo. Kailangan makita niyang hindi ako mahina.
Kaya ayun. Ang pataasan ng pride, nauwi sa pagiging babae ko. Dahil swollen ang mata, naglagay ng concealer. Tapos mascara, tapos eye shadow at blush on, tapos lipstick. In short, nagpaganda ako.
Kung si Julian ang nakakita saken, sasabihin niya, “Di mo na kailangang mag-makeup para magmukhang maganda, kasi maganda ka na kahit walang makeup.” Tapos nakayakap pa siya sakin nun.
Bakit ba puro Julian nanaman iniisip mo? Break na kayo ni Julian! Break na! Niloko ka niya! – sabi nung isip ko.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko pag nakita ko si Julian. Inisip ko, maiiyak kaya ako? Malulungkot? Matutuwa?
Pero nung nakita ko siya, hindi ko naisip na ang magiging reaction ko pala ay: outrage.
Hindi ako makapaniwala na nakangiti pa siya matapos ang mangyari.
Pinatawag niya kasi ako sa office niya. At pagpasok na pagpasok ko, nakangiti siya sakin na parang walang nangyari. Tapos yung ngiti niya pa..parang..nabunutan siya ng tinik. Ganun ba siya kasaya na mawala ako sa buhay niya na hindi niya matagao yung ngiti niya sa harap ko? At FYI, hindi naman ako mawawala sa buhay niya talaga, kasi boss ko pa rin siya.
Nakangiti si Julian, ibig-sabihin tama nga yung kutob ko na arte lang ang lahat. Palabas lang. Masakit man isipin, pero yun nga ang totoo. Nakangiti siya, nakangiti rin ako, pero ang pagkakaiba lang ay ito: totoo yung sa kanya, yung akin pilit.
“I guess I have some explaining to do, huh?” sabi ni Julian.
After 30 minutes…
Lumabas ako ng opisina ni Julian, hindi ko na yata kaya yung sakit kaya dumeretso ako sa bathroom.
Nakatingin ako sa salamin habang inaalala yung mga sinabi niya kanina.
…Nagpanggap lang ako..
…Pinahiya mo kasi ako kaya kailangan kitang gantihan…
…That’s what you get from hurting a man’s ego…
…Sorry kung maikli lang yung time, two months lang kasi ang maximum sakin eh…
…Kahit di ako masyadong nag-enjoy, alam kong nag-enjoy ka…
…Pero wag kang mag-alala, di ko sasabihin sa ibang pinaglaruan lang kita…
…Sa talino mong yan, akalain mong ganun ka pala kabilis maloko…
…Salamat sa pag-cooperate ha…
…And by the way, you’re a good kisser….
Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang sampalin, sabunutan, bugbugin, pero hindi ko nagawa. Masakit pala ‘pag sinabi niya sa’yong pinaglaruan ka lang niya.
At sinabi niya lahat ng iyon na parang araw-araw siyang may pinaglalaruang babae. Pero sa tingin ko totoo naman. Playboy siya.
Pero bakit hindi mo naisip yan nung kayo pa? – sabi nung konsensya ko.
Hindi ko nga naisip na playboy siya at baka pinaglalaruan niya lang ako. Peor bakit nga ba hindi? Siguro kasi pinakita niya na iba siya? Tapos dinala niya pa ‘ko dun sa lugar na hindi naman niya pinapakita sa iba?
Baka naman sinasabi niya yun sa lahat ng babae niya.
Isa lang ang paraan para malaman lahat ng ‘to. Tanungin si Gelaine.
“Hello?” sabi ni Gelaine pagsagot niya ng phone.
“Dinala ka ba ni Julian dun sa playground?” deretso kong tanong.
“Who’s this and what playground?” tanong niya.
“Dinadala niya ba lahat ng babae niya dun sa playground na yun tapos sasabihin niyang ikaw pa lang ang dinadala niya dun?” tanong ko ulit.
“Ahhhh,” sabi niya, finally understanding. “You’re the latest girl. Honey, right?” dugtong niya.
“Just answer the question, please,” sagot ko.
“No, I don’t know what playground you’re talking about,” sagot ni Gelaine.
At binaba ko ang telepono.
__________________________________
A/N: Beym! Another update! Nakowww, ano kayang meron sa playground? HAHAHAHA!
Picture ni Julian habang nag-iisip. ;) Gwapoooo!
VOTE PLEASE? :)
PS: Hindi ko alam kung bakit 'Awkward'' ang title ng chapter na 'to. LOL
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?