Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 25 - All These Things

76 1 0
                                        

Chapter 25

Magulo. Yan ang understatement of the year kung pina-describe mo sakin ang nangyari the next few days. Pahingi ako ng isang salitang mas sukdol pa sa ‘magulo,’ yan siguro ang perfect term para madescribe ko kung anong nangyari.

Pano ba naman kasi magiging payapa ang buhay kung andami-dami ko na ngang ginagawa sa office, tapos may dalawang (minsan tatlo) naggagwapuhang lalaki ang nangungulit sakin, sabayan mo pa ng mga chismosang mga secretary at isang bestfriend na mas lalong nagpagulo sa utak ko, hindi talaga magiging payapa ang mundo.

Isang araw pagkatapos nung ‘explanation’ ni Julian, pumasok ako ng office. Normal na araw lang. Pero mga isang oras pagdating ko, may dalawang bouquet ng flowers ang dumating. Dalawang malaking bouquet ng flowers.

Pag tingin ko kung kanino nanggaling, medyo na-disappoint ako. Eh panong hindi, galing kasi kay Joshua at Harvey yung mga flowers. Walang galing kay Julian. Alam kong medyo selfish at katangahan ang naisip ko, kasi nga niloko na nga niya ako’t lahat tapos ineexpect ko pa na bibigyan niya ako ng flowers. Pero kasi akala ko ba nanghihingi siya ng isang chance?

Medyo nalungkot lang ako. Medyo lang. Muaha.

Kung magtatanong kayo kung may nakalagay na message dun sa flowers, wala. Pangalan lang. Naka-print na kasi yung To and From sa card nung flowers, nilagyan lang nila ng pangalan ko at pangalan nung nagbigay.

So binalewala ko na lang ang disappointment at tinanggap ng may maluwag na ngiti ang mga bulaklak.

Nagtatype ako sa laptop ko ng may kumatok sa pinto.

“Yes?” sabi ko.

Sumilip si Julian sa may office ko.

“Did you get the flowers?” sabi ni Julian.

Nagtaka ako. Wala naman siyang pinadalang flowers eh?

“Flowers from who?” tanong ko.

“Me, of course,” sagot niya. Nakapasok na siya sa office ko at nakangisi.

“Wala naming galing sayo sa natanggap kong flowers ah. Galing kay Harvey at Joshua, meron,” sabi ko.

“Naniwala ka namang galing kay Joshua at Harvey yun?” tanong niya.

Naguguluhan ako.

Tapos napansin kong nakatago ang kamay niya sa likod niya. Yung parang may hawak na tinatago.

Eh diba badtrip nga ako kasi wala siyang flowers na binigay? So sinungitan ko siya. “Ba’t di ako maniniwala, eh nakalagay nga yung pangalan nila dun sa card.”

Tapos tinuloy ko yung pagtatype ko sa laptop ko.

He chuckled.

What the freak! Tinawanan niya ‘ko?

Umangat ang tingin ko papunta sa kanya.

Tapos bumungad sakin ang pinakamagandang bouquet ng bulaklak ng nakita ko sa buong buhay ko.

May roses na pink, tapos may white din, tapos may tulips at daisies, tapos may mga yellow na maliliit na hindi ko alam ang pangalan. Basta ang ganda ganda.

“Alam kong walang okasyon, but I just wanted to give you flowers,” sabi ni Julian. “Sakin din galing yung dalawang nauna. Sabi ko na nga ba madidisappoint ka kasi walang galing saken eh.”

Tapos tumawa ulit siya.

So sa kanya pala galing yung mga bouquet? Ang sweet naman.

Acheche! Ewan.

The Egoistic BastardMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon