Chapter 28
Today is the day.
Ngayon ko sasagutin si Julian.
Napag-isip isip ko kasi na parang medyo bumalik na yung tiwala ko sa kanya. At napatunayan naman na niya na pwede ko na siyang pagkatiwalaan ulit. Sana nga lang this time din a masayang pag tiwalang ibibigay ko sa kanya.
“Hello?”
“Miss Honey..uhh, pinapapunta po kayo ni Sir sa office niya ngayon.”
“Okay.”
Kilala ko naman ang boses ni Shiela, yung secretary ni Julian. Kaya nung tumawag siya, pumunta na agad ako sa office ni Julian.
Laking gulat ko ng madatnan kong kasama niya pala si Gelaine.
Mas lalo akong nagulat nung na-realize kong magkadikit yung labi nila. Parang ang special pa nga eh, kasi nakatakip ng kamay ni Gelain yung mga mata ni Julian tapos nasa likod niya si Gelaine habang nakaupo si Julian, tapos magkahalikan sila. Yung parang surprise na ewan.
Eh ako yata ang mas na-surprise.
Di ko kinaya yung nakita ko kaya tumakbo na lang ako pabalik sa office ko.
Walang tigil yung pagtibok ng puso ko na sobrang bilis.
Sinadya nanaman ba ito ni Julian? Kaya niya ba ako pinapunta dun sa office niya para makita yung eksenang yun?
Ang sakit sa puso. Parang hindi ako makahinga. Pag pumipikit ako, nakikita ko yung itsura nila kanina. Mas lalong sumasakit ang puso ko. Literal eh, parang mawawarak na siya anytime soon.
Di ko na lang napigilang umiyak.
Ganun pala ang feeling kapag dalawang beses ka na niloko. Mas masakit lalo.
Hindi ko pa nga siya sinasagot eh. Buti nga at niloko niya ‘ko nung hindi pa kami, kaya parang wala pa akong karapatang magalit or anything, pero kasi nililigawan niya ‘ko. At parang kami na. Di ba dapat hindi na siya nanghahahalik ng ibang babae?
Sa sobrang lungkot ko nun, umuwi ako ng maaga. Wala na akong pake kung mapagalitan ako, basta umuwi ako ng maaga.
Pero nung umuwi ako, mas naiyak ako. Kasi naalala ko lang siya lalo. Andami pala naming memories sa condo ko. Sa sofa, dito kami naglaro nung 30 questions na umabot ng madaling-araw. Sa kusina, dito niya ‘ko pinagluluto madalas. Sa kwarto, dito niya ko dinadalhan ng breakfast in bed.
Lahat na lang ng parte ng bahay ko may bakas siya. Ano ba ‘to. Pumunta na lang ako sa banyo at doon ako umiyak. Antanga ko lang. For the second time, nahuli ko siyang kahalikan si Gelaine. Bakit ba lagi na lang si Gelaine? Ano bang meron kay Gelaine at di siya makaget-over? Wala naming namagitan sa kanila diba, one-night stand lang?
Umiyak ako at hindi ko namalayan kung anong oras na.
Paglabas ko madilim na. Pagtingin ko sa orasan alas-otso na pala.
Tinext ko ang taong makapagpapagaan sa loob ko at sinabi kong magkita kami sa isang bar sa Timog.
Hindi ko alam na yung ginawa kong yun eh magpapalala pa sa lahat ng nangyayari.
____________________________________
A/N: Umiiyak nanaman si Honey. :( Gago ka kasi Julian. Picture sa gilid!
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?