Chapter 27
Pumunta kami sa isang napaka-special na lugar.
Ang playground.
HAHAHA. Chos.
Wala, naglaro lang kami. Para kaming ewan dun. Ano pa bang magagawa sa playground?
Pero dinala niya ‘ko dun sa may likod nung playground, may parang bakanteng lote tapos medyo madamo.
Tapos nagulat ako nung naglatag si Julian ng blanket tsaka may basket pa siyang dala. Pinaupo niya ako dun sa blanket tapos binuksan niya yung basket niyang dala.
Picnic pala ang gusto.
Nakakainis. Kinikilig ako eh. Hahaha.
Andaming pagkain. May tinapay, tapos puro fruits. Ang ganda pa naman nung weather nun. Sunny na hindi masyadong maaraw tapos medyo mahangin.
Ang saya ko lang.
Pagkatapos naming kumain, hinatid na niya ako ulit sa condo. Tapos sabi niya magbibihis lang daw siya at babalik daw siya by dinner.
Nahiya naman daw ako at napag-isipan kong mag-grocery at ipagluto siya ng dinner.
Tumakbo lang ako sa grocery.
Tapos nagluto na ako.
Habang nagluluto ako ng carbonara, naiisip ko tuloy yung mga kakakilig na pinaggagawa naming the last few days. Ansaya-saya lang. Pero mukha akong tanga na nakangiti sa sarili kong kusina.
Saktong 6:30 nung may nag-doorbell.
Malamang si Julian. May apog pa siyang mag-doorbell, eh alam naman niya kung nasan ang spare key.
Pagbukas ko ng pinto, aba ke gwapo! Wala siyang suot…na jacket. Malamang, mainit kaya. Naka-vneck siya na black. Tapos jeans. Biglang uminit sa condo ko. Hoooo~
“Hi,” ngiti ni Julian.
“Sakto sa dinner ang dating mo,” sabi ko.
Pinapasok ko siya tapos kumain kami.
“Magaling ka pala magluto,” sabi ni Julian.
Acheche! Pwede na ba mag-asawa? Ay joke.
Nung ngumiti ako, sabi niya, “Alam mo bang favorite ko ‘to?”
Tapos na-realize kong wala pala kaming masyadong alam sa isa’t-isa.
Medyo parehas yata kami ng iniisip kaya nag-suggest siya na maglaro daw kami ng 30 questions.
Edi umupo kami sa sofa. Magkaharap kami tapos nagstart na siyang magtanong.
Ganun lang ginawa naming buong magdamag.
Para kaming nagliligawan na ewan. Peor oo nga, nagliligawan pa lang naman talaga kami. Wahahaha.
Nakakatuwa lang kasi nung una magkaharap kami, tapos maya-maya nakahiga na ako tapos nakapatong yung ulo ko sa lap niya, tapos sumunod baliktad naman. Ewan ko, komportable kami na parang mag-bestfriends lang.
Inabot kami ng 3am sa pagkkwentuhan. Lahat na yata ng bagay napag-usapan namin. Anlayo ng narating. Mula sun sa mga favorites, napunta sa embarrassing moments, tapos napunta sa mga ugali ng mga parents namin, hanggang sa mga weird na mga tanong na, katulad ng ilang bese ka tumae sa isang araw, mga ganun. Yung feeling na parang sobrang saya mo na ayaw mo nang matapos yung gabi.
Sana nga ganito na lang palagi. Sana nga.
6 months. Ganun katagal. Ganun katagal na nanliligaw sakin si Julian. At sa loob ng 6months na yun, hindi siya nagsawa.
Araw-araw pa rin niya akong binibigyan ng flowers (baka siguro may-ari rin siya ng flower shop), tapos lagi kaming lumalabas, ‘pag weekends pinagluluto niya ako ng breakfast tapos breakfast in bed, tapos lalabas kami hanggang gabi, lagi rin kaming magkausap sa phone. Minsan nga na-late ako ng gising kasi kausap ko siya hanggang 3am eh.
Pero di ko pa rin siya sinasagot.
Napag-uusapan din naman naming yun eh. Minsan nga nagbibiruan pa kami tungkol dun. Kesyo maputi na raw ang buhok niya din pa din ako umo-oo. Kesyo baka daw di ko na daw talaga siya sasagutin at pineperahan ko lang daw siya. Pero binibigyan ko siya ng assurance na darating din yun.
Natatakot pa rin kasi talaga ako. Hindi pa rin ganun ka laki yung tiwala ko kahit dumaan na yung kalahating-taon. Malay ko ba kung umaarte lang yan tapos lolokohin ako ulit.
Pero naisip ko rin, pano ko naman matetest yung loyalty niya sakin diba, kung hindi pa naman kami?
___________________________________________
A/N: Si Julian at Honey, naglalandian sa gilid! =))
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?