Chapter 18.2 – Second Time Around?
Honey’s POV
Bakit kaya biglang naging blooming ang itsura neto ni Joshua? Hmm. Malamang may babae nanaman ‘to. HAHAHA. Bastos. Ako nga kasama niya eh, may babae pa. Shunga lang ako. Sorry.
“Ba’t nangingiti ka diyan?” tanong ni Joshua. Nagulat naman ako, biglang nawala yung daydream ko. Chos.
“Ah, kasi iniisip ko lang, bakit ka blooming ngayon. Haha, may babae ka siguro ‘no?” tanong ko.
Natawa naman siya. Aba, pati pagtawa gumwapo! Ayos men!
“Tell me honestly, in love ka ngayon ‘no?” pagpapatuloy ko.
Tumawa siya ulit. Ano bang nakakatawa?!
Nung nakita niya yung expression ko, tumigil siya sa pagtawa.
“Sorry, it’s just that, nothing’s changed. You’re the one who changed,” sabi niya.
Huh?! Di ko magets.
“Alam kong di mo magets, kaya wag mo na lang intindihin.”
Mind reader ba ‘to?
“Hindi ako mind-reader, sadyang matagal na talaga tayong magkakilala kaya alam ko ang nasa isip mo,” sabi niya ulit.
Okay mukha na siyang tanga kasi nagsasalita siya mag-isa.
“Hahahaha! Siguro nga mukha akong tanga,” sabi niya ulit.
What the fcuk?!
“No swearing,” sabi niya.
Okay this is creepy. How can he do that?
“You’re like an open book. Nakikita ko lahat ng gusto mong sabihin base sa mata mo. At sa facial expression.”
Okay. Tama na. Magsasalita na ‘ko. Hoy Joshua, kung nakikita mo ang expression ko, wag ka na magsalita okay.
Tapos tumawa siya.
Dumating yung waitress para kuning yung order namin.
“Good evening Sir, may I take your order?” tanong nung malandi. Este nung waitress.
“Ahh, can I have your menu first, please?” magalang na tanong ni Joshua.
Hahaha! Shunga lang ‘teh? Manghihingi ng order, wala pa naman kayong binibigay na menu.
Umalis yung waitress na may irap sakin. Pano kasi, tumawa ako ng konti. Konti lang naman, hehehe!
“Anyway,” sabi ni Joshua.
“Magalang ka pa rin. Tss, yan talaga ang pangkuha mo ng babae ‘no? Good looks, tapos gentlemanly attitude,” sabi ko.
“Hay Honey, akala ko nagbago ka na, yun pala ganun ka pa rin. Selosa pa rin,” sabi ni Joshua.
“Ako? Kelan ako nagselos?” tanong ko.
“Nung kay Kylie. Akala mo I was cheating with her behind your back, so you got angry and you broke up with me,” sabi niya.
“Eh tama naman ako diba?” tanong ko.
Eto nanaman tayo sa past. Lagi na lang bumabalik.
“Actually you were wrong,” sagot ni Julian.
Binigyan ko siya ng prove-me-wrong-or-else-I’ll-kill-you-along-with-that-bitch-look.
Tapos biglang sumingit yung waitress para iabot yung menu. Nag-order kami tapos ngsimula na siyang mag-monologue.
“Nung nakita mo kaming magkatabi sa may bench at magka-holding hands, oo totoo yung nakita mo, magka-holding hands kami. Kaya lang mali yung conclusion mo. I wasn’t cheating. I was just comforting her. She needed me at that time. Well, may sakit kasi siya, at tinawagan niya ‘ko dahil kailangan niya ng kaibigan. Sabi niya may cancer daw siya, tapos ako naman si tanga, naniwala. Yun pala tinext ka niya gamit ang phone ko para pumunta ka dun at masaksihan mo yung pangyayari,” mahabng kwento ni Joshua.
“But why didn’t you explain?” sabi ko, with a hint of exasperation.
“Because you didn’t let me. And I thought, kung wala kang tiwala sakin, mas maganda nga siguro kung magbbreak na lang tayo,” malungkot na sabi ni Julian.
“Mas maganda siguro kung nag-explain ka diba,” sabi ko.
“Everyone was on your side, they wanted me out of your life, so I left. I just thought that you’d be happy without me in your life,” sabi niya.
Eto ang pinaka-malungkot sa lahat ng sinabi niya. Kung gusto niya lang pala akong maging masaya, alam naman niya na masaya ako nung kami pa. Oo, matagal naging kami. Mga 3 years din yun.
Akala ko niloko niya ‘ko. Akala ko di niya na ‘ko mahal. Akala ko hindi ako sapat. Kaya nagbago ako.
Yun pala, kasinungalingan lahat.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/1292995-288-k719849.jpg)
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?