Chapter 11 - Return of the Ex

152 1 1
                                    

(Julian's POV) 

Nakita ko si Honey na palabas ng office. 

Hindi ko alam kung bakit, pero sinundan ko siya. Pumasok siya sa isang restaurant sa tabi ng office. 

Pumasok din ako. 

Nakita kong lumapit siya sa isang table na may nakaupong lalake. 

Mukhang paa yung lalake. 

Sino ba 'to? 

Umupo ako sa likod ni Honey, para marinig ko yung pinag-uusapan nila. 

"Long time no see, Joshua." narinig kong sabi ni Honey. 

"Yeah, I miss you, babe." sabi nung Joshua. 

PWE! Nadura ko tuloy yung iniinom kong tubig. BABE?! Ano yan, baboy? 

"Don't call me that." sabi ni Honey. 

"Why? Mahal kita, alam kong mahal mo rin ako." sabi nung gago. Este, Joshua. 

"Hah, who are you kidding? Mahal? Alam mo ba ibig-sabihin nun? Matapos mo 'kong lokohin, sasabihin mo yan? And it been what? Years! And yet you didn't bother to explain. Tapos ngayon sasabihin mo mahal mo 'ko? Ano ako, tanga?" halatang galit si Honey. 

"Let's get back together, please." sabi ni Joshua. 

"Don't touch me." sabi ni Honey. 

Aha! Wag mong hawakan ang kamay niya! 

Naramdaman kong lumapit si Joshua kay Honey, kasi umusog yung upuan niya palikod. 

"What the hell-" naputol yung sinabi ni Honey. 

Lumingon ako sa kanila. 

o________________________O 

Hinahalikan niya si Honey!!!! 

NO!!!!! 

Tumayo ako. Hinila ko si Honey patayo. 

"Excuse me, ayaw niya diba? Kaya pwede ba, lumayo ka sa kanya. " sabi ko. 

Napadukdok yung ulo nung Joshua sa table. Hah! Buti nga. 

"Sino ka naman?" pag-angat ng ulo ni Joshua, tanong niya sakin. 

"Boyfriend niya." sagot ko. 

"Pfft, boyfriend? Ako lang ang pwedeng mahalin ni Honey, kaya hindi pwedeng maging boyfriend ka niya." tawa ni Joshua. 

Knowing Honey, dapat may sagot na siya diyan sa panlalait ni Joshua, pero parang nasa state of shock pa rin siya sa nangyari. 

"You don't believe me? I'll prove it to you, then." sabi ko. 

"Prove it." sabi ni Joshua. 

And the next thing I knew, I was kissing her. 

But the best thing was, she kissed me back. 

I don't know why, but it felt right, somehow. 

After what seemed like forever, I pulled back. Nakita kong nanlaki ang mata ni Joshua. 

"I still don't believe you. I'll get her back!" tapos umalis na siya. 

Umalis na rin kami ni Honey sa restaurant. Umupo kami sa may bench sa tabi. Hindi pa rin siya nagsasalita. 

After a few minutes of silence, lumingon ako sa kanya. 

Then I realized she was crying silently. 

"I'm sorry." sabi niya, in between sobs. 

"For what?" tanong ko. 

"For dragging you into this. And I promise I won't make you pretend again, it's just...I was caught off-guard." sabi niya. 

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sitwasyong 'to. 

Pano ba mag-comfort ng babae? Ugh. 

Inabot ko yung panyo ko sa kanya, pero di niya tinanggap. 

Ngayon ko lang siyang nakitan ganito. Yung usual na masungit, mataray, na Honey..may kahinaan din pala. 

At kaya pala niya 'ko hinalikan pabalik, dahil umaarte lang siya. 

Hindi ko alam, pero parang ang sakit. 

Pero hinde, sanay na 'ko sa ganito. Playboy ako diba? Wala akong pakiramdam. 

Wala dapat akong maramdaman. Wala dapat. 

"You know what? We should really date. For real." sabi ko kay Honey.

(Honey's POV) 

"What?! That pervert!!!" sigaw ni Elise. 

Nasa condo kami ngayon. Hindi na ako nagpahatid kay Julian, nakakahiya naman. 

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. 

"Eh anong sinabi mo kay Julian? Magde-date ba talaga kayo? For real?" dugtong ni Elise. 

"Yeah." bulong ko. 

"OH MY GOD!!!!" sigaw niya. 

"You know what? You're too noisy. I'm going to sleep. Go home." sabi ko, sabay higa sa kama. 

"Ang aga naman! Ano ba, we should celebrate! You've got a boyfriend!" sabi niya. 

"Hindi na ba uso manligaw ngayon?" tanong ko. 

"Ugh. Manang na manang ka. Ganun na rin yun!" sabi niya. 

Sometimes I really hate my bestfriend for being so noisy. 

And most of the time, I hate myself. 

Wala na, gumuho an lahat ng defenses ko. Bakit kasi bumalik ka pa, Joshuang mukhang paa?! Two-timer! Bwiset! Manyak! Ugh. 

Gumuho na lahat ng defenses ko. Gumuho na. Naging buhangin yung pader. 

Lahat dahil kay Julian Nicolai Araneta. Bakit kasi nagpaka-superman ka? Lagi ka na lang nandyan 'pag kailangan kita. Lagi mo 'kong nirerescue. Lagi mong pinapagaan ang loob ko. Bakit?! 

Yan na, nahulog na ako ng tuluyan. Wala na, di ko na kayang pigilan. 

Lalo na nung hinalikan niya 'ko, hindi ko alam pero hinalikan ko siya pabalik. Pero sinabi ko sa kanya, arte lang yun. Pssh, sinungaling. 

Tama ba ang naging desisyon ko? 

As if reading my mind, sabi ni Elise (na nakalimutan kong nandito pa pala), "If he's worth the risk, he'll do anything to prove it."

I slept soundly for the first time that night, thinking of making new memories with Julian Araneta.

________________________

A/N: Ayan naaaaaaaaaaaaa! They're officially dating! Yehey! *sabog confetti*

PICTURE NI JOSHUA SA GILID. Yan ba ang mukhang paa?! Bulag. XD

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

The Egoistic BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon