Chapter 18.1 – Second Time Around?
Honey’s POV
“Honey, pwede bang mag-date tayo sa Friday?” sabi nung nasa kabilang linya.
Who the fcuk is this?!
Ay joke. Shempre di ko sinabi yun. Hahahaha.
Sino ba ‘to?
Nilayo ko yung phone sa may tenga at tinignan kung sino yung tumatawag.
.
.
.
.
Si Joshua.
Si Joshua Alarcon.
Yung gwapo. Este, yung ex kong gago.
Ay mean. Eh kasi!!
Anyway, may kausap pa pala ako sa phone, ano ba!!
“Uhh, Josh?” sagot ko. Mga after 3 minutes. Ahaha, sorry.
“Grabe, parang antagal nating di nag-usap at nakalimutan mo na yung boses ko. Nga pala, ngayon mo na lang ako ulit tinawag na ‘Josh’ ah.”
Ang haba ng sinabi niya.
“Actually di kita nakalimutan. Bakit ko naman kakalimutan yung lalaking nanggago sakin diba, Joshua?” binigyang-diin ko yung Joshua, para kunwari galit ako. Nyehehe. Actually kasi, nakalimutan ko talaga siya. Meaning, di na ‘ko bitter or anything. Basta, ayos na. Ayun. Matagal na kasi masyado, at kung papatagalin at papalakihin ko pa, hindi naman yata Gawain ng isang matured, maganda, at malakas ang charisma na babae yun. Okay, conceited sorry.
Oh? Di na sumagot si Joshua.
“Tungkol dun sa dinner. Sige. Text mo na lang sakin yung details,” sabi ko, tapos binaba ko na yung phone.
Mataray ba ang dating? Ganun talaga, para kunwari galit ako. Nyaha. >:---)
Tinext ko si Elise. “May date kami ni Joshua sa Friday.”
“Good for you!” sagot niya.
Galing ng bestfriend ko. Pareho kami mag-isip. Hahahaha.
Tapos nagplano kami tungkol dun sa susuotin ko sa date.
Dahil aksaya sa load kahit postpaid, tumawag na lang ako.
“Tulungan mo ‘ko mag-shopping para sa date please?” sabi k okay Elise, may pa-cute effect pa ang voice. Ew.
Naglalakad na ‘ko palabas ng office. Di ko alam na kasalubong ko na pala si Julian. At narinig niya ‘ko. Di ko naman sinasadya, sorry.
Julian’s POV
-__________________-
Ba’t ang bilig naman niya yatang maka-move on? Date agad?
Hmmm. Sino kaya ka-date niya?
Aba, kailangan kong malaman! Facundo, alamin mo! Ang korni ko na syet -_-
Honey’s POV
Sa paglipas ng linggo, napansin kong medyo na-excite ako dun sa so-called date naming ni Joshua. Ahihihi. Landi lang.
At napansin ko ring pinapatagal ni Julian ang pagttrabaho ko. Anong problema neto? Na-miss lang ako?
Sabi niya nung nakaraan, kelangan ko daw mag-overtime sa Friday, dahil marami kaming kailangang gawin. Aba, bakit Friday pa? Siyempre di ako pumayag, kaya nagalit siya.
*Flashback, sa office ni Honey*
“Honey, I need you to do some work on Friday. It requires a little bit of your time,” sabi ni Julian.
Bakit siya nandito sa office ko? Di ko rin alam. Siguro para sabihin yan.
“Excuse me?” sabi ko.
“Kailangan mong magovertime sa Friday,” paglilinaw niya.
WHAT?! FRIDAY?! NOOOOOO!
Siyempre sa isip ko lang yan. Pero sa totoo, medyo gusto ko siyang sakalin nung time na yun kahit poker face lang ako.
“Sorry sir, pwede bang sa Thursday na lang?” sabi ko.
“No, Friday,” pagkontra niya.
Okay. Malapit na ‘ko pumitik. Konting-konti na lang.
“Well, you see, sir, I already have something planned for Friday, so it can’t be cancelled,” pag-eexplain ko sa kanya.
“What is it and why can’t you cancel it?” pag-iimbesitga niya. Wow ha.
“It’s kind of personal, sir, but if you must know, I’m meeting a friend of mine that I haven’t seen for years,” sagot ko. Actually hindi naman years, sinabi ko lang yung para medyo maawa siya. Nyahaha. “And he’s expecting me to come, because this Firday is the only available date in his calendar,” pagdudugtong ko, para sure.
Mukhang naramdaman niya na hindi ako magpapatalo, so..
“Okay then. Double overtime on the next Friday.”
_________________________________________________
FRIDAY. Sa isang restaurant na mahal ang bayad kahit tubig lang. 7:00pm.
Pagpasok ko ng restaurant, hinanap ko agad si Joshua. Di na ‘ko nagpasundo at nakakahiya naman.
May reservation pala siya, so ayun. Tinuro na lang ako nung waiter dun sa table.
Nagkatinginan kami ni Joshua. Wow, sparks. Joke. Hahahaha.
Gwapo pa rin siya. Pero mas gwapo si Julian.
Ay wait-
Wala-
Bakit ko binanggit si Julian.
Date naming ni JOSHUA ‘to okay. Walang Julian na kasama.
Nag-smile siya. Tapos hinug niya ‘ko. Aww. Haha. Namiss ko ‘tong gagung ‘to. Kahit niloko ako, friends naman na kami bago pa maging kami. Gets mo? Basahin mo ulit, dahan-dahan. Hahahaha. Joke.
Ano kayang mangyayari sa date na ‘to…
To be continued…
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?