Chapter 20 – Under the same Roof
O______________________o
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Bakit kasi bigla-bigla na lang nagtatanong ng ganun? Hindi ba dapat may ‘getting-to-know-each-other’ stage muna? O yung ‘going out’ na yung stage na yun?
Okay medyo shunga lang sa dating scene, pasensya.
Pero ano ba kase yun? Nahihilo ako.
Anong isasagot ko?
Pano na lang kung magkita kami sa office, diba parang awkward?
Okay, hindi ko kasi siya sinagot nung tinanong niya ‘ko. Parang natulala na lang ako na ewan, tapos sabi ni Harvey, “Okay alam ko nabigla ka pero let’s just leave that question hanging and answer me when you’re ready. Okay?”
And that’s that.
So ngayon nakaupo ako sa aking malambot na kama (chos) at nagcocontemplate kung anong gagawin ko ‘pag nakita ko siya bukas. Oo, isang araw na akong nakaupo dito at wala pa ring nangyayari. Heheh, joke lang. Okay ako na corny.
Bahala na po ang fate bukas.
MONDAY.
May emergency meeting.
Anyare? Bakit? Bihira lang magpatawag ng emergency meeting si *ehem* Julian, at ‘pag nangyari yun, usually sobrang laking news.
Lahat ng co-workers ay nasa conference room na.
Ako naman papunta pa lang. Hindi ako late, maaga lang sila.
“Honey!” tawag nung nasa likod ko.
Whoops. Alam ko yang boses na yan.
Kay Harvey yan. Nako. Patay. Humarap ako sa kanya, tapos ngumiti ng medyo maliit lang.
“Hi,” sabi ko.
“Sabay na tayo pumunta ng meeting,” sabi ni Harvey, na sinagot ko ng isang tango.
Habang naglalakad, syempre small talk.
“Alam mo ba kung anong imi-meeting ngayon?” tanong niya.
“Hindi eh,” sagot ko.
“May bago daw employee eh,” sabi ni Harvey.
“Porket may bagong empleyado may emergency meeting? Bakit ako wala naming ganun,” sabi ko.
Eh kasi! Ano ba ‘to, favorite na agad ni Julian tapos bagong employee? O baka naman bestfriend niya kaya nakapasok? Hmmmm.
Nakarating din ng conference room sa wakas. Most awkward 5 minutes of my life.
Pagtapak ng mga paa ko sa conference room, nagsalita na si Julian. Ako na lang ba ang inaantay? Actually parang oo. Hindi rin, dalawa kaya kami ni Harvey ang late. Belat.
“Good morning everyone,” sabi ni Julian. “As you might have heard of, because I know news travel faster than a speed of light here, we have a new employee.”
Napuno ng katahimikan ang conference room. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa news na totoo ngang may bagong empleyado, o dahil nabuking sila ng boss na mabilis kumalat ang chika sa opisina.
Nagsalita ulit si Julian.
“So that we can go back to our respective offices, let me present, the newest addition to our team, the Deputy Officer for the Creative Team, Mr. Joshua Alarcon.”
.
.
.
.
Wait, what?
Si Joshua ang bagong empleyado? And what the hell is the job of the Deputy Officer? E dib a chief na nga naming si Julian?
I am so lost. -__________-
And I don’t know where to go.
Ano bang nangyayari, bakit nandito na si Joshua?
At bakit siya tinanggap ni Julian, ediba medyo may issue sila dahil saken?
Habang nagmumuni-muni ako, napatingin ako sa stage, kung saan nandun si Julian at Joshua.
Pareho sila. Pareho silang nakangiti. Gwapo. At..
..pareho ko silang naging ex.
Hindi naman sa nagmamayabang, pero yan dalawang gwapo na yan, naging ex ko. BWAHA.
Ay hindi ako proud, kasi pareho nila akong niloko. Well technically si Julian lang, since si Joshua ay na-frame-up lang so yeah.
Pero kasi, ngayon nandito na si Joshua, tapos wala pa akong sagot kay Harvey, tapos medyo hindi pa ‘ko nagkakaroon ng closure kay Julian, medyo parang laho akong nahilo.
Parang gusto ko na agad lumabas ng conference room na yun.
At lalabas n asana ako, kung hindi lang tinawag ang pangalan ko nung taong nasa harap.
“Honey!” sabay na sabi ni Joshua at Julian.
Uhhhhh (>,>)
Lumingon ako sa direksyon nilang dalawa.
At lumingon sakin ang lahat ng nas aconference room.
Tapos parang nag-signal sila na pumunta raw ako sa stage.
Ako naman si tulala, medyo natulak ng mga tao, kaya the next thing I knew, I was in between Julian and Joshua, the two guys that I loved, and we were facing the audience.
____________________________________
A/N: LALALALA! HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?