Chapter 18.4 – Second Time Around?
Honey’s POV
“Because you’re the only girl I’ll ever love.”
“Because you’re the only girl I’ll ever love.”
“Because you’re the only girl I’ll ever love.”
Ay paulit-ulit? Kailangan may echo talaga?!
Bwiset na Joshua. Um-echo talaga sa utak ko yung pinagsasabi niya. Ano ba ito?!
Chosera ‘to!
Anyway, tapos na kami kumain, naglalakad lang kami dito sa may park echos.
Dapat diba awkward ‘to? Kaya lang hindi eh. Ewan ko ba, sa sobrang tagal na naming magkakakilala ni Joshua, walang awkward. Maliban na lang nung unang bese naming magkita, dunsa may resto, galit pa kasi ako nun, kaya di ko siya pinansin.
Ngayon? I guess, naka-move on na rin ako. At malaking tulong yung pagsasabi niya ng totoo.
“Masaya ka ba?” biglang tanong ni Joshua.
“Hah?” tanong ko pabalik.
“Masaya ka ba nung naging tayo?” sabi ni Joshua.
Napangiti ako.
“Oo naman,” sabi ko.
“Buti naman. Akala ko nagsayang tayo ng 3 years eh. Eh nung naging kayo ni Julian, masaya ba?” tanong niya ulit.
Andaming tanong ha.
“Kahit maigsi lang yung pagsasama namin, naging masaya naman ako,” sagot ko.
Reklamo pa, sinagot ko naman.
“Pero niloko ka niya,” malungkot na sabi ni Joshua.
Tss. Pinaalala pa. Ganda na ng mood eh!!
“Gagong yun, dapat dun pinapatay eh,” sabi ni Joshua.
Hala galit si kuya. O___o
Malamang, kinwento ko kasi yung ginawa ni Julian eh. Dapat talaga pinapatay yun! Hehehe. Jokeeee. >:)
“Siguro may kasalanan din ako, kasi alam ko naman playboy siya, nagpakatanga pa ‘ko,” sabi ko.
Hala, pagtanggol daw ba si Julian. Niloko na ‘ko’t lahat, pinagtanggol ko pa. Tanga.
“Wala kang kasalanan, nagmahal ka lang,” sabi ni Joshua.
“Teka nga, ano bang course na kinuha mo nung college, BA Philosophy ba? Ang lalim ng mga pinagsasasabi mo,” sabi ko.
“Hahaha!” tumawa naman si Joshua. “It’s just that, right now, I wanna teach that guy a lesson.”
Lesson? Prof na ba si Joshua?
Yuck, ang corny ko na.
Hinatid na ako ni Joshua papunta dun sa kotse ko. Kasi nga diba, hindi ako nagpasundo dahil nakakahiya naman. Ayun, kaya nga bumalik kami dun sa may parking lot sa resto.
“Thank you ha,” sabi ko kay Joshua.
“The pleasure was all mine,” sagot niya.
“Bye,” sabi ko, tapos sasakay na dapat ako sa kotse kaya lang tinawag niya ulit ako.
*chup*
Hinalikan niya ako sa noo.
______________________________________
AUTHOR'S NOTE:
BWAHAHA. IBA NA PO ANG LEADING MAN NG STORY NA 'TO.
JOKE LANG! ^_^
SI JOSHUA AT HONEY, SA GILID!
ANTAY LANG NG KONTI, OKAY? HEHEHE!
VOTE. COMMENT. BE A FAN. ADD TO LIBRARY.
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?