Chapter 26
Nagulat ako sa nakita ko, pero ang pinaka-nakakagulat eh kung pano siya nakapasok sa condo ko.
“Pano ka nakapasok dito?” tanong ko kay Julian.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
“Spare key,” sabi niya.
Anong spare key? Isa lang naman ang spare key ng condo ko at imposibleng mahanap niya yun kase nasa pinakatatagong lugar yun.
Sa ilalim ng doormat.
Hehehe, cliché, I know.
“Kung ayaw mong manakawan ang bahay mo, hindi mo dapat nilalagay ang spare key sa ilalim ng doormat. Alam natin na dun naman talaga usually nilalagay ang spare key eh,” sermon niya.
Andami kong tanong. Andami kong tanong. Sa sobrang dami, wala akong natanong. Hahaha. Ang gwpao niya kasi sa suot niyang v-neck na shirt, tapos nakasuot pa siya ng apron.
“Kumain ka na ba?” tanong niya.
“Ha? Di pa,” sabi ko.
Tapos bigla akong nagising sa katotohanan.
Si Julian nasa condo ko. Nagluluto.
“Wait lang, bakit ka nandito?” sabi ko.
“Ngayon mo lang napansin? Haha, wala lang, naisip ko lang na ipagluto ka. Umaakyat ako ng ligaw,” sabi ni Julian.
Umaakyat ng ligaw?
“Umaakyat ka ng ligaw? Tama bang pumasok sa bahay ng nililigawan habang wala pa siya?” tanong ko.
Di ko talaga mapigilang magsungit kasi kinikilig ako, alam niyo naming defense mechanism ko yun. Hahaha!
Napakamot na lang siya ng ulo.
“Eh kasi, antagal mo eh,” sabi ni Julian. “Nainip ako ng konti. Hehehe.”
NAKO! Jan tayo nadadali eh. Sa pagpapa-cute! Wag kang kikiligin, wag kang kikiligin.
Kung di ko lang mahal ‘tong lalakeng ‘to.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko tapos nagbihis. Paglabas ko nakahain na yung food tapos nanonood yung gwapo sa sala.
Nung narinig niyang bumukas yung pinto ng kwarto ko, lumingon siya tapos sabi niya, “Kain na tayo?”
Nag-nod na lang ako.
Nung nasa dining room na kami at nakaupo (take note, pinaghila niya pa ako ng upuan), kumain kami ng tahimik. Medyo awkward nga lang.
Ansarap nung niluto niya. Huhuz. Kainis.
Ang niluto niya lang naman po ay..Seafood Kara-kare. Odebuhhhhh.
“Masarap ba?” tanong ni Julian.
Eh ngumunguya ako nun, kaya nag-nod na lang ako.
“Kanina ka pa hindi nagsasalita. Galit ka ba? Sorry na kase,” sabi niya.
Hala?! Puno lang ang bibig kaya hindi makapagsalita, galit na agad? Anyare?
Binilisan ko ang pag-nguya ng pusit.
“Nagulat lang ako, kasi marunong ka palang magluto. Tapos nandito ka sa condo ko, nakapasok ka gamit ang spare key, tapos sasabihin mo umaakyat ka ng ligaw. Tapos ngayon nagso-sorry ka. Panong di ako magiging speechless?” sabi ko.
Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko. Lumabas tuloy ang pagiging good conductor ng human body. May electricity na dumaloy eh.
“Namiss kita,” sabi niya.
Anak ka ng nanay mo talaga! Ayan na. Nagsimula nanaman po ang pagiging cheesy ni Julian Nicolai Araneta.
“Eh kasi kung namiss mo ko dapat nagpakita ka man lang sa office kahit minsan ngayong linggong ‘to diba?” sabi ko. Hindi ko naman inalis ang kamay ko sa ilalim ng kamay niya.
“Namiss mo rin ako ‘noh?” sabi ni Julian.
Ay leche. Ganyan yan. Magpapaka-sweet tapos magyayabang.
“Hindi na, bigla kang yumabang eh. Laki ng ulo mo forever,” sabi ko.
“Halaaa, sorry na po,” sabi ni Julian.
At dun natapos ang pagkain namin.
Pagkatapos naming kumain eh nagtangka pa siyang iligpit ang pinagkainan naming pero siyempre nahiya naman ako kaya sabi ko ako na lang.
Tapos umuwi na siya. Nagpaalam tapos wala na.
Medyo parang naging empty yung condo ko nung umalis na siya.
Nung pago ako matulog, nag-ring yung phone ko.
“Hello?”
“I just called to say goodnight. I love you, Honey,” sabi nung nasa kabilang linya.
Eh sino pa ba yun? Edi si Julian
Paggising ko nung sumunod na araw..
May gwapong bumungad sa paningin ko.
“Good morning beautiful,” sabi ni Julian.
I blinked twice. Tapos napabangon ako sa kama. Wala akong bra!! Buti na lang nakakumot ako.
“Why are you here again?” sabi ko.
Tapos tumayo siya at kinuha yung isang tray ng breakfast na nakapatong dun sa may mini-table sa bed.
“I’m here to bring you breakfast in bed,” nakangiting sabi ni Julian.
Breakfast in bed? More like fiesta in bed. Pano kasi, may omelet, tapos bacon, tapos hotdog, fried rice, pandesal, cheese, at coffee. Ganun ba ako katakaw?
Pero medyo nakakalungkot rin.
Napansin niya yata na nag-frown yung mukha ko tapos sabi niya, “Bakit parang nalungkot ka?”
Tumingin ako sa kanya ng diretso.
“Julian, wag mo akong sanayin na nadyan ka palagi, lagi mo akong pinapadalhan ng flowers, pinagluluto mo ako, tapos tatawagan mo ako para lang magsabi ni goodnight. Wag mo akong sanayin sa ganun, kasi baka mamaya..hanap-hanapin ko ‘pag wala ka na.”
Nalungkot din yung mukha niya.
“Hindi naman ako mawawala,” sabi ni Julian.
“Pano ka naman nakakasigurado? Playboy ka dati, Julian. Parang drug addict lang. Maaaring nagpa-rehab ka, pero once na makakita ka ulit ng babae, at magustuhan mo, babalik ka sa pagiging ganun. Tapos ano na ako? Maiiwan nanaman ako mag-isa,” sabi ko.
Ayan. Nasira ko nanaman yung mood. Kainis. Ano ba ‘tong bibig ko.
Eh since nasimulan ko, dapat kong tapusin.
“Nahihirapan akong magtiwala ulit, kasi natatakot ako. Oo, mahal rin kita, pero ano naming mapapala natin kung wala naman akong tiwala? Pano nga kung mambabae ka ulit? Pano kung makahanap ka ng mas maganda at mas gusto mo kesa sakin? Ayoko na masaktan ulit. Ayoko na magpakatanga. Pinoprotektahan ko lang yung puso ko, kasi baka ‘pag nasaktan ako ulit, baka maging manhid na lang ako.”
Medyo nakakaiyak lang.
Nagsalita rin si Julian, sa wakas. “Pangako ko sayo, papatunayan ko na hindi na kita lolokohin. Sana lang pagbigyan mo ako. Bigyan mo ako ng chance. Please?”
“Okay. But please don’t break it again,” sabi ko.
At nagpatuloy kami kumain ng breakfast.
Pagkatapos kumain, sabi ni Julian, “Mag-ayos ka na, may pupuntahan tayo.”
Ako naman si tanga, sumunod.
Malay ko bang date pala yun? Bwahahaha. Joke lang, di naman ako ganun katanga.
To be continued…
___________________________________
A/N: Si Julian naka-apron! Ang cuuuute >3<
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?