(Honey's POV)
Matatapos na ang araw at nagsasawa na ako sa mukha ni Julian. Halos ma-memorize ko na yung location ng pimples niya (na non-existent pala) at mabilang yung nonal niya sa mukha (isa sa may cheeks, isa sa may noo).
May nagtext!
From: 0915*******
Hi Honey, Harvey here. Nag-out ka na ba? Pwede kita maaya magdinner tonight?
O__O
Ohmygod. Did Harvey Dela Rosa - THE HARVEY DELA ROSA - just ask me out?
Shit. Am I dreaming?
Anong irereply ko? Oh em!
a.) Sure, Harvey. Pick me up at 7? -NO, MASYADONG CHOOSY.
b.) Sige! Susunduin mo ba ako or sabay tayong uuwi? - NO, MASYADONG CURIOUS.
c.) K. - AYAW MO BA?!
d.) Sorry, I have company tonight. Maybe next time. -SUS. PAKIPOT.
e.) Wag magreply. Kunwari hindi na-recieve.
f.) None of the above.
EFFFFFFFF! Ba't ba ang hirap magreply? Syete!
Hingang malalim. Eto na...
"Hi, Harvey. Sure, text me the details. :)" SENT.
Woohoo. Did I just agree to have dinner Harvey Dela Rosa?
"Excuse me Ms. Ramos, are you still with me?" sabi ni...
Ah shit! Andito pa pala ako sa office ni Julian. Kinilig masyado, nakalimutan kong di pa pala kami tapos.
"Sorry sir, I spaced out for a second." sabi ko na lang.
"If you just stop staring at that phone, we can finish here before midnight. Don't you think?" sabi niya.
BEFORE MIDNIGHT? WHO IS HE KIDDING?
I blinked at him. "You mean, I - we- can't go home until we finish this?" Tinuro ko yung isang malaking stack ng papers sa table.
"Yes, because I do not like delays as much as I don't like tardiness." sabi niya.
My jaw dropped. THE EFF?
(Julian's POV)
Hindi maaaring makipag-dinner siya kay Harvey! Baka ma-rape pa siya. (OA LANG.) Ako na talaga sumilip sa cellphone niya habang nagtetext siya kanina. Hehehe.
Hmm...ano kaya kung...
"Why? Do you have plans, a date or something?" pa-inosente kong tanong.
"Uhh...not really...but, Harvey asked me to have dinner." nag-alangan pa siya sa pagsagot, samantalang kanina parang gusto niyang tumili sa tuwa.
"That's great! I'll come with you. Para habang nag-didinner, I can talk to both of you about some of my plans." enthusiastic kong sabi.
Nanlaki yung mata niya. Hahahaha! Trip ko talaga mga facial expressions neto. =)))
"Dapat siguro..sabihin ko kay Harvey. I'll text him."
"No need, I'll ask my secretary to tell him to go here." sabi ko.
At yun na nga. Dumating si Harvey sa opisina ko. Nagulat pa siya na nandun pa si Honey.
"Sir?"
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?