Chapter 24 - beLIEve

84 1 2
                                    

Chapter 24

I was rendered speechless.

Lord, bakit po ganito?

Una sa lahat, inlove raw sakin si Julian. Pangalawa, hindi ako naniniwala. Pangatlo, mukha siyang seryoso nung sinasabi niyang speech niya kanina. At panghuli, mahal ko din naman siya, pero siyempre di na muna niya kailangang malaman yun.

‘Suuuuuus, pakipot ka pa,’ sabi nung maliit na boses sa likod ng utak ko.

Eh paano ko naman mapagkakatiwalaan ulit yang lalakeng yan? Matapos niyang kong gaguhin? Please lang ha.

Kahit pa sobrang gwapo niya, sobrang hot, at mayaman, din a ko magpapauto ulit. Kahit maghubad pa sa harap ko yan, at magstriptease, hinding-hindi na. Promise.

Wait lang, striptease? I like that!

Ay joke. Sabi ko nga playboy siya at maraming babae at malaki ang ego at puro pagpapagwapo ang alam na gawin sa buhay eh. Tanga lang miinlove dyan.

Tanga nga ako. Kais nainlove ako. Noon.

Hanggang ngayon yata eh inlove pa rin ako.

Ewan ko. Tanong mo sa bestfriend ko.

Ayun nga. Nakatulala nanaman ako sa kanya. Jusko, sa hinaba-haba ng speech niya eh. Medyo sweet at medyo nakakainis kasi nga sweet.

Naputol ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nung nagsalita siya ulit.

“Please do say something,” sabi niya with matching shy face. Ang cuuuuuute! Sarap pisilin ng face.

“Uhh, what do you want me to say? I love you too?” sabi ko.

“Yes,” walang kaabog-abog niyang sagot. Mabilis pa sa alas-kwatro.

Antaas ng self-confidence ni Kuya, ansarap pababain.

“Actually, can you give me, like a minute to process all these information? It’s making my head burst, and who likes that? No one, really,” sabi ko.

Hindi kasi ako makapag-isip ‘pag nandyan siya sa harap ko at nakatitig lang sakin na para bang isa akong science experiment.

“Sige, alis na ‘ko. Salamat sa time at sa pakikinig, sana bigyan mo ako ng isa pang chance,” sabi ni Julian bago siya umalis. Take note, ngumiti pa siya ng isang winner na smile bago niya isara yung pinto ng office ko.

Sana araw-araw ganyan ang smile niya sakin.

Pag-alis niya, ayun medyo nag-isip ako ng konti. Pero wala naman akong na-formulate na desisyon kais nga hindi ko alam kung totoo lahat yun. At siyempre, when it comes to boys and their immaturities, si Elise ang tatakbuhan ko.

Pag-uwi ko ng condo, tinawagan (hindi uso angtext samin) ko si Elise para pumunta siya sa condo ko. Mga ilang Segundo lang, andun na agad siya.

“What happened?” sabi niya habang ngumunguya ng isang slice ng pizza.

So kinwento ko nga yung nangyari. Tapos yung mukha niya nung natapos akong magkwento, parang ewan lang. Nakanganga tapos nagbblink-blink yung mata.

“He’s inlove with you? That bastard is actually in love with you?!” sabi ni Elise.

“Were you not listening? He said he is,” sabi ko.

“We all know that is bullshit,” sabi ni Elise.

Hay jusko that’s exactly why I love herrrrrr

“Hindi ko rin alam kung maniniwala ako o hindi. But everything seems legit naman eh,” sabi ko, habang ngumunguya na rin ng pizza na maraming maraming cheese.

“Then let him be. Patunayan niya munang totoo yung mga sinasabi niya bago ka maniwala. Hindi yung puro salita naman siya dyan, mamaya umaarte nanaman yan. Tapos sa dulo ano? Masasaktan ka ulit,” sabi ni Elise.

True. Yun nga ang kinakatakot ko eh. Ang masaktan ulit.

_______________________________________

A/N: Picture ni Honey at Elise sa giliiiiid <3

The Egoistic BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon