Chapter 14. 2 - Hidden Agenda

90 0 0
                                    

Chapter 14.2 – Hidden Agenda

Honey’s POV

“Meet me at the Italian Restaurant around the corner in 30 minutes,” text ni Julian sakin. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Parang may mangyayaring masama. Sana wala.

Pumunta ako dun sa Italian restaurant na sinasabi ni Julian. Pagpasok na pagpasok ko dun sa private section na laging nirerent ni Julian pag kumakain kami dito, alam ko nang tama ang kutob ko.

Nakita ko siya. May kahalikang iba. At hindi lang basta ‘halik,’ they were making out in a restaurant. Oo, private section ‘to, but isn’t it too much?

Natulala na lang ako. After a while, I found my voice.

“Ano ‘to?” tanong ko.

Tumigil sila sa ginagawa nila. At ang isa pang nakapagpainit ng dugo ko ay nung nakita ko yugn mukha nung babae.

Si Gelaine Ann.

Yung malandi dun sa party. Na sinabi ni Julian na hindi niya raw kakilala.

Nung mga oras na yun, parang naging manhid ang katawan ko. DI ako makapagsalita. Di ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanila. Nakatingin lang sila saken.

Tumayo si Julian at lumapit sakin. “Hi babe,” sabi niya sabay akmang hahalikan ako. Umiwas ako.

“Hahalikan mo ‘ko pagtapos mong halikan yang babaeng yan?” sabi ko.

“What’s wrong? We were just kissing, and she’s not my girlfriend,” sabi ni Julian habang may smirk na nakapinta sa mukha niya.

Sinampal ko siya. “Not anymore,” sabi ko sabay alis na sa restaurant. Bago pa niya makita yung luha ko.

Pagdating ko sa condo, nagbihis ako ng pantulog at kumuha ng ice cream sa ref. Pag-upo ko sa sofa, sunod-sunod na tumulo ang mga luha.

Kumain ako ng kumain habang umiiyak. Ang sakit. Bumalik lahat ng sakit. Paulit-ulit na lang. Lagi na lang ako yung nasasaktan.

Tinext ko si Elise at agad naman siyang nasa condo ko.

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.

“Asan yung gagong yun? Wag lang siyang magpapakita saken, mapapatay ko talaga siya,” galit na sbai ng bestfriend ko. Akmang aalis sana siya, pero pinigilan ko.

“He’s not worth it,” sabi ko, in between tears.

“The hell he is!” sigaw niya. “Itetext ka niya ng ganun tapos may kasama pala siyang iba. Manloloko na lang magpapahuli pa!”

“Sa tingin ko sinadya niya yun,” sabi ko, medyo tumigil na ako sa pag-iyak.

“Pero bakit naman niya gagawin yun? Ano yun, palabas lang lahat?” sabi ni Elise.

Masakit pala pag sinabi mo ng malakas. Palabas lang lahat. Palabas lang lahat. Palabas lang lahat.

“Siguro nga ganun. Siguro tingin niya saken ay sobrang tanga kaya pinaglaruan niya ‘ko,” sabi ko, bumabalik nanaman ang mga luha.

“Oh, please. He knows that you’re not stupid,” sabi ni Elise.

The stupidest people are smart people in love,” sagot ko sa kanya.

Oo, mahal ko si Julian. Masakit man sabihin, pero kinain ko yung mga salita ko noon na hinding-hindi ako iibig sa kanya.

Siguro nga naging tanga ako, at minahal ko siya. Pero sino bang hindi ma-fafall sa isang lalakeng ganun? Gentleman, magaling magluto, magaling kumanta. He makes me feel like I’m the most beautiful woman in the world. He takes care of me.

Bakit parang lahat ng pinakita niya sakin totoo? Bakit parang panaginip lang lahat? Anlaki ko naming tanga para maniwala.

Totoo ba lahat yun, o magaling lang talaga siyang umarte?

______________________________

A/N: Oh noes! Sorry I suck at writing tearjerkers. Hahahahaha. Enjoy!

Pahingi ng votes please? :)

The Egoistic BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon