Chapter 13. 2 – The List
Saturday pala ngayon. At usually ‘pag Saturday, matutulog ako buong araw. Yun ay nung mga araw na single pa ako. Pero since ‘di na ‘ko single, mukhang din a rin ako makakatulog buong araw.
Tumawag si Julian.
“Good morning babe!” as usual.
“Morning. Babe,” sagot ko.
“Get up. We’re going somewhere,” sabi ni Julian.
“What? But it’s Saturday!” pag-angal ko.
“Yes, and Saturday means spending time with your hot boyfriend. And besides, anong oras na ba? 3pm na!” bulyaw niya.
My God. Bakit ganito ang boyfriend ko. T____T
3pm pa lang kase! Ano ba, stressed ako sa work my gosh!
“Bumangon ka na dyan, tapos magbihis ka. Yung maganda ha. I’ll pick you up at 6! Bye!” at binaba na ni Julian ang phone.
No choice. Prompt ang boyfriend ko. Kelangan na bumangon at magbihis. Ang hilig talaga nun sa surprise. -__-
6PM
*knock knock*
“Comiiiiiing!” sigaw ko kay Julian. Alam kong siya yan, kasi eksaktong 6pm na.
Binuksan ko ang pinto and then an angel was standing right in front of me.
“Are you ready?” tanong niya saken habang tinitignan kung anong suot ko.
Naka-red akong dress plus black na high heels. Tapos si Julian naman ay naka-black na polo na nakabukas yung first two na buttons. Ang gwapo my gulay. :””””>
“Tara na.” sabi niya nung makuntento sa pagtitig este pagsusuri ng damit ko.
Nung nasa kotse na kami, “San ba tayo pupunta?” tanong ko kay Julian.
“Somewhere over the rainbow.”
“Pfffft. Ang korni mo! Ewan sayo,” nagpipigil ako ng tawa, ang korni korni ni Julian grabe. (A/N: Ang korni ng author grabe!!!)
@ CAFÉ VENIZ
Ang Café Veniz ay isang bar/café sa may Timog Ave. Maganda ang ambiance sa loob ng bar at walang masyadong ingay. May isang maliit na stage sa gitna na pwedeng kantahan. May mga instruments din kagaya ng guitar, violin at drums na pwede mong gamitin kung kakanta ka.
Umupo kami ni Julian sa may bandang gitna, sa harap nung mini-stage.
“Ba’t dito tayo nakaupo? May magpeperform ba?” tanong ko.
“Meron mamaya,” sagot ni Julian.
Um-order muna kami ng dinner. Wow, nagseserve din pala sila ng dinner dito. Sarap ng pasta Alfredo tapos wine!
Maya-maya, nagpaalam si Julian na pupunta daw siya ng CR.
Tapos biglang nag-on yung spotlight sa stage. Tsk, kung kelan umalis si Julian, dun naman dumating yung performer. Yung totoo. -___-
May umakyat na lalake sa stage. May hawak na gitara. Naka-black yung lalake, mukhang gwapo ‘to ah.
O____________________O
SI JULIAN?!
HOMAYGAS! WEH?! SIYA YUNG PERFORMER?!
Nagsalita si Julian sa mike. “Good evening. Hi, I’m Julian. I will sing the song, Para Sa’yo by Parokya ni Edgar and I want to dedicate this song to my lovely girlfriend, Honey. But before that, I would like you to know, babe, you make me happy. Thank you so much for being there always, and I hope to be with you forever. This song is for you.”
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Fiksi RemajaPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?