Hello! Eto update. :D
Vote. Comment. Be a Fan. :)
Chapter 16 – What Bestfriends Are For
Bakit umaalog yung kama? Lumilindol ba? Napabangon ako bigla.
Akala ko lumilindol, yung magaling kong bestfriend lang pala ang tumatalon sa kama.
Tumatalon? Bakit?
“What the hell are you doing?” tanong ko kay Elise.
“Finally you’re awake! I lost 200 calories already!” sagot ni Elise.
Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to. Ginawa bang exercise machine yung kama ko. -____-
“Ano bang meron?” tanong ko.
“Well, today is the day that you are moving on! Completely!” sigaw ni Elise.
Nabingi ako. >< Sa mga hindi nakakaalam, mahilig talaga mag-English si Elise. Charotera yan e, sosyalin kase.
“Pwede ba, ang aga-aga, ang ingay-ingay mo! At please lang, mag-tagalog ka, wala akong panahon sa English speaking people ngayon. Para kang si Julian,” sabi ko.
Damn. That name again. Ugghhhh.
“See? That’s why we’re going shopping today!” sabi ni Elise. Tapos tumalon-talon ulit siya sa kama.
Bumangon ako at pumunta sa CR para mag-toothbrush at mag-hilamos. Tapos binalikan ko si Elise.
“Anong konek ng shopping sa moving on?” tanong ko.
“Basta. Maligo ka na, magbihis ka na, tapos aalis tayo. Period, no erase, bawal i-edit,” tapos lumabas na siya ng kwarto.
What is wrong with her? Bata lang? Bata? Hay.
Pagtapos ko maligo at magbihis, lumabas na ‘ko ng kwarto. Pagsilip ko sa kitchen, andun si Elise, nagluluto.
Si Elise. Nagluluto. That’s not good.
Tumakbo ako sa kusina tapos inagaw ko sa kaniya yung sandok.
“Nagpapakamatay ka ba? Bawal ka sa kusina, shooooo,” pagtataboy ko sa kanya.
Hayaan mo na siyang matulog maghapon, wag mo lang siyang iiwan sa kusina. Baka kasi masunog ang bahay mo. O kaya maging crime scene ng murder.
Pagtapos kong isalba yung niluluto ni Elise, kumain na kami.
“San ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa mall. Tapos sa salon,” sagot niya.
Wow. Gandang sagot. Alam kong sa mall, malamang. Eh aling mall? -___-
Napadpad kami sa Trinoma. Jusme, ang layo layo neto sa condo naming. Bakit dito pa? Pwede naming Glorietta na lang, or something.
Bumili kami ng maraming-maraming damit. Hindi ko alam kung para saan, basta may pang-formal, pang-office, pang-bahay, pang-casual. Tapos sapatos. Puro high heels. Noooooooo! Ayaw niya ‘kong payagan bumili ng rubber shoes. This is a disaster!!!
Nilagay muna namin sa kotse lahat ng pinamili, tapos pumunta kami ng Tony and Jackey salon. May kakilala yata si Elise dito, kaya lagi kami ditto pumupunta ‘pag magpapagupit.
Pagpasok ng salon..
“Hi Miss Elise! Hi Miss Honey!” bati samin nung mga haircutter.
“Hi! Where’s Jack? Sabi ni Elise. Si Jack yata yung kakilala niya.
Pagkarinig ng pangalan niya, lumabas si Jack. Isa siyang lalaki na bading, pero hindi halata. Gwapo kase. Tapos Koreano. Mehehe.
“Jack, I want you to do the full makeover to my bestfriend here,” sabi ni Elise.
Nanlaki ang mata ko. Parang gusto kong tumakbo pero dahil nga bestfriend ko siya, alam niyang tatakbo ako kaya hinawakan niya agad yung braso ko.
Tapos pinaupo niya ‘ko.
At dun nagsimula ang kalbaryo.
Ginupitan ako ni Jack. May side bangs tapos umikli. Tapos naging straight.
Kinulayan ni Jack yung buhok ko. Yung medyo brown na parang red na ewan.
Tapos habang inaantay yung buhok ko, pinapunta ako dun sa parang spa, tapos shinave yung legs ko.
Tapos pinabalik nila ako dun sa upuan.
Tapos make-up. Inayos yung kilay ko.
Tapos parang naging curly yung eyelashes ko.
Tapos nilagyan ng kulay yung eyelids ko, pati cheeks.
Nilagyan ako ng lipstick.
At pagkatapos ng ilang araw, hindi ko alam kung gaano katagal, natapos rin.
Si Elise din pala nagpaayos. Pero buhok lang yung kanya, kasi kikay na talaga siya at hindi na kailangan ng makeover.
Pinagbihis nila ako bago nila ako pinaharap sa salamin.
Tapos nung pianharap nila ako sa salamin, sabi ko, “Salamin ba ‘to? Hindi yata eh.”
Ang ganda nung babae sa salamin.
Ako pala yun.
KInabukasan…
Pumasok ako ng opisina. Siyempre bago ako pumasok, tinuruan muna ako ni Elise nung mga chuva-ek-ek para daw tumagal yung kulay ng buhok ko, tsaka yung basic makeup. Marunong na ako, medyo. Hehehehe.
Pagpasok na pagpasok ko ng building, parang huminto lahat ng tao sa ginagawa nila para tignan ako.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad, medyo mahirap nga lang kasi naka-high heels ako.
Sakit sa paa grabe.
Nakarating din ako ng matiwasay sa office ko. Umupo ako sa swivel chair, tapos biglang may tumawag sa telepono.
“Pinapatawag ka po ni Sir Julian sa office niya,” sabi nung secretary ko.
As usual. Hay naku. Eto na. Haharapin ko na siya. Ano kayang masasabi niya?
______________________________
A/N: Ayaaaaan! Tenenen. Nag-move na nga ba? Hahahaha.
Picture ni Elise at Honey sa gilid. ;)
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?