Author's Note: Try nating mag-3rd person POV. Mas kumportable yata ako dito. Haha., Anyway, enjoy!
PS: Don't kill me for this. ;) Picture ni Julian sa right! :>
(3rd person's POV)
Kasalukuyang natataranta sa Honey sa loob ng kanyang walk-in closet. Nagsusukat ng mga damit, at pagkatapos ay ihahagis na lang kapag hindi nagustuhan. Ngayon lang siya nataranta ng ganito sa tanan ng buhay niya.
Paano ba naman kasi ay ngayon lang sinabi sa kanya ni Julian na may party pala ang kumpanya mamayang gabi, exactly 8 hours from now. At wala pa siyang gown na isusuot, knowing na formal party ito.
Isa pang ikinakataranta niya, hindi niya alam kung bakit, pero dahil si Julian ang partner niya sa nasabing party. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o excited, o pareho.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay kahina-hinala ang kilos ni Julian. Hindi sa nakakatakot na nakakahinala, pero yung nakakabigla. Oo, iba kasi ang pakikitungo ni Julian nung mga nakaraang araw sa kanya. Hindi sa mabait, hindi sa friendly, pero civil. Hindi tulad ng dati na masungit at pala-sigaw.
Kagaya nung nakaraang Lunes, isang weekend matapos ang 'date' nilang tatlo nila Harvey, nakasabay niya si Julian sa elevator, at nagulat siya nung ngumiti si Julian. Oo, si Julian Araneta, ngumiti. At hindi napigilan ni Honey ang sarili, ngumiti siya pabalik. Nadala yata siya sa kagwapuhan ni Julian.
At nung isang araw lang, habang nasa office siya ni Julian, nilibre pa siya nito ng lunch. At dessert. Pati ang kaisa-isang kahinaan ni Honey...ang milk tea.
Hindi lang yun, madalas na ngumingiti si Julian sa kanya. At hindi niya alam kung bakit.
At kanina lang, pinauwi siya ni Julian para mag-ayos.
"Ha? Para san?" gulat niyang tanong.
"Didn't I tell you? Oh shit, I forgot." sabi ni Julian.
"Ano bang meron mamaya?" sabi ni Honey sa boss. Galit sana siya rito, pero mukha namang sincere ang sorry niya.
"May launching party mamayang 7pm. And as my assistant director, you're required to attend." pagpapaliwanag ni Julian.
Nagulat na lang si Honey. Nag-offer si Julian ng pera, pero hindi niya tinanggap. Nakakahiya naman, at may pera rin naman siya pambili ng sariling gown.
At ngayon...12noon na. Hindi pa siya nakakapag-lunch, at wala pa rin siyang gown.
Tinawagan niya si Elise para humingi ng tulong.
"E! I need help. May launching party mamaya, I need to attend. At wala pa akong gown!!!" tarantang sabi ni Honey.
"Okay, calm down. I'll try to squeeze in some time during break to find anything." sabi ni Elise sa kabilang linya.
After 30 minutes of hopeless gown searching...
*knock knock*
Binuksan ni Honey ang pinto. At nagulat siya ng walang tao sa kabilang side, pero may box na nasa may foyer. Isa itong malaking black box na may balot ng pulang ribbon. Kinuha niya ang box at tumingin-tingin sa paligid para sana makita kung sinong nagdala nito.
Sa ibabaw ng box ay may nakasulat na:
"Sorry for forgetting to tell you earlier. Here's a peace offering. -J"
Binuksan niya ang box. Nasa loob ang isang pares ng red pumps (designed by Christian Louboutin) at isang floor length high-low black gown (na medyo plunging ang neckline).
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?