Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 14.1 - Hidden Agenda

92 0 1
                                        

Chapter 14.1 – Hidden Agenda

Julian’s POV

Nasa isang bar ako sa Timog. Kasama ko barkada ko. Tagal naming di nagkita, since nagtrabaho ako nawalan kami ng time gumala.

Nandito kami sa loob ng isang private room sa loob ng bar. Para medyo tahimik at di puro usok at kami-kami lang. (Malamang, private nga diba, Julian?)

“Pare, kamusta naman yung syota mo?” tanong ni Joe.

“Onga pare, di pa ba kayo break nun?” gatong naman ni Ralph.

“Malapit na,” sagot ko sa tanong nila. Oo, malapit na kaming mag-break ni Honey.

“Malapit na mag-two months, di pa kayo break. Pare sinasagad mo kontrata ah. Baka naman, nahulog ka na?” sabi ni Jesse.

Tama kayo, ladies and gentlemen. Arte lang ang lahat. Lahat ng pinakita ko kay Honey, arte lang.

Baka tanungin niyo ‘ko, bakit ko ginawa yun? Kasi pinagmukha niya ‘kong tanga nung una kaming magkita. SInaktan niya ang ego ko. Ganun talaga ang mga lalake, may malaking ego. At dapat, hindi mo ito pinagmumukhang maliit, lalo na sa harap ng maraming tao.

Kayak o siya niligawan, kasi gusto kong maranasan niya kung pano mapahiya. At bukas na bukas, gagawin ko yun. >:)))

Sinabi niyang hinding-hindi siya ma-fa-fall sa isang tulad ko (na gwapo), pero sa tingin ko nagkamali siya. Sus, ngiti ko pa lang halos matunaw na yun, e. Lalo na nung inalagaan ko siya. At pinagluto ko pa siya. Ano ba ang pumasok sa isip ko, at ginawa ko yun? Ah, para sa plano.

At magtatapos na ang two months. Hanggang dun lang ang limit ko sa kanya e. Masyado siyang clingy, laging sweet, mahilig sa PDA, and I hate girls like that.

"Bukas, tapos na 'tong tinatawag na relasyon namin," sabi ko sa kanila.

"That's great! Edi mababalikan mo na yung mga tunay na chix, bro?" sabi ni Joe.

"Hindi ko naman sila iniwan e, tinago ko lang," sagot ko sa kaniya.

"Wow, galing mo magtago bro! Sa sobrang clingy at sobrang tinik ng syota mo, natago mo?" sabi ni Jesse.

"Look, Jesse, sa tingin mo ba, san ka kumuha ng acting skills?" balik tanong ko sa kanya.

At sa mga nagsabing hindi totoo ang "Once a player, always a player," I guess I just proved you wrong.

Time for a little revenge.

___________________________________

A/N: Kyaaaaaaaaaaaa~! I hate you Julian! Kairita ka! Ay, affected si author. Mehehehehe. Picture ni Julian sa gilid! Smoking hot! Literally.

Teaser lang yaaaaan! :D

The Egoistic BastardMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon