Chapter 19 - Love Triangle Plus One More Side

104 1 1
                                    

Chapter 19 – Love Triangle Plus One More Side

Honey’s POV

Anak ng kinalbong tupa.

What just happened?

Okay, after nung forehead kiss (*shiver*) ni Joshua, ngumiti na lang ako tapos umalis na.

Hindi ko alam kung anong irereact! Ano ba!!!

Pagdating ko sa condo, pinapunta ko agad si Elise tapos kinuwento ko sa kanya yung nangyari.

Eto ang listahan ng mga reaction niya:

“OMG!!!”

“HAHAHAHAHAHA!”

“WHAT?!”

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!”

“HIHIHIHI!!”

“WHAT THE FCUK?!”

“AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!”

Okay. Hulaan niya na lang kung anong party ng story yung expression niya.

Hiningal ako sa pagkkwento.

Inabot na kami ng 2am dito. Pano ba kase, bawat eksena kailangan may reaksyon, tapos hihinto ako, at kailangan niya daw huminga. Baliw, amp.

Dahil nga 2am na kami natapos, late ako.

Late? Sabado pala. HEHEHEHE. ^_^

*ring ring*

Ang aga naman yatang caller neto?

Calling..Harvey Dela Rosa

O_______________o

Harvey?

Wait lang..sino ba si Harvey?

Hindi ko maalala kung sino si Harvey Dela Rosa, pero sinagot ko yung phone. Malay mo emergency diba? LOLS K

“Uhh, hello?” sabi ko.

“HONEY!!!” sigaw nung nasa kabilang linya.

Nilayo ko yung hpone sa tenga. Nyeta, makasigaw wagas? Anong problema neto?

“Who’s this?”

“Harvey! Don’t you remember?” tanong nung nasa kabilang linya.

“Sinong Harvey ba? Wala akong kilalang Harvey!” sabi ko.

“Aish. Nakalimutan mo na agad? Yung kasayaw mo nung launch!”

Launch?

Hmm…

AH! Si Harvey! Hahahaha!

Hala nabaliw na, tumatawa sa sarili.

“Ah!” sabi ko. “Bakit ka napatawag?”

“I hear about what happened between you and that bastard,” sabi ni Harvey. Kapansin-pansin ang paghina ng boses niya, parang nagtitimpi ng galit.

Bakit ba lahat ng tao affected sa breakup namin?

“Uhhh, okay?”

“So that bastard just played with your feelings huh?” sabi ni Harvey.

“Why do you care?” tanong ko.

Tumahimik sa kabilang linya. Akala ko nga binaba na niya yung phone, kung di lang naririnig ko yung paghinga niya.

“Because I’m your friend! And friends care for each other!” biglang sabi ni Harvey.

“Uhh, okay?” medyo may pag-aalinlangan kong tanong.

“Can I see you?” biglang sabi ni Harvey. “Please?”

I guess pwede akong makipagkita. Di naman siguro rapist ‘to. At pano nga ba niya nalaman yung number ko?

“Wait lang, pano mo nalaman number ko?”

“You gave it to me, remember?” sabi ni Harvey.

Actually, I can’t. Gusto kong sabihin sa kanya. Kaya lang I let it go na lang.

“Oh okay. Look, if you want to see me, just text me the details. And please, yung malapit sa may office. Bye!” sabi ko, tapos binaba ko na yung phone.

Hmm, ano kayang problema at biglang nabuhay si Harvey?

2pm, sa isang Milktea place sa Makati.

Nakaupo ako sa isang upuan. Malamang. Alangan sa table ako umupo.

Inaantay ko si Harvey. Naalala ko na siya. Siyang yung type kodati na taga office din. Hehehe! Yung nakasayaw ko tapos nakipagtitigan kay Julian nung meeting namin. Siguro nakalimutan ko siya dahil nga nag-concentrate ako sa relasyon k okay Julian.

Tapos biglang may duamting na gwapong lalaking naka-aviators.

Ay si Harvey pala.

Tumayo ako. “Harvey!” tinawag ko siya.

Tapos ngumiti siya. Shiznitz, ang gwapo pa rin! Bakit ko ba nakalimutan ‘tong gwapong ‘to?

“Honey!” tapos kumaway siya.

Lahat ng babae sa milktea place ay naging hearts ang mata.

Lumapit si Harvey sakin tapos umupo sa harap ko.

“Long time no see huh?” sabi ko.

“Oo nga, pumunta kasi ako sa New York para magbakasyon eh,” sabi ni Harvey.

Tapos napansin kong may dala pala siyang paperbag. Binigay niya sakin tapos ngumiti siya ulit.

Paksyet na ngiti yan. Nakakatunaw.

“Para sayo yan, pasalubong galing New York,” sabi niya.

“Ah, nakakahiya naman, nag-abala ka ba, hindi naman tayo ganun ka-close,” sabi ko na medyo nangingiti.

“That’s okay,” sabi ni Harvey.

Um-order kami at nilibre niya ‘ko. Big time ‘to ha! Galing ng New York tapos may pasalubong pa ‘ko.

“So, why did you want to see me?” sabi ko. “I mean, bukod sa pasalubong,” dugtong ko pa na medyo natatawa.

“I’ll be straightforward,” sabi ni Harvey.

“Mmm-hmm,” sabi ko, may kasama pang tango.

I like you, Honey. Please go out with me,” tapos sinabayan pa ng isang matinding ngiti ni Harvey Dela Rosa.

__________________________________

AUTHOR'S NOTE:

HALA KA! NALOKO NA. XD

The Egoistic BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon