Epilogue
(Eto na, dahil medyo na-bother ako dahil may prologue tapos walang epilgoue. OC eh.)
Honey’s POV
5 years. 5 years na ang nakalipas. Eto kami ni Julian, masaya pa rin.
Masaya at may isang makulit na baby girl.
One year after maging kami ulit, niyaya ako ni Julian magpakasal. I mean, ang ganda ko naman masyado para tumanggi.
He gave me the most beautiful wedding.
Garden wedding siya, and the weather was so nice, it felt like it was congratulating us.
Tapos meron ang parang flowery thing sa ulo, tapos naka-white high-low gown ako na maramign ruffles and stuff. Julian was wearing a white tuxedo with a black bowtie.
Tapos parang may entrance chorva kami na puro flowers and vines.
It was very memorable.
Andun lahat ng family and friends and enemies-turned-friends.
Si Gelaine Anne? Ewan ko kung anong nangyari dun, basta nung nalaman niyang ikakasal na kami, nawalang parang bula. Nag-suicide siguro. O kaya naghanap ng bagong pipikutin.
Si Joshua? Ayun, naging guy bestfriend ko. Natanggap naman niya na hanggang dun lang, at nag-sorry din siya dahil sa nangyari sa bar. At may bago siyang girlfriend! Si Shiela. Hehehehe.
Si Harvey naman, ayun, he’s still the same. Crush pa rin niya ‘ko, kahit nung reception na, binibiro pa rin niya ‘ko.
Ayun, ang saya saya lang.
Siyempre maid-of-honor ko si Elise, and maganda kong bestfriend. At ang best man ay si Joshua. Odebah? Ang saya naming lahat!
Hahaha. At yun nga, meron na kaming isang cute na baby girl. Ang pangalan niya ay Phoebe. Ang cute niya. Minana ang kagandahan ng nanay! Hehe, joke. She’s two years old, and has a lot of admirers already.
Si Julian? Ayun, gwapo pa rin. At araw-araw pa rin niya akong inuuwian ng flowers. Hindi na ‘ko nagwork, kasi nga may baby na kami, kaya siya na lang bumubuhay samin. Chos.
“Juliaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!” sigaw ko.
Sabado ngayon, at nasa grill si Julian, nagluluto ng barbeque.
“Yes hon?!” sabi niya.
“Manganganak na ‘koooooooooo!” sigaw ko ulit.
Napatakbo papunta sa loob si Julian. Yes, I forgot to mention, buntis po ako. At manganganak na.
“What?!”
“Bingi ka ba?! Sabi ko manganganak na ‘ko!” sigaw ko.
“I heard you the first time! I just don’t know what to do!” tarantang sagot ni Julian.
“Well, it’s not like it’s your first time! Get the baby bag! Angela! Baby, come here!” sabi ko.
Ohmygod etong asawa ko, natataranta pa, hindi naman siya yung manganganak.
I guess we’ll be like this forever.
Ganito naman lagi. Masaya. Kahit minsan may maliliit na away, katulad ng kung sinong magpapatay ng ilaw kasi pareho na kaming nakahiga, o kaya kung sinong magpapalit ng diaper ni Angela, mga ganun. Pero hanggang ganun lang. Sanay na kasi akong maraming tumitingin sa kanya sa mall ‘pag namamasyal kami, at alam ko naming hindi siya mambababae kaya wala akong alalahanin.
Eto kami, masaya. Sa tinagal-tagal ng ligawan, at may ilang lokohan mang naganap, sa dulo, kami pa rin.
Kami pa rin ng egoistic bastard na una kong nakitang nakikipag-makeout sa mall.
The End.
PICTURE NI HONEY AT JULIAN SA GILID. WEDDING! :)
WAIT WAG MO MUNA i-EXIT ANG TAB! MY AUTHOR'S NOTE PA!
Una sa lahat, salamat po sa pagbabasa nitong TEB. Kahit sobrang bagal ko mag-update, ahahahaha. Nakakalungkot na nakakatuwa na nakatapos ako ng isang kwento, at sobrang na-appreciate ko yung pababasa niyo. Teehee.
Til next time!
PS: paki-vote naman oh, and recommend it to your friends! :)
PPS: Abangan ang bago kong story! :)
BINABASA MO ANG
The Egoistic Bastard
Teen FictionPaano maghihiganti ang isang playboy sa isang babaeng walang epekto sa charms niya? Magawa niya kayang ma-inlove sa isang playboy na bigla na lang sumulpot sa buhay niya?